🦊30

115 2 7
                                    

MINHYUN'S POV

"Nyeon, sure ka ba na gusto mong pumunta dun?" -Jisung

Tinuloy ko lang yung paglagay ng damit ko sa bag.

"Gusto ko sya makita hyung eh. Isipin mo, halos hinalughog na natin yung buong SoKor tapos ilang beses na din akong pabalik-balik sa Jayang-dong, pero di ko man lang sya nakita? Nakakainis!" binato ko yung unan ko at tumama yon sa pader bago nahulog sa sahig.

Gusto kong mag-wala. Pero wala din namang mangyayari kahit magwala ako eh.

Niyakap naman ako ni Jisung hyung at hinayaan kong mabasa ng luha ko yung tshirt nya.

"Sasamahan ka namin, eo? Nandito lang kami" -Jisung

"Bakit sya pa hyung? BAKIT SYA PA? Bat di na lang ako?" -me

"Tumigil ka nga! Tingin mo ba kakayanin namin kung ikaw yon? Lalo na ako. Tingin mo ba makakaya ko yung ginawa mo na buuin ulit tayo?" -Jisung

"Umiiyak na naman sya?" -Seongwoo

"Fafi Minhyun" -Jaehwan

Nakiyakap sakin si Jaehwan, si Seongwoo naman hinahaplos yung buhok ko. I can hear them sobbing as well.

Nahahawaan ko na sila.

Tama na Minhyun. Pupuntahan mo pa si Adrianne diba?

Pinilit ko ayusin yung sarili ko.

"Hyung, tara na?" -Daniel

Tumango ako at sila na nagbuhat ng bag ko.

Lumabas kami ng kwarto ko at nandun naman na silang lahat.

"Kailangan ba talaga naka-puti tayong lahat?" -me

Di naman kami magmumukhang kulto nito?

"Kung gusto mo mag-trunks ka para mabuhay bigla yung katawang-lupa ni Adrianne" -Mriel

"Hyung yung asawa mo oh!" -me

"Hayaan mo na. Maganda nga yung suggestion nya eh. Ayaw mo i-try?" -Jisung

At nakakapag-biro pa sya kahit ang pula na ng ilong nya ah?

Lumabas naman na kami at sumakay sa van na ginagamit namin pag may outing.

Dalawa lang to noon eh, ngayon apat na.

Sayang di kami naka-ambag ni Adrianne sa pag-dagdag ng mga bata dito sa dorm.

After a long ride, nakarating na din kami ng Jayang-dong at nandun naman si Hyuk para salubungin kami.

"Bro" lumapit sya sakin at nag-handshake kami.

Tama si Adrianne. Mapagkakatiwalaan nga tong si Hyuk.

Hindi talaga sinabi samin yung sakit ni Adrianne eh!

"Hi oppa" -Mriel

"Baby girl!" -Jisung

"Ano? Ikaw pwede makipag-kissing scene tapos ako bawal mag-Hi sa pogi? Ang unfair ah" -Mriel

"Hello" -Hyuk

"Luh nag-Hello sya sakin EMEGESH" -Mriel

"ARAY YUNG BUHOK KO BABY GIRL HUHUHU" -Jisung

Ayan. Ang rupok kasi.

"Ano? San tayo?" -Sungwoon

"San lang, walang tayo" -Hyuk

"Ah ginaganyan mo ko? Susumbong kita kay Ravi hyung mo" -Sungwoon

"Sumbong mo. Parang matatakot naman ako sa Larva" -Hyuk

We Got Married #10: Hwang MinhyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon