My Crazy Best friend

46 19 0
                                    


Characters:

Kyla
Trisha
Driex
Reniel


🌺🌺🌺

"BABAEEEE!"

Nag aatubili akong lumabas ng marinig ko ang sigaw ni Trisha na nakalunok ata ng mikropono sa sobrang lakas.

"Bakit ba?"

Bungad ko sa kanya paglabas ko ng cubicle ng comfort room.

"Anong bakit ba?! Ang tagal mo kaya!! Nagsisimula na 'yung basketball game oh!! Kailangan ng suporta ng boyfriend ko! Palibhasa wala ka nun!!!"

"Ang OA mo naman! At tsaka pake mo pa kung wala ako nun?! Ang aga pa naman oh!"

Sabay pakita ko sa kanya ng wrist watch ko.

"Hindi ba't nung last na game eh ang aga nag simula?"

"Noon 'yun! Hindi na ngayon! Maraming nagbabago kasi walang permanente sa mundo!"

"Ang drama mooooo! Porket mas mataas na ang grade mo sa akin ngayon! Dapat ako nga 'yung nagda-drama eh!"

Sigaw niya sa akin pabalik.

"Ano? Tara na!"

Iiiiihhhh! Ang sarap sabunutan nitong babaeng ito! Kung hindi ko lang siya kaibigan baka hiwalay na sila ng boyfriend niya na niloloko lang naman siya dahil kalbo na siya pag dating namin sa gymnasium.

"Hoy babae! Ramdam ko kung may iniisip ka sa akin ng masama! Ikaw kaya kalbuhin ko?! Tutal wala namang nagkakagusto sa'yo!"

"Abat- Ano man?! Atleast wala akong boyfriend na niloloko lang ako. Hindi gaya mo na paniguradong niloloko na ng boyfriend wala pang alam."

"Wala ka naman kasing boyfriend! At tsaka hindi ako niloloko ng boyfriend ko noh! Mahal na mahal kaya ako nun!"

"Bahala ka! Basta 'wag mo 'kong iyakan pag nalaman mong niloloko ka lang nung bwisit na 'yun!"

"Hindi talaga! Hindi naman kasi niya ako paiiyakin eh!"

"Hoy babae! Siguraduhin mo lang na nagsisimula na 'yang bwisit na game na 'yan pagdating natin! Dahil kung hindi! Ay naku!"

"Oo na! Bitter! Porket nakitang may kasamang iba 'yung crush niya bad mood na!"

"E di wow! Lukaret!"

"Bitter!"

"Lukaret!"

"Bitter!"

Sabay naming sabi na may pa hampas pa sa braso.

"HAHAHAHA! By the way, bitter."

"Oh bakit, lukaret?"

"ANG GANDAAAA KOOOOO!"

"GAGA! Assumera!"

"Totoo kaya!"

Hindi niya namalayan na nasa gymnasium na kami kaya may pagkakataon ako para kurutin siya sa tagiliran ng pagdating namin eh warm up palang ang ginagawa ng mga players.

"Aray- naman, lukaret! Ang sakit kaya nun!"

"Gaga ka! Warm up palang oh?!"

"Atleast hindi tayo late gaya kahapon."

Pagkasabi niya nun ay tinalikuran na niya ako at umupo sa malapit sa kung saan nandoon ang boyfriend niya na ka teammate ang crush ko.

🌺🌺🌺

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now