Kabanata 4

30 2 0
                                    

Dart pov

Naabutan kong nagluluto ng pagkain si roi sa kusina, babatiin ko na sana sya nang magsalita sya

"Ayusin mo ang trabaho mo, pwede bang ayusin mo ang ugali mo kasi sa totoo lang ay hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, ang kwento ni rei ay napakabastos mo raw, kung umasta ka parang ikaw yung amo sa inyong dalawa, ipapaalala ko lang dart bodyguard ka hindi ka kaibigan o ano dito sa bahay na ito"

"Ginagawa ko ang lahat para hindi maging bastos sa harapan ninyo pero kahit anong gawin ko ay lumalabas mula sa bibig ko kung ano ang gusto kong sabihin"

"Kung maari ay mag aral ka ng mabuting asal, hindi pupwede sa amin ang ugaling squater mo"

"Pasensya na sir" sinserong sabi ko

"May kape rito magtimpla ka nalang kung gusto mo, paggising ni rei ay pakitimplahan nalang sya ng kape o di kaya ay gatas aalis na ako ikaw na munang bahala rito sa bahay"

"Masusunod sir"

"Kumain ka nalang din kung gusto mo"

"Hindi na sir busog pa ako"

"Sige mauuna na ako, please alagaan mo ang kapatid ko"

"Malamang bodyguard ako sir alangan naman pabayaan ko yan mamatay dito sa loob ng bahay nyo"

"Manners please"

"Sorry sir" dito talaga ako napapahamak sa ugali ko takte!

Hindi ko maiwasan ang ganitong ugali lalo na kapag hindi ko kilala ang mga kausap ko

Naupo nalang ako sa sofa nila habang hinihintay magising ang prinsesa, alas syete pa lang ng umaga malamang ay tulog pa iyon napagdisisyonan kong lumabas muna para mag pahangin

Ang saya siguro kung pinanganak akong mayaman, hindi ko na kailangan problemahin ang kakainin namin sa pang araw araw, walang problema sa pera lahat mabibili mo

Kaso malas e, pinanganak ako sa mahirap na buhay kung saan kailangan mong pumatay ng tao para sa pera. Aaminin kong nakakaluwag luwag na ako ngayon kasi sunod sunod ang pinapagawa sa akin ni boss at aaminin kong malaki talaga ang ibinibigay niya

Kung dati ay sampong libo lang ang kinikita ko dito ngayon ay aabot na sa milyon milyon, isa ako sa mga magaling na mamatay tao kaya naman kung meron silang ipapaligpit ay ako agad ang tinatawag nila.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa mini mart malapit sa bahay nila rei

Ilang hakbang nalang papasok sa mini mart nang biglang may nagsalita sa likuran ko

"Bagong target?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses

"kolton? Ikaw nga gago anong ginagawa mo rito?" Masaya akong makita sya rito.

Nagbakasyon kasi ito ng halos walang buwan at nawalan kami ng kuminikasyon sa isat isa

"Dito na ako nakatira, ikaw ba pre? May bago ka bang target?"

Si kolton ay isa sa mga naging kaibigan ko sa grupo at talaga namang maasahan ito sa oras ng pangangailangan.

"Oo pre"

"Pag husayan mo, mukhang malaki ang makukuha mo riyan"

"Syempre naman"

"Nabalitaan mo na ba pre? si alexis ay nabalitaang pinatay daw kahapon, naging usap usapan ang balitang iyon"

"Sino kamo? Si alexis? Tangina may utang pa sa akin iyon e"

"Iyon na nga ang dahilan ng pagkamatay nya, sinubukan nya raw umutang kay boss pero hindi pinautang ni boss dahil daw marami pa itong utang nagbanta raw sya na lilipat sa ibang grupo at ibubunyag ang mga sekreto at ang mga plano ni boss kaya walang nagawa ang ibang tauhan ni boss kundi ang patayin ito"

The Hitman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon