Trix
Ngayon nasa van na kami para sunduin si Blai. Kailangan namin ng malaking kotse para sa package na dala dala nya.
'Mga kailan kaya mawawala traffic letse talaga' Sabi ni Jiwon.
Kanina pa yan excited parang tanga. Close kasi sila ni Blai parang sila pa yung mas matagal na mag kaibigan kaysa sa akin eh tsk.
'Tumahimik kana lang' Sabi ko at tinignan yung notifs ko.
I was scrolling through my twitter nagulat ako ng bigla kong makita yung post ni Haechan
'Mas maganda parin ex ko?' Bulong ko sa sarili ko.
Tangina wala talagang magawa tong mokong na toh.
'Uy nakita ko yon' Sabi ni Jiwon na may matusok tusok pa sa tagiliran ko.
'Tsk alangan may mata ka. Tigilan mo ako' Sabi ko at papunta na sana sa twitter para ipm sya kaso biglang hinablot ng bruha yung phone ko.
'Balik mo yan isa' Sabi ko habang hinihintay ibigay sa akin.
'Ayoko nga. Chachat mo nanaman si Haechan, wala naman syang ginagawa eh' Sabi nya bigla at ginalaw yung phone ko.
'Anong wala?! Nagpost sya na mas maganda parin ex ko anong wa—
'Ako nag post nun' Sabi nya bigla.
'aNO?!' Triggered na ako boi.
'Chill, wala syang ginawa. Pinipilit nya nga kuhain sa amin yung phone eh kaso hawak sya ng mga mokong' Sabi nya at iniistalk si Haechan.
'Bakit di ba nya kayang pumiglas?' Tanong ko.
'Hindi. At saka galit na galit kaya sya, kasi magagalit ka nanaman daw sa kanya. Medyo ayos na nga daw kayo tapos mas pinapalala pa daw namin' Sabi nya.
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya.
'Ayaw nyang magalit ka ulit sa kanya kasi gusto nyang magkaayos kayo. Ayaw nyang humantong sa nandyan sya pero parang di mo sya nakikita. Ayaw nya na nasa harap mo sya pero sa iba ang tingin mo' Sabi nya.
Bakit?! Bakit kailangan pati kaibigan ko kakonchaba nya? Bakit kailangan pati kaibigan ko niloloko nya sa mga kasinungalingan nya? Oo, ayokong maniwala. Alam nyo kung bakit? Sinaktan nya na ako ng isang beses, and alam kong pwede ulit mangyari yun kaya Hindi ko sya pinapansin kahit may pagkakataon.
Yung pananakit nya sa akin, it's enough para sabihin na ayoko na. Pagkatapos nyang sabihin yun bigla na lang ako nanahamik at tumingin sa bintana ng kotse.
'Bestie, sorry na' Sabi nya.
'Bat ka nag sosorry? Wala kang ginawa' Sabi ko habang nakatingin parin sa bintana.
'Umiiyak ka kasi' Sabi nya.
Bigla akong tumingin sa kanya at hinawakan yung mata ko. Shet totoo nga umiiyak ako, tanginang yan.
'This is nothing besides i have nothing to do with him na we're over' Sabi ko at tumingin ulit sa bintana.
'Okay' Sabi nya sabay iwas ng tingin sa akin.
If only i can tell him to stop, but damn my heart keep telling me not to.
'Trickyy' Tawag ng tito ko.
'Toh sabi ko wag nyo gagamitin yang pangalan na yan eh' Iling ko at tumawa.
'We're here' Tawa nya.
'Alam mo ba yung arrival time ni Blai to?' Bigla syang napaisip.
'Your Mom didn't tell me anything' Bwiset naman yun si Mommy.
Englishero tito ko haist.
'Ah sige to, mag hihintay na lang kami ni Jiwon dun sa arrival area' Sabi ko at lumabas ng Van.
'Hoy wag kang mag tulog tulugan dyan, tara na' Sabi ko at kinalabit sya.
Di sumagot kaya hinila ko yung kamay nya, ayun nahulog sa Van.
'Ano ba-- Aray!' Sumigaw sya kaya napatingin si Tito Eric sa amin.
'What happened?' Napalabas si Tito Eric sa kotse para tignan kung anong nangyari.
'Si Trix!' Tinuro ako ni Jiwon.
'Anong ako?! Ikaw tong nagtutulog tulugan eh!'
'Eh bat kailangan mo akong hilahin?!'
'Tinatawag kaya kita ng maayos pero ayaw mo parin ako pansinin!'
'Eh ay---
'You're both too loud just go there, Blai might be waiting for you two' Sabi ni Tito Eric at tinulungan si Jiwon tumayo.
YOU ARE READING
Volví // Lee Haechan
Fanfiction"Haechan: Ba naman toh puro hugot. Wala kana bang magawa sa buhay kundi humugot? Sumbong kita sa mama mo eh." -kung san bigla nalang nag comment si Haechan sa post ng 'Ex' nya.
