Warning: Libreng sabaw. XD
---
Hindi siya perfect. Hindi rin siya ang ideal type ko.
But he was..
My first.
***
Ours is a typical story. Parati kaming nagbabangayan. Aawayin nya ko; aawayin ko rin siya--sabay hampas o bato ng kung anong bagay na hawak ko. Pagtataasan niya ko ng boses, sisigawan ko siya sa tenga. Pagtatawanan niya ko, lalaitin ko siya. Pag may sinabi ako-- kokontra siya, ipagtatanggol ko ang sarili ko-- sasagot na naman siya, hanggang sa maubusan kami ng sasabihin sa isa't isa--na hinding-hindi pa nangyayari.
Ganyan ang routine namin sa araw-araw-- almusal, pananghalian, at hapunan. Minsan may kasama pang snacks sa umaga at meryenda sa hapon. Swerte na lang at di na niya ako pinapa-midnight snack ng specialty nyang tukso at inis. Mula high school hanggang college ganyan kami. Sabi nga ng mga kaklase namin, matured daw kami sa maraming bagay pwera lang sa pakikitungo sa isa't isa. Minsan, napapaiyak niya ako. Madalas, napipikon ko siya. Walang tigil na bangayan.
He is not perfect. He is not even my ideal type of guy.
I had this list of qualities na dapat i-posess ng taong magugustuhan ko. Ideal qualities I'd look for in a guy. Ni isa wala siyang taglay.
A guy with sense of humor. Hindi siya pala-tawa. Hindi marunong kumilala ng joke. Madalas nang-iinis pero sya naman ang madalas na napipikon. Sa gitna ng pag-aaway namin bigla siyang titigil at tatahimik. Tapos biglang aalis. Pikon!
A guy who cares and understands. Parati niya akong tinutukso. Parati niya akong inaasar, iniinis. Madalas sa harap ng maraming tao. Hindi niya naiintindihan ang mga ginagawa ko. Minsan sinabihan niya pa akong plastik.
A guy who comforts me. Hindi niya ako sinasabihan ng "okay lang yan" pag alam niyang may problema ako. Hindi sa nag-eexpect ako. Pero konsiderasyon naman di ba? Ilang beses na ba niya ko pinahagulgol nung umiiyak na ako? Minsan sinabihan niya pa akong "iyakin". Tama ba yon?
A guy who is supportive. Never niya akong sinabihan na tama o maganda ang ginagawa ko kahit yon ang mga sinasabi ng karamihan. Hindi niya ako ine-encourage o sinasabihan ng kahit "kaya mo yan" man lang. Siya ang bukod tanging walang bahid ng suporta.
A guy who is intelligent. Parati siyang absent-minded sa klase. Parating late. Late sa pagpasok, late sa pagsubmit ng requirements. Hindi sumasagot pag tinatawag ng teacher. Mababa ang scores sa exams. Madalas tulog. Kung hindi, binabato ako ng eraser o papel na ipinambalot ng chewing gum.
A guy who is kind and respectful. Hindi siya mabait. Hindi siya magalang. Sisigawan niya ang gusto niyang sigawan. Kahit teacher. Mas malala pa siya sa matandang dalagang malapit na mag-menopause sa dalas ng paninigaw niya.
BINABASA MO ANG
What's After Happy Ending? (Short Story)
Teen FictionThe reality after happy ending..