2. My First, My After Happy Ending (2)

2.9K 144 43
                                    


Happy ending na ulit ang buhay ko..

Ang kaso, wala naman talagang happy ending. Dahil ang buhay hindi naman parang fairytale na ikekwento mo sa iba at titigil ka kapag masaya na ang mga bida..

Pinaghandaan namin noon ang panganganak ko, kung paano namin haharapin ang buhay pagkatapos. Planado ang lahat. Pinilit kong planuhin ng mabuti para sa kapakanan ko, kapakanan niya, at kapakanan ni baby. 

Pero gaya nung una, hindi na naman namin napaghandaan ang isa pang pangyayari. Pagkatapos ipahiram sa amin ang anghel ng buhay namin ay binawi rin siya pagkaraan ng isang linggo. Nagkaroon siya ng kumplikasyon na hindi na naagapan ng mga doktor. 

Ang sakit sakit lang! Masakit mawalan ng kaibigan, ng kaanak, at ng magulang. Pero iba ang sakit na dala ng mawalan ng anak. Ni hindi ko man lang naranasan maging magulang sa kanya. Parang pinipiga ang puso ko. Ang dinala ko ng siyam na buwan sa sinapupunan ko.. ang inalagaan ko kasabay ng binuo kong pangarap para sa aming tatlo ay binawi na.

Nagunaw ang mundo ko. Wala na ang dahilan para maging matatag ako. Siya ang natatanging rason kung bakit naiisip ko pang panghawakan ang relasyon namin ng tatay niya. Ang kaisa-isang dahilan kung bakit naisip kong baka may pag-asa pa kaming magkaroon ng happy ending.

Pero ganun talaga ang buhay. Dahil sa mga nangyari, naisip kong baka sign na yon na kailangan ko nang bumitaw..

***

Apat na buwan rin bago ko tuluyang natanggap na wala na si baby. Apat na buwan ng gabi-gabing pag-iyak. Iyak dahil nawalan na ako ng minamahal.. at mawawalan pa ulit.

Malapit na ang graduation namin. At sa araw na yon ko balak sabihin sa kanya na pinapalaya ko na siya.

***

Hinanda ko na ang sarili ko. Sa apat na buwang nakaraan, bagamat parati siyang nasa tabi ko, hindi ko na siya kinakausap ng matino. Kakausapin ko lang siya pag kailangan. At madalas, oo, hindi, at ewan lang ang mga nasasabi ko..

Siguro naman sapat na ang apat na buwan ng paghahanda para hindi na masyadong masakit. Kakayanin ko to. Kaya ko. Kinaya ko ang buhay nang wala siya bago pa naging kami. Siguro naman kakayanin ko ulit ngayon..

"Presenting.. the graduates of Class 2012!" at sunod-sunod na pumasok sa hall ang mga estudyante. Marami sa amin ang pinapanabikan ang araw na to. Ang araw ng pagtatapos. Ang araw na matatapos na ang buhay estudyante namin at bagong hamon na naman ng buhay ang haharapin. Pero taliwas sa lahat, ito ang araw na pinaka ayaw ko sanang dumating. Ang araw ng pagtatapos. Pagtatapos ng lahat sa pagitan naming dalawa.

"Usap tayo" sabi ko sa kanya pagkatapos ng ceremony sabay talikod agad. Alam kong gusto niya kong i-congratulate at yakapin pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon. Kasi baka anytime, bumigay na ako.

"Anong pag-uusapan natin?" Nasa backfield na kami ngayon. Malayo sa hall kung saan marami nang estudyante ang naglabasan at nagpi-picture-an.

Lumanghap muna ako ng hangin tsaka inilabas yon ulit, "Maghiwalay na tayo". At last, I managed to say nang di siya tinitingnan..

"Hahahahahahahahahahahahahaha! Grabe joke mo, epic! Hahahahahaha!" halakhak niya, pero unti-unti ring humina nang nakita niyang seryoso ako.


"P-pero.. B-bakit? May nagawa na naman ba ako? T-teka lang Anj.. Bat parang biglaan? B-bakit.. Hindi ko maintindihan.."

"Tapos na tayo. Wala nang nag-uugnay sa atin ngayon. Tama na. Hindi pa ba sapat yung napagdaanan natin?! Pagod na ko. Pagod na pagod. Malaya ka na. Wala na si baby. Wala nang rason para hindi mo ako iwan. Tutal hindi ka naman nakatali sa akin" Bumuntong-hininga muna ako, "Sana maging masaya ka, Congratulations Ron" at tumalikod na sa kanya.


Kasabay ng pagtalikod ko, ang paglabo ng mga mata ko dahil sa mga luhang nag-uunahang magpatakan. Tumingin ako sa malayo, "Happy Graduation. Tapos na.." at nagsimulang maglakad.

He is my first. Sayang, hanggang dun nalang.

What's After Happy Ending? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon