Chapter 9

4 0 0
                                    

Gil's P.O.V

Napabangon ako mula sa masamang bangungot.

"Ara!"

Sa panaginip ko nakikita kong magkahawak ang kamay namin ngunit inilalayo siya sa akin ng hangin hanggang bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko at nawala.

Why do i keep on dreaming about her

Dapat kinakalimutan ko na siya pero hindi ko pa rin magawa.

She's always in my head.

Ara's P.O.V

Gising pa rin ako at hindi makatulog, umiiyak ako sa lungkot.

Iniisip ko sya kahit hindi naman dapat

Tumayo ako at kinuha ang wallet ko.

Sa wallet ko nakalagay yung mga pictures namin together habang pinagmamasdan ko yon naaalala ko ang mga araw na kasama ko siya.

Hanggang sa pagtulog ay hawak hawak ko ang larawang yun.

It's been a month at naging okay naman ang lahat...

Naging okay kami ni Ali until a hurtful news came.

"Mica, so glad you're here" nagbeso ako sa kanya.

"Ang tagal ko nang hindi nakabisita"

"Kumusta naman bakasyon niyo sa U.S masaya ba?"

"Ok naman"

"Uy teka may ibabalita pala ako sayo" sambit niya.

"Kuha lang ako nang drinks" nagtimpla ako agad nang drinks at ibinigay sa kanya ang isang juice. "Ano yon?"

"Ikakasal na daw si Gil next next month"

Napalitan ng malungkot na mukha ang masayang mukha ko kanina at nabitiwan ko ang basong hawak ko.

"Okay ka lang ba?"

"Okay lang ako, nabigla lang ako. I'm happy for them"

"Bakit umiiyak ka?"

"Tears of joy haha"

"Nasasaktan ka ano?"

Tumingin ako sa kanya.

"Hindi.... ano ka ba, masaya lang ako kasi nakahanap siya nang makakasama niya habangbuhay"

"Kilala kita. Kung mahal mo siya bakit hindi mo siya ipaglaban? May two months ka pa para pigilan ang kasal"

"Tsss... wala akong karapatang manggulo at isa pa masaya na siya"

"Pero ikaw ang mahal niya, hindi mo ba nararamdaman?"

Gil's P.O.V

Lumabas ako ng bahay para mag lock ng gate pero nakita ko si Ara.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Pwede ba tayong mag usap"

Lumabas ako ng gate.

"Balita ko ikakasal ka na daw. I'm happy for you"

"Salamat"

"Masaya ako para sayo. Alagaan mo siya ha. Wag mo siyang iiwan"

"Bakit ka ba nandito. Kung wala kang importanteng sasabihin.... umalis ka na"

Tumalikod na ako pero natigilan ako sa susunod na sinabi niya.

"Mahal kita. Mahal pa rin kita"

Muli ko siyang nilingon at umiiyak na siya.

When It Rains (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon