Kabanata 7

20 1 0
                                    

Nang makauwi kami sa bahay ay naabutan kong nagluluto si kuya para sa tanghalian namin hindi pa raw nakakauwi si mama kaya naman ay pumasok muna ako sa aking kwarto para maligo

Pagkatapos maligo ay nakarinig ako ng katok.

"Rei lumabas ka na dyan at kakain na tayo"

"Opo mama"

Sinuklay ko lang ang buhok ko at nagpulbo bago lumabas sa aking kwarto at dumiritso na sa hapag

Naabutan kong nag aayos ng kubyertos si kuya, si mama at dart naman ay nag uusap

"Mabuti at hindi naging sakit ng ulo si rei sa bahay ninyo"

"Ahh hindi naman po ma'am"

Natigil sila sa pag uusap ng tuluyan na akong makalapit sa kanila. Nag beso beso kami ni mama at napatingin naman ako kay dart

"Kain na po tayo mama" narinig kong sabi ng kuya ko

"Halika na"

Umupo ako at nagtaka dahil sumunod si dart sa amin. Nag taas ako ng kilay at hinarap si mama, mukhang nabasa ni mama ang nasa isip ko kaya naman sinagot nya ako agad

"Sasabay sya sa atin"

"Okay"

"Kuya kumusta yung kaso? Alam kong isa sa mga kaibigan iyon ni daddy"

"Hindi naten masasabing yung tatlong kaibigan ni daddy ang may pakana, nung mga oras na binaril si daddy ay kasama ng isang kaibigan ni daddy ang kanyang mga pamilya at ang dalawa naman ay nasa ibang bansa para sa business"

"Maaaring kumuha sila ng hitman para mapatay si daddy, anong silbe ng pera"

"Dalawang tao lang ang maaaring gumawa nun kay papa" binalingan ni kuya si mama ng tingin.

Pinag usapan na namin ito ni kuya dati, na maaring isa si mama sa suspek. Pero hindi pa rin ako makapaniwala. Mahal ni mama si daddy at alam kong hindi nya iyon magagawa

Umiling ako at pinagpatuloy nalang ang pagkain

"Ako na ang bahala sa paghahanap sa suspek" ani mama

"Ma please, ipaubaya mo na ito sa akin"

"No. Ako ang maghahanap sa suspek"

"Ako ang police mama"

"Owwss so are you saying na hindi ko kayang hanapin ang suspect dahil hindi ako police?"

"Its not like that mama, mag focus nalang kayo sa business"

"Speaking of business, rei yung mga properties na ibinilin ng daddy mo sayo ay gusto kong ipangalan muna sa akin"

"What? Mama hin...."

Hindi ako pinatapos ni mama sa pagsasalita dahil itinaas nya ang kanyang index finger hudyat na kailangan kong tumahimik

"Napag usapan na naten ito hindi ba? Sa susunod na linggo ay pasukan na kaya naman sa akin muna ang mga properties hanggat hindi ka pa nakakagraduate"

"Per...' sa pangalawang pagkakataon ay pinutol na naman ni mama ang pagsasalita ko

"No buts"

Napapikit nalang ako sa inis.

Nang matapos kaming kumain ay agad kong niligpit ang mga pinagkainan namin


"Ako na rito"

Hindi na ako nakipag talo kaya nagmartsa nalang ako papuntang sala at naabutang nanonood ng tv si mama

"Wala ka bang lakad?" Tanong ni mama na hindi ako binabalingan ng tingin dahil naka focus sya sa panonood ng tv.

The Hitman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon