Game to Forever

34 17 0
                                    

***

"Wala na tayong gagawin ngayon so maglalaro nalang tayo."

"Yeheey!"

Sigaw namin ng mga kaklase ko.

"Kumuha kayo ng 1/4 na papael at gumawa kayo ng tanong tungkol sa gusto niyong malaman sa kaklase niyo. Pagkatapos nun mayroong representative na isang lalaki at babae sa kada tanong. Ilalagay niyo dito sa dalawang kahon na ito ang mga tanong niyo at kukuha ang babae ng isang tanong dito sa kahon na paglalagyan ng tanong ng lalaki at ganun din sa mga babae. Oras na sumigaw kayo ititigil na ang laro. Naintindihan niyo?!"

"Yes po!"

Masigla kong inabot kay Ma'am ang ginawa kong tanong.

"Girls VS Boys."

"Ma'am, dito nalang 'yung mga girls!"

"Hindi! Boys dito!"

"Oo nga po, Ma'am. Dito nalang 'yung mga girls."

Sali ko sa sigawan nila sa pag aagawan ng pwesto ng upuan.

"Ay hindi! Girls, dun kayo. Boys, dito naman kayo."

Napasimangot nalang ako.

Bahala na nga!

Nagsilipat na kaming lahat ng upuan. Sa second row ako umupo, sa ikaapat na column. Nakipag usap ako sa katabi ko sa upuan at ang mga iba pa kaya bigla ng umingay.

"Tahimik!"

Bigla kaming lahat tumahimik.

Hahahaha! Ayaw ding matigil ang laro.

"Pili na kayo ng isang representative."

Tumayo na si Xyla as girls representative at si AJ naman sa boys.

"Sige na. Dyan nalang kayo sa tapat ng upuan niyo tumayo. Xyla, bumunot ka na ng tanong para kay AJ."

Kumuha na si Xyla ng tanong sa hawak ni Ma'am na kahon na kulay blue.

"Wow, Ma'am! Pinaghandaan mo po talaga ito noh?"

Natatawa kong tanong kay Ma'am. She just chuckled and nod as an answer.

"Okay, AJ. Ito ang tanong mo. 'Sinong crush mo?'."

Mahinang kantyaw ng mga kaklase ko ang namayani sa kaninang tahimik na classroom.

"Mabunot muna ako ng tanong ni Xyla, Ma'am. Tapos sabay kaming sasagot."

"Ayiiiieeeeeeeeeeeeeeeeee!"

"Sige, AJ. Bumunot ka na ng tanong ni Xyla."

Feeling ko sa ilalim pa kumukuha si AJ ng tanong ni Xyla kasi kasi.

Hindi ko na nasundan pa ang mga sumunod na nangyari ng lumipat ng upuan si Blake (na siyang crush ko) sa tapat ng inu upuan ko.

OMG! Keleg pwet ke!

"Blake."

Bigla akong bumalik sa ulirat ng binanggit ni Ma'am ang pangalan ni Blake.

"AIRICA! AIRICA! AIRICA!"

Kusang lumaki ang mga mata ko.

Luuuuhh!

Why me?

May nagawa ba akong mabuti dahil pinagpapala Mo ako ngayon? OMG! Mayroon man o wala. Salamat po sa Inyo dahil dito.

'Ma, Pa, I'm getting married!

"Airica Park!"

Napatalon ako dahil sa sigaw ni Ma'am.

"Ma'am, naman!"

Sabi ko kay Ma'am ng nakanguso.
Pinagtaasan ako ni Ma'am ng kilay kaya tumayo na ako.

Baka magbago pa ang isip ni Ma'am at iba pa ang ipa partner kay Blake.

Baka maudlot pa ang kasal ko.

Lumapit si Ma'am sa may sa akin kaya bumunot na ako sa kulay blue na kahon na dala niya.

Binigay ko na kay Ma'am ang papel at binuksan na niya 'yun.

"'Kailan ka ikakasal, Blake?' Wow ah! May pangalan talaga. Sa'yo talaga ang tanong eh!"

"Kailan ako ikakasal? Anytime. Kung papayag agad ang taong gusto kong pakasalan."

"Ayiieee! Ang swerte naman nung girl na 'yun, Blake! Sana all!"

Wala sa sariling sabi ko.

Nakakalungkot naman. :<

"Kung papayag ka."

Napatigil ako sa sinabi ni Blake.

T-teka?

"AYIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEE!"

"SANA AAAAAAAALLLLLLLLL!"

Lumapit sa akin si Blake at sa gulat ko ay bigla siyang lumuhod sa harapan ko at may inilabas siyang maliit na kahon sa bulsa ng pants niya.

OMG! Naiiyak na ako!

"Will you allow me to wait to you  until we finally graduate? And after that. Will you marry me?"

"Ye-yes! Yes! Yes!"

Isinuot na niya sa akin ang sing sing at tumayo na. Mahigpit ko siyang niyakap at sa balikat niya umiyak.

"I'm inlove with you. Matagal na. I love you. I'm willing to wait."

Halos hindi ko na marinig ang mga 'sana all' at 'ayie' ng mga kaklase ko dahil tanging ang sinabi lang ni Blake ang paulit ulit kong naririnig at ang mahina kong paghikbi.

Tears of joy.

Sobra sobra na po ang pagpapala Niyo. Pero salamat po.

Hindi ko aakalain na ang isang game ay magiging daan sa forever namin ni Blake.

***

Dedicated to:
writerinspires

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now