Chapter 4

5 1 0
                                    

Ang sakit para sa akin ng nangyari dahil hindi ko inaakalang maghihiwalay kami sa mismong anniversary namin at iiwanan niya ako. Halos 8 years kaming nagsama at buong akala ko ay siya na ang taong makakasama ko habangbuhay.

Sa sobrang lungkot ay naglakad ako sa labas, kahit malakas ang ulan at basang basa na ako hindi pa rin ako tumigil sa paglalakad. Parang nawalan ako ng sigla, kahit bumubusina ang mga sasakyan wala akong pakialam at patuloy pa ring naglakad habang patuloy pa ring umiiyak.

Napatingin ako sa kaliwa ko, nakakita ako ng tulay at malalim ito.

Tumayo ako sa tulay at balak nang magpakamatay dahil nawalan na naman ng direksyon ang buhay ko nang mawala sya.

Nakapikit na ako at balak ng tumalon pero dumating siya.

"Magpapakamatay ka ba?" Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko siya.

Hindi ko siya pinansin at balak nang tumalon pero....

"Sandaleeeee! Wag kang tatalon, bumaba ka dyan! Please..."

"Ano bang ginagawa mo? Umalis ka nga dito!" Sigaw ko sa kanya.

"Miss please wag kang magpapakamatay, Sasayangin mo na lang ba ang buhay mo? Paano na lang ang pamilya mo kapag nawala ka? Kaya bumaba ka na dyan"

He made me realized a lot of things...

Dahil sa mga sinabi niya ay tuluyan akong napababa.

Inilagay nya sa katawan ko ang jacket nya.

"Bakit mo ba ako pinigilan? Wala na rin naman akong dahilan pa para mabuhay dahil iniwan na niya ako"

Nanghihina na ako at nagdilim ang paningin ko.

Nahimatay ako.

Gil's P.O.V

Nahimatay siya bigla kaya sinalo ko siya.

I know how sad she is and she doesn't deserve to be sad, she deserves more, she deserve to be happy.

Habang hawak ko pa rin siya ay nakatingin ako sa mukha niya at pareho na kaming nababasa ngayon sa ulan.

"Alam mo ba kung bakit pinigilan kita? Kasi ayokong mawala ka, ayokong mawala ang taong gusto kong makasama balang araw. I will be the man whom you deserve, I will be the man who will make you happy and never hurt you".

I kissed her head.

Dinala ko muna siya sa bahay dahil malapit lang naman yun sa tulay kung saan kami galing kanina.

Inihiga ko muna siya sa sofa namin at kinumutan.

"Oh my gosh, who is she?" Salubong na tanong ni mommy.

"Ma, sya yung lagi kong ikinukuwento sa inyo, she almost die"

"Buti naman at ok lang siya"

Hinawakan ni Mommy ang keeg nya.

"She has a fever" wika niya.

"Ma please pakibantayan mo muna siya, bibili lang ako ng gamot" dali dali kong ini start ang kotse at pumunta sa pinakamalapit na botika.

"Miss yung gamot nga sa lagnat"

"Ilan po sir?"

"Isang box na"

"Sige po"

Ibinigay nya naman agad ang gamot.

Bumalik ako agad sa bahay.

"Ma! How is she?" Tanong ko

"Mataas pa yung lagnat niya kaya nilagyan ko muna siya ng bimpo"

Hinawakan ko rin ang leeg niya.

When It Rains (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon