Nyxie POV
Nakatulala ako dito sa park habang nakaswing lang sa duyan na para sa mga bata. Bigla ko naalala ang pagbreak ng bf ko sa akin kaya binaba ko tingin ko sa sapatos ko at don ko lang namalayan na tumutulo na pala luha ko. Mas lalo akong napaiyak nong nakisabay yung ulan. Nagstay lang ako hanggang sa hindi kuna nararamdaman yung tulo ng ulan sa damit ko at saka lang din ako nakakaramdam ng lamig. Napatingala ako sa isang pair ng sapatos na nasa harapan ko at nakita ko ang isang magandang babae. Maganda sya na walang katulad na aakalain mo na parang isang anghel na bumaba sa lupa.
"Hi! Hindi kaba nilalamig?" sasagot na sana ako pero nakaramdam ako ng pagkahilo at saka ako nawalan ng ulirat.---------- FAST FORWARD ----------
Nagising ako sa isang amoy na sobrang sarap kaya biglang tumunog tyan ko. Bumangon ako at pumuntang kusina pero parang nababaguhan ako sa bahay namin--- 'weyt shettt! hindi to bahay ng parent ko!' Kahit na naisipan kona na hindi to pamamahay ng parent ko ay sinundan ko parin ang amoy ng pagkain at saka ako dinala sa isang garden at doon sya gumagawa ng mga kakainin. Napatingin sya sa akin sabay ngiti mas lalo syang gumaganda pag nakangiti. Aakalain mo talagang anghel sya.
"Nagising kana pala" sabi nya habang papalapit sa akin. Naiilang ako sa ginagawa nya pero parang wala lang yun sa kanya.
"Nalaman ko pala na hindi ka kumakain ng ilang araw kaya ka nahimatay" napatingin ako sa kanya na may mga tanong sa utak ko 'paano nya nalaman?' 'kilala nyaba parent ko?' 'stalker koba sya?' mag isang tanong pa sa na nasa isip ko pero nasagot nya na parang nababasa nya kung ano nasa utak ko.
"Isang nurse ako sa isang malapit na hospital dito" Napatingin ulit ako sa kanya"Upo nanga tayo don. Kanina kapa nakatayo jan e" Sinunod ko sinabi nya at umupo sa isang table na nakahanda na. Inilibot ko paningin ko sa bahay nya. Maganda, malaki, Glass, Peaceful. Napapikit ako sa isipang napakatahimik ng bahay pero agad akong napamulat ng may inilagay sya sa lamesa. Napatingin ako don at kanin pala yun. Ngumiti sya sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa nya sa pagluluto ng ulam namin para kaming may date sa isang garden. Napatingin ulit ako sa kasama ko at naalala ko na babae pala sya at hindi kami pwede kasi lalaki gusto ko at alam ko yun. Hindi ako lesbian para papatulan ang kapwa ko babae at lalo naman tong babae na napakaganda, hindi sya mukhang tumboy at parang mas trip nya din mga lalaki. Nakakayaks naman pag puro babae. Napailing ako sa iniisip ko.
"Kain na" napatingin ako sa harap namin at nandon na pala ang ulam na kanina nyapa niluluto.
"Wag ka mahiya, wala kapa kasing kain e" tumango ako sa sinabi nya at kumain. Hindi pagkakaila na magaling sya magluto, napadami kinain ko kaya ng matapos kami ay napasandig ako sa upuan. Pumikit ako pero nararamdaman ko yung titig nya kaya tinignan sya at nakita konga na nakatitig sya sa akin at saka sya bumuntong hininga.
"Alam mo pwede mo sabihin sa akin problema mo, kasi diba mas gagaan problema mo kapag nagsasabi ka sa hindi mo kilala? Handa akong makinig and Okay lang kung hindi mopa kaya" Napatingin ako sa baba, tama sya. Bumuntong hininga din ako at huminga ng malalim.
"Nagbreak kami ng boyfriend este ex boyfriend" Pasimula ko, Sumilip ako sa kanya at kinig na kinig sya sa akin na parang focus na focus kung ano sunod na sasabihin ko.
"Kakabreak lang namin nong nakita mo ako" Hindi ko alam pero pinipigilan ko na umiyak sa pagkwento, pero bigla nalang ako napaiyak nong lumapit na pala sya sa akin at niyakap ako kaya napasubsob mukha ko sa tyan nya.
"Iyak mo lang yan" Dahil sa sinabi nya non ay tuluyan na akong umiyak.[ Fast Forward ]
Tawang tawa ako habang sya ay takot na takot sa pinapanuod namin pagkatapos kasi ng iyakan moment ay naisipan nya na manuod ng movie pero tinatanong nya ako kung ano maganda kaya ako na namili tapos ito sya ngayon hawak ang unan habang todo tago at takip sa tenga. Natapos yung buong movie na puro tawa lang ako habang sya parang maiiyak na. Napatingin ako sa labas ng bintana at mukhang hapon na kasi naging kulay orange na. Napatingin din ako sa kasama ko at napatanto ko na hindi kopa pala sya kilala.
"May tanong ako"
"Ano pala name mo" sabay naming sabi pero direct yung sa kanya natatawa akong nilahad kamay ko sa kanya
"Ako pala si Nyxie Schyte" Nakangiti kong sabi sa kanya. Tinanggap nya naman kamay ko at nagpakilala
"Ako naman si Drexiey Jeujui" Nakangiti din nyang sabi sa akin.

BINABASA MO ANG
Bestfriend Turns Into Lover (GxG) [Shortstory]
RomansaHindi ko alam pero masama bang mainlove sa katulad mong babae? Masama bang mainlove sa Bestfriend mo? Sabi nila masama pero sabi naman ng iba okay yun kasi kilala nyo na ang isa't isa pero haist ikukwento na nga