Kabanata 3

34 2 0
                                    

Dart pov

"Ma'am susunod ba ako sayo O maghihintay nalang ako sa loob ng kotse"

"Kung gusto mo dun ka sa boracay mag hintay para makapaglibang ka"

Hanep! Tinatanong ng maayos tapos sasagutin ako ng pabalang kung tapusin ko na kaya buhay neto

"Syempre susunod ka sa akin kasi nga bodyguard kita diba"

Nagpatuloy sya sa paglalakad samantalang ako ay nakasunod lang sa kanya

Kung saan saan sya pumasok, papasok sa isang boutique pagkatapos ay papasok naman sa isang boutique ilang boutique na ang napasukan namin pero wala naman syang binili
Hindi ko alam kung ano ang trip nito sa buhay.

"Ma'am nakakailang boutique na ba tayong pinasukan?" Tanong ko

"Bakit hindi mo bilangin?" Tanong nya pabalik

"Ma'am kung wala kang bibilhin pwede na tayong umuwi"

"Pwede ba manahimik ka nalang"

Pinagpatuloy nya ulit ang paglalakad at pumasok sa national bookstore, kumuha sya ng tatlong libro pagkatapos ay binayaran iyon. Naglakad muli sya at pumasok sa kung saan at ako naman ay nakasunod lang sa kanya

Bandang alas kwatro ng hapon ay nakauwi na kami. Pinag buksan ko agad sya at agad naman syang lumabas ng kotse

"Ma'am hanggang 4 lang po ako"

"Anong oras ka bukas?"

"7 po ng umaga, ang sabi po ng mama nyo ay 7 am to 4 pm daw ang schedule ko"

"Bakit daw?"

"Bakit ma'am gusto mo ba palagi mo akong nakikita?"

"Kilabutan ka nga manong dart"

"Kanina ka pa manong ng manong e 25 pa lang naman ako"

"Hindi halata, mukha kang 30+ na namatayan ng asawa tapos nag aalaga ng limang anak"

"Awts naman"

"So bakit nga ganon ang schedule mo?"

"Mababantayan ka naman daw kasi ng kuya mo tuwing gabi"

"Ah okay, ipasok mo nalang yung mga pinamili ko tapos ay pwede ka ng umuwi"

"Sige ma'am"

Sinunod ko ang utos nya at pagkatapos ay umuwi.

Rei pov

Sa wakas ay nakabili na rin ako ng libro. Inamoy ko pa ito bago basahin, sadyang nakakaadik ang amoy nito

Kapag ako lang mag isa sa bahay ay nagbabasa talaga ako ng libro, kung minsan naman ay nag babake ako.

Halos dalawang oras ata akong nagbabasa nang biglang may nag doorbell halos mapa mura ako sa gulat.

Sa inis ko ay hindi ako tumayo para pagbuksan kung sino man iyong nag doorbell.

Dinggdonggg.... dingggdooongg...

Bahala ka, kung sino man iyan ay wala talaga akong balak na buksan.

Diinnggdoonggg..... diinggdoonggg

Nakailang ulit pa iyon, hindi rin ako makapag basa ng maayos kasi ang ingay. Kaya wala na akong nagawa kundi ang lumabas at buksan ang gate

"Ano ba kanina pa ako nag dodoorbell"

The Hitman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon