Simula

154 3 0
                                    

Daelan Arthor McCartney O kilala bilang Dart ay isang kilalang tao na binabayaran upang patayin ang isang tao, lalo na para sa isang kriminal o pampulitika na organisasyon. Dahil sa kahirapan sa buhay ay nagawa nyang pumatay ng tao para sa isang malaking halaga ng pera.

" magagawa mo ba ng maayos?" Tanong ng boss ko

" ako pa ba? Ilang taon ko nang ginagawa to e wala ka pa ring tiwala sakin boss?"

" ayusin mo dart, pag hindi mo nagawa ng maayos ang trabaho mo lahat tayo sasablay"

" tiwala lang boss" mayabang na sabi ko

" ang pangalan nya ay Warren Carnegie isang sikat na businessman dito sa manila patumbahin mo kapalit ng isang milyon"

Pinakita nya sa akin ang larawan ng ipapatumba nya, ngumisi ako at tumango

" sige boss "

" gawin mo ng malinis"

" mas malinis pa sa sabon boss"

Yun lang at agad na akong umalis sa opisina ni boss.

" oh ano may pinapagawa ulit si boss sayo?" Isang pamilyar na boses mula sa aking likuran ang nag salita

"ikaw pala Alexis, oo HAHAA mukhang malaki makukuha ko rito"

" kelan mo naman gagawin?"

" kung maaari ay tatapusin ko na agad mamaya, ayuko ng ipagpabukas kasi kaarawan ng nanay ko"

"Ganun ba? Pag husayan mo"

" ako pa ba?" Mayabang na sabi ko

" dart, baka naman pwede akong humiram ng pera sayo walang wala kasi ako ngayon e "

" magkano ba?"

" kahit 20k lang pre pangbili ng gamot ni tatay"

" 20k lang ba pre?" Agad kong kinuha ang wallet ko sa aking bulsa at agad na nag labas ng pera

" salamat pre"

" walang ano man"

" maaasahan ka talaga"

Tinapik ko lang sya sa balikat at agad na tinalikuran sya at sumakay na ako sa elevator.

Linabas ko ang aking baril mula sa aking tagiliran isang ngisi ang pinakwalan ko, isang bala para sa  buhay ng tao. Mamatay ka rin naman pinapaaga ko lang

Mula sa labas ng cafe ay tanaw na tanaw ko mula rito ang pagmumukha ni warren tuwang tuwa ito sa kausap nya na babae. Hindi ko matukoy kung nobya nya ba yan o anak

Tinutok ko sa kanya ang baril sakto sa kanyang puso at kinalabit ang gatilyo, isang nakakabinging ingay kasabay ng pagbagsak ni warren, isang ngisi ang pinakawalan ko at agad na umalis. Sa mga oras na ito ay maaraing patay na iyon.

Lahat ng tao ay mamatay rin naman ang trabaho ko ay pinapaaga ko ang kamatayan ng tao. Alam kong masama itong ginagawa ko pero dahil sa hindi patas ang mundo ay nagagawa kong pumatay ng tao

Ganun naman talaga diba? Lahat gagawin mo para mabuhay, kung hindi ako papatay ng tao ako ang mamatay.

Kung naging patas lang sana ang mundo ay hindi mangyayari ang ganitong krimen.

Rei pov

"Dad?" What the heck? Kitang kita ko kung pano tinamaan ng bala si daddy. Agad ko syang nilapitan

" hey dad? Heeeelllpp!! Daddy can you hear me? Dad please " pinipigilan ko ang luha ko na hindi pumatak ngunit sadyang traydor sila at parang water falls na nag uunahan sa pagbagsak

The Hitman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon