MINHYUN'S POV
"Happy birthday Bom at Baram" bati ko at inabot ang regalo ko sa kanilang dalawa.
Parang noon lang nagpapasa-pasahan pa kami ni Jisung hyung para magpalit ng diaper nitong kambal.
Tapos ngayon, 7 na silaaaa!
Ang bilis masyado.
"Thank you tito Minhyun" -Bom
Nag-kiss pa sya sa pisngi ko.
"Mamahalin ba to tito Minhyun?" -Baram
Ay wow. Requirement pala na mamahalin ang regalo?
"Happy birthday Spring and Breeze" -Adrianne
Niyakap naman sya nung kambal.
"Bakit si tita Adrianne nyo may hug? Bat ako wala?" -me
Ang unfair!
"Tita Adrianne gusto din daw po ni tito Minhyun ng hug" -Baram
"Sus! Hug lang pal--"
"Subukan mo lang na yakapin ako!" saway ko sa kanya at binaba nya naman yung braso nyang naka-ready na para yakapin ako.
Masyadong chancing eh!
"Damot! Ikaw din, minsan ka lang makakayakap ng dyosa, ayaw mo pa" -Adrianne
Inirapan ko lang sya.
Dyosa daw eh?
"BOM, BARAM WA--" sinubukan ko pigilan yung kambal pero nahulog na nila ako sa pool.
Bat ba ako napapaligiran ng mga sadistang nilalang?
"Oy Nyeon! Nauna ka pa talaga mag-swimming ah?" -Jisung
"Tanga! Tinulak ako nung kambal mo" umahon ako at umupo sa poolside.
May naramdaman naman akong twalya sa likod ko.
"Baka magkasakit ka. Tanggalin mo na kaya yang shirt mo?" -Adrianne
"Ewan ko sayo. Sinisimplehan mo na naman ako ng kamanyakan mo" inirapan ko sya ay inayos yung twalyang pinatong nya sa likod ko.
"HELLO EVERYONE! OMO HAPPY BIRTHDAY MY CUTE PUMPKINS!"
Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Minki na yakap yung kambal habang nasa likod naman nya sina Aron hyung, Baekho at Jonghyun.
"Ako ba hindi mo ihu-hug?" -Baekho
"Hug mo mukha m---AAAAAAAAH!" -Minki
Binuhat sya ni Baekho at saka tumalon sa pool.
Mukhang kailangan na talaga ni Minki kumuha ng life plan. Mukhang mamamatay na sya ng maaga dahil sa kabaklaan sa kanya ni Baekho eh!
"Hi Adrianne" -Jonghyun
"Leadernim" -Adrianne
Tinulungan ni Jonghyun tumayo si Adrianne.
Luh? Ngiting-ngiti sila pareho oh?
"Magkaka-inlaban na kayo nyan?" -me
Lumingon naman sila pareho sakin.
Hutek nasabi ko pala!
Nag-iwas ako ng tingin sa kanila.
Nakakahiya ka Hwang Minhyun! Baka isipin nila nagseselos ka!
"Fafi Minhyun! Hotdog oh" -Jaehwan
Tinignan ko sya at kinuha yung hotdog on stick na hawak nya.
BINABASA MO ANG
We Got Married #10: Hwang Minhyun
FanfictionIsang ordinaryong citizen at isang idol, sa isang REALITY SHOW? Would a FAKE LOVE STORY has a chance to be a REAL ONE? 10th part of my own version of 'WE GOT MARRIED' series~ [COMPLETED]