🦊12

108 4 52
                                    

ADRIANNE'S POV

"Masakit pa ba?" tanong ni Minhyun habang minamasahe ang binti ko at dinadampian din ng hot compress.

Bwiset naman kasi tong sakit na to eh! Bigla-biglang sumusulpot.

Pero blessing in disguise na rin. Ang sweet kaya ni Emperor ngayon!

"Huy! Wag kang ngumiti ng ganyan. Kamukha mo si Lucia Joaquin" -Minhyun

Lucia Joaquin?

"Sinong Lucia Joaquin? Wag mo sabihing babae mo?" tinaasan ko sya ng kilay at umiling naman sya.

"Wala ka nang pag-asang tumino" -Minhyun

"Okay lang. Basta may pag-asa sayo" banat ko at pinigilan ngumiti.

Ako rin kinikilig sa sarili kong banat no?

"Dami mong alam" -Minhyun

"Talaga! Alam ko nga din kulay ng brief mo eh" -me

"Ewan ko sayo! Bahala ka dyang manyak ka, umakyat ka sa kwarto mag-isa mo!" inis nyang sabi at bigla syang tumayo.

Syempre pinigilan ko sya para mala-kdrama!

"Ganun na lang? Pagkatapos nung nangyari, iiwan mo na lang ako ng ganun-ganun lang? Minhyun nag-enjoy ka din naman diba? Ano yun? Pagtapos mo mag-enjoy sakin, iiwan mo na lang ako basta?" sinubukan ko pa na umiyak.

Tignan natin kung papasa dito yung acting skills ko hekhek!

Maraming salamat sa aking ina dahil namana ko ang pagiging mababaw ng luha nya.

"Ang OA mo" -Minhyun

Luh? Yelo ba to o bato?

"Grabe ka naman hyung! May nangyari na pala sa inyo ni noona tapos iiwan mo lang sya? Tsk tsk" -Jihoon

Putek kumakain pa rin yung biik!

"Anong nangyari?" -Minhyun

"Wag ka na magmaang-maangan Appa. Narinig namin lahat" -Jinyoung

"You're always reminding us to be gentle on girls, but you're doing this to noona?" -Kuanlin

EH?

"Ang sama mo Appa" -Daehwi

Lumapit sakin si Daehwi at hinarangan ako para di makalapit si Minhyun.

Okay? Protective ah?

"Mali kayo ng intindi, okay?" -Minhyun

"So kami pa ngayon yung mali? KAMI PA HYUNG?" -Woojin

"Ikalma mo sungki mo" -Jihoon

"BAWAL MAY BILBIL DITO!" -Woojin

"Putangina mo pala eh!" ni-headlock naman ni Jihoon si Woojin.

Medyo wala na akong naiintindihan sa nangyayari.

"Kayong dalawa, magsitigil nga kayo!" awat sa kanila ni Minhyun at huminto naman si Jihoon habang ni-headlock pa rin si Woojin.

Kawawang sungki.

"Makinig muna kayo okay? Walang nangyari. OA lang talaga yang noona nyo" -Minhyun

Ako pa yung OA?

"Then why does noona cry?" -Kuanlin

"Nagp-practice lang sya umacting" -Minhyun

Luh? Sinungaling.

"Totoo ba yun noona?" -Daehwi

Tinignan ko si Minhyun at parang sinasabihan nya naman ako na um-oo.

Tumango na lang ako.

"Yung nangyaring sinasabi ko, yung dinner date namin yon" paliwanag ko at nag-aah naman silang lahat, pati si Minhyun.

We Got Married #10: Hwang MinhyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon