Chapter 2
Kasama ko ngayon si Hades at Alex, papauwi na rin kami, e.
Wala lang akong pakialam sa mga topic nila ng biglan tinanong ako ni Hades, "tungkol doon sa kaklase mong palaging nag-susulat kay Jace, maaari ko bang makilala yun?"
Bumuntong hininga naman ako, hayy brother-mine, if alam mo lang na ako yung nagsusulat para kay Jace...
"Oo nga pala, Hades. Bakit parang tinapon yung letter na ibinigay para kay Jace?" Seryoso kong tanong dito.
"Akala ata niya may utang siya kaya naitapon niya yon." Saad ni Hades. Naitapon? Hayys, naalala ko tuloy yung ginawa ng crush ko nung bata pa ko... Binigyan ko siya ng letter tapos tinapon niya lang:<
Ngumisi nalang ako, "ahh, kaya pala."
"Bakit parang lumungkot ka ng sinabi ni Hades yung part na naitapon?" Tanong ni Alex sakin. "Ikaw ba yung nagsulat ng letter para kay Jace?"
Nagulat ako sa sinabi ni Alex at bahagyang napatingin kay Hades na nakatingin sakin. "Gusto mo si Jace? Ok lang sakin, support ako sayo."
"Ayluh, Hades naman, e. Di ko gusto si Jaceee! Huhu!" Sabi ko dito na may kasamang padyak-padyak effect pa.
"Wag ka nga mag-padyak, ang liit mong tignan!" Sabi ni Alex tsaka tumawa, tapos etong gunggong kong kapatid na wala namang ambag sumabay pa sa pagtawa ni Alex.
Ilang minuto ang lumipas naka-sakay na rin kami ng multicab papa-uwi. Hayyst, sasabihin ko ba kay Hades yung totoo?
"Hades..." tawag ko dito
Lumingon naman ito, "ano?"
"Um... Ako talaga yung nagsulat ng letter para kay Jace..." mahinang sabi ko sa kanya, aaah. Tama ba 'tong ginagawa ko?
Ngumisi ito, "sigurado ka? Ganoon hand written mo?" Nag-linya yung ekspresyon ng mukha ko.
Kinuha ko yung English Notebook ko na nasa envelope tsaka pinakita sa kanya yung hand written ko.
"Waaah, ikaw talaga nagsulat!" Ani Alex na nasa tabi ko. "Support kita dyan, insan!"
"Suportahan nalang kita, Kendall." Ani Hades habang naka-ngisi. Ngumisi nalang ako, I'm so thankful na nagkameron ako ng kuya at pinsan na kagaya nilang dalawa.
"Alex, tulongan mo kong gumawa mamaya ng sulat, ah. Libre nalang kita, softdrinks." Sabi ko ng naka-ngisi.
Ngumuso naman ito, "oh sige, coke lang sakin, ah." Sabi nito na ikinatango ko.
"Cold yan si Jace." Ani Hades na nakatingin sa labas. "Di yan namamansin sa mga di niya kilala." Dagdag nito.
Ngumisi naman ako, "ok lang naman yun sakin, Hades..."
"Pa-fall yang si Jace." Ani Hades, hayyst, alam ko yun Hades. Marami ng nagsabi na pa-fall si crush, pero ayos lang, na-fall naman ako, e.
Na-fall ako sa kanya pero di niya sinalo...
—●—
Hayy lunes na, I'm quite happy cause may sakit si Amber, kaya may plano akong ako nalang yung pumunta sa gym.
Papunta na ako sa loob ng Department ng biglang nag-beep yung phone ko, binuksan ko yun only to see Amber's text.
Amberina😂
Hi Kendallyyy, pahingi nga ng request. Sabihin mo nga kay Jace na di muna ako makakapag-kita sa kanya, coz you know naman kalagayan ko, oh siya bye-bye, lab you!Yan yung nakalagay doon, nanghina ako. Sht, ba't palagi ko nalang nararamdaman 'to? I feel so small...
Sakto naman na andoon si Vincent sa labas. "Vincent!" Tawag ko dito, lumingon naman siya ng naka-kunot noo. "Um... Ah- Pinapasabi ng a-admirer ni J-Jace na di siya makakapunta, kasi- kasi may sakit siya." Pilit ko siyang nginitian, kahit naman sa loob ay alam ko'y durog na.
"Sige." Yun lang yung sabi niya tsaka pumasok na sa loob ng room nila.
Bumuntong-hininga ako tsaka hinawakan yung kamay ni Alizia, "s-sht..." I cursed ng nanghihina yung paghinga ko.
"Ayos ka lang? Samahan kita sa clinic?" Tanong nito sakin, I shook my head. "Pero, Kendall-"
"Ayos lang ako Alizia, mawawala din 'to." Sabi ko tsaka pilit na inaayos yung paghinga
Inhale... Exhale... Inhale... Exhale...
Yun lang yung ginawa ko hanggang sa maayos na paghinga ko. I smiled a bit, "t-tara, punta na tayo sa room."
—●—
Shems, Tuesday na... Sana wala si Amber. May kutob ako na may masamang nangyayari, at ako'y takot na mangyari yun T^T
Papasok na sana ako ng room ng biglang, "Kendaaall!" Tili ng isang babae, owsht-
"Oh! Ba't parang di ka ata happy ng makita mukha ko?" Tanong sakin ni Amber. E, kasi naman, e! Pumasok ka pa!
"Ayos ka na? Wala ka ng... Um... Sakit?" Tanong ko rito, amp ba't nanghihina nanaman ako? Hayyst...
She slowly nodded, "medyo, di ako pinapapasok ni papa, e. Kaso pinilit ko, kasi... Hehehe, para makita si Jace, at sabihin sa kanya ang aking nararamdaman." Anito habang naka-ngiti ng todo.
Ow...
Tangina...
Sakit non, ha!I smiled, a bit. "Sana all pumapasok para makita yung crush niyaaa!"
Ngumiti ito, ayyst... Heart... Kaya pa ba?
Itutuloy...
YOU ARE READING
Prank Love Letter
RomansIsang babaeng nagkagusto sa isang lalaking alam naman niyang hindi mapapasakanya. Para malaman ng lalaki ang kanyang nararamdaman. Sumulat siya para rito. E, pano nalang kaya if naagapan siya ng kanyang kaklase at tinanong siya kung bakit siya gumag...