Binalewala

14 2 0
                                    

"Ingatan mo siya~ Binalewala niya ako dahil sa'yo~"



Kanta ko pagpasok ni Shinichi habang hawak ang cellphone niya na tinanggal ko sa pagkaka-charge.



Lumapit pa ako sa kaniya at kumanta ulit.



"Ingatan mo siya~ Dahil binalewala niya ako dahil sa'yo~ Nawalan na ng say-"



"Anak ng- Ano ba, Jaica?! Bakit mo hawak ang cellphone ko?! At-"



"ML, ingatan mo siya ah? Binalewala niya kasi ako dahil sa'yo."



Sabi ko habang kinakausap ang cellphone niya na nakalagay sa favorite game niya na ML.



"Shit! Jaica, ano ba?! Bitawan mo nga 'yang phone ko!"


"Ayiiiieeeeeeeeeeeeeeeeee!"

"Sana all, Shinichi!"



"Tindi mo talaga, Jaica!"



Ilan lang 'yan sa mga narinig ko sa mga kaklase ko.



"Please Shinichi, ako na lang 'wag na itong ML na ito. Please!"


Pagmamakaawa ko kay Shinichi.



"Okay fine!"


Kinuha niya na sa akin ang cellphone niya at dinelete niya ang ML niya sa harap ko.


"I deleted my ML. Delete your Wattpad too."


Ay bet! Na English si crush oh!


"Hmm...pag-iisipan ko muna, puwede?"


Hindi na niya ako sinagot kasi kinuha na niya sa bulsa ng palda ko ang phone ko at dahil wala yung password ay dinelete niya sa harapan ko ang Wattpad app ko.


"Omo! 'Yong mga asawa ko!"


"You don't need them, baby. Because I'm here to be your husband."


Sabi niya at dahan-dahang inilapit ang labi niya sa labi ko.


*PAAKK*


Nagulat ako at sa sobrang gulat muntikan pa ako mahulog sa upuan nang bigla akong pinalo sa noo.


Galit na tiningnan ko ang pumalo sa noo ko.


"Hoy, Jaica kanina pa kita kinakausap! Bakit ba nakatingin ka na naman dyan sa crush mo!?"


"Buwisit ka! Nando'n na 'yon eh!"


Malungkot kong tiningnan ang crush ko na kasama ang haliparot niyang girlfriend.


"Ingatan mo siya~ Binalewala niya ako dahil sa'yo~"


Malakas na kanta ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now