Jiwon
Napaka-paasa 'nya! Nakakainis! Imbes na matuwa ako nang-gigigil ako sa kanya! Argh! Shit! Pero 'di kinkilig 'rin ako! Tangina mo, Mark! Panindigan mo 'tong nararamdaman ko sa'yo!
"aRGH!!!! FUCK YOU, MAR--
"mAAAA!!! NAG-MURA SI JIJI!!!" Bwiset na Hamster na 'to!
"hINDI MA! SI KUYA 'YUN MINURA AKO!"
"aNO?! DI AKO M--
"sOONYOUNG! PUNYETA KA! BAT MO MINUMURA KAPATID MO?!"
"Bleh! Nag-sumbong ka pa kasi!" Binelatan ko 'sya tapos tumingin ulit sa phone ko.
"Tsk edi wow! Nanay mo dilaw!" Sigaw 'nya at binelatan din ako.
"Anong connec--
"aNONG SABI MO SOONYOUNG?! ANONG DILAW?!" Di ko natuloy yung sinasabi ko dahil narinig naming padabog na paakyat si Mommy.
"hA?! MA DI IKAW! SI JIJI YU-- ARAY!" Sigaw ni Kuya 'nung bigla syang hampasin ni Mommy.
"Mga natututunan mo 'di na nakakatuwa Hoshi!" Sabi ni Mommy habang si Kuya naka-yuko lang.
"Ikaw naman, Jiji! Wag kang gagaya dito sa kuya mo! Jusko!" Sabi ni mommy bago umalis.
"Ang bobo mo naman! Bat mo kasi sisigaw 'yun?! At bakit ka pa kasi nag-sumbong?! Alam mo naman malakas ako 'kay mommy 'e! 'Yan tuloy pati ako nadamay!" Bulong na sigaw ko.
"Nag-aalala ka ba sa 'kin? o Nag-aalala ka sa sarili mo? Ang gulo mo" Sabi niya at inirapan ako na para ako pa ang may mali.
"Hoy! Bat naman ako mag-aalala sa'yo? Ikaw ang nag-lagay sa sarili mo sa situasyon na 'yan! Kaya panindigan mo mag-isa! And to answer your question, nag-aalala ako sa sarili ko! May gala kami bukas baka 'di pa ako payagan dahil sa'yo!"
"Feeling nito. Pinayagan ka ba ni Mommy?Ay hala! May gala 'din pala kami nila Seokmin!" 'Yan buti nga sa 'kanya!
Hindi ko na siya pinansin at tumingin na lang sa phone ko. Naalala ko tuloy yung mga sinabi sa akin ni Trix, ang saya siguro kung kasama ako. Ganito kasi nangyari.
Pakening shet. Kasama pala sa gala namin si Mark, patay!
Bumaba ako para mag paalam kay Mommy, malay mo payagan ako. At saka malakas naman ko kay Mommy kaya hindi pwedeng hindi niya ako payagan.
"Mommy" Tawag ko habang pababa ng hagdan.
"Oh?" Tanong niya habang hawak hawak yung tasang may kape.
"Pwede ba akong gumala? Kasama ko naman sila Trix eh" Sabi ko habang nakayuko.
Kinakabahan ko, feel ko hindi ako papayagan. Nawala bigla confidence ko.
"Saan ba yan?" Tanong niya habang may tinatype sa laptop niya.
"Sa EK ma" Nung sinabi ko yun bigla siyang tumingin sa akin at umiling.
"Hindi pwede. Ang layo nun, Ji. Masyado ka pang bata para mag gala ng ganyang kalayo. Kung sila Trix pinayagan pwes ako hindi kita papayagan. Baka kung ano pang mangyari sa'yo dun habang wala ako" Paliwanag niya habang nag tatype parin sa laptop niya.
"Pero ma may kasama naman kaming matanda eh" Pagsisinungaling ko.
"Anong matanda? Wag mo akong niloloko, Kwon Jiwon. Teknik ko yan nung bata kami pero hindi mo yan magagamit sa akin. Mag sisinungaling ka pang bata ka ah" Sabi niya at tinignan ako.
"Ngayon lang naman, Mi. One week akong hindi gagala pagkatapos nito. Bilis na, Mi" Pilit ko.
"Hindi nga pwede, Ji. Ang kulit mo na" Sabi niya at nakatingin parin sa screen ng laptop niya.
"Bakit si Kuya pwede?" Tanong ko na may pagka halong selos.
"Matanda na siya. Kaya na niya sarili niya" Sabi niya at hindi parin tinatanggal yung tingin niya sa screen.
"Grade 10 nanaman ako eh" Sabi ko at umupo sa tabi niya.
"Babae ka, Ji. Delikado" Sabi niya.
"Okay" Sabi ko at tumayo na para pumunta ng kwarto.
"Hindi ka pinayagan?" Tanong ng Kuya ko.
"Hindi" Sabi ko nagtalukbong ng kumot.
"Wag kana malungkot. Bilhan kita ice cream pagbalik ko" Sabi niya na nagpagaan ng loob ko.
"Weh sinungaling" Sabi ko at inalis yung kumot sa ulo ko.
"Bibilhan nga kita" Sabi niya.
"Okay! Yung malaki ah! Sa big scoop ka bumili" Sabi ko.
"Wag dun, tanga. Sa super8 lang ako bibili, yung magnolia" Sabi niya.
"Van—
"Oo Vanilla" Sabi niya at tumayo na para makaalis.
"Bye bye! Yung ice cream ko!" Sigaw ko.
"Oo na" Sigaw niya pabalik.
Ayun hindi ako pinayagan dahil daw "delikado" haist. Edi sana kasama ako at nakabonding ko man lang si Mark kahit sandali. Ngayon may gala ulit kami, sa intramuros. Hopefully payagan na ako.
"Mommy" Nagaalangan kong tawag sa kanya.
"Oh?" Sagot niya.
"Pwede ba kaming gumala sa Intramuros?" Tanong ko habang nakayuko parin.
"Intramuros? Sige sige" Oh ang bilis naman niya pumayag?
"Dun din kami gagala hehe" Sabi ni Kuya na may halong pang aasar.
"Ano?" Naguguluhan kong tanong.
"Kaya kita pinapayagan kasi dun din punta ng kuya mo. At least mababantayan ka niya at makakauwi kayo ng sabay" Paliwanag ni Mommy.
"Ha?! Anong babantayan? Malaki na yan kaya na niya sarili niya, uuwi na lang kami ng sabay" Reklamo ni Kuya.
"Oo nga, Mommy naman" Reklamo ko din.
"Fine fine, basta umuwi kayo ng sabay. Pag hindi kayo umuwi ng sabay parehas kayong hindi na ulit makakagala" Nakakakilabot haist.
YOU ARE READING
Volví // Lee Haechan
Fanfiction"Haechan: Ba naman toh puro hugot. Wala kana bang magawa sa buhay kundi humugot? Sumbong kita sa mama mo eh." -kung san bigla nalang nag comment si Haechan sa post ng 'Ex' nya.
