Alam mo ba yung pakiramdam na may maayos na bahay kang tinutuluyan at welcome na welcome ka sa loob. Pero sinasabi sayo ng mundo na, "Hindi ka pwede dyan!" "hindi ka bagay dyan!". Pinipilit mong mag paka tibay ng loob dahil alam mong para doon ka talaga, na ginawa ang bahay na iyon para sa iyo, na inukit ang daan mo patungo doon dahil iyon ang nakatakda.
- - - - -
"Sa isang maliit na nayon malayo mula sa kabayanan, matatanaw ang isang napakalawak at tuyong-tuyo na latian. Walang kahit na anung makikita ni halaman o kahit isang puno man. Parang isa itong napakalawak na bukirin na walang mga hayop, tao o kahit na anung nabubuhay maliban sa mga damong nag bibigay ng berdeng kulay sa paligid nito. May ilang mga man lalakbay ang nag lalakas loob na sumuong dito upang subukin ang kanilang mga kapalaran sa kabilang dulo nito. At isa ako sa mga taong iyon."
Maliit lamang aming bayan, pag tatanim at pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa amin dahil malapit kami sa dagat, sinanay ako upang maging isang magaling na maninisid at humuli ng malalaking isda. Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya sa tuwing lumulusong sa dagat, masaya ako sa tuwing bumabalik sa pampang na may magagandang huli. Ito ang araw-araw kong buhay. Umiikot ang mundo ko sa dagat. Gigising ng maaga upang pumalaot, uuwing may maraming huli, ipag bibili ang mga nahuling isda, na ibibili ko naman ng pag kain at iba pang pangangailangan. Mag isa nalang ako sa buhay at mula ng iwan ako ng aking pamilya ang munting bahay na lamang ang naiwan sa akin.
Isang madilim na hapon, unti-unting lumalakas ang hangin, nag sasayawan ang mga puno't halaman. Nag simula na ring bumuhos ang malaksa na ulan. Nag hihiyawan ang mga tao sa labas at ang iba, nag tatakbuhan. Sinilip ko kung ano na ang nangyayari, hanggang sa di kalayuan, matatanaw ang isang mataas na agos ng tubig, mataas pa ito sa mga puno, at palapit na ito ng papalapit sa amin. Mukang may namuong malakas bagyo, at bunga nito? Isang daluyong! Habang nag kakagulo ang lahat, kampante naman akong nakatayo at nakatingin sa parating na panganib. Hindi ko alam kung bakit, pero parang hindi naman ako natatakot. Handa na yata ako. Dito na cguro mag tatapos ang buhay ko at tinanggap ko na ito ng mga sandaling iyon.
Papalapit na ng papalapit ang daluyong habang unti unti namang tumahimik ang paligid. Nag kakagulo parin ang lahat pero hindi ko na sila naririnig. At nang nasa harap ko na ang daluyong, napatingala ako sa laki nito parang malaking pader na bumabalot sa buong paligid. Dahan dahang bumubuhos sa akin ang malakas na agos ng tubig, nararamdaman ko ito sa aking mukha habang nakatingin sa langit, ipinikit ko ang aking mga mata at idinipa ang aking mga kamay na para akong lilipad kasama ng mga ibon sa himpapawid. At sa isang iglap. Nilamon nito ang buong pampang. Sa loob ng daluyong, para akong ibong lumilipad sa gitna ng tubig na nakaharap sa langit. Paalam mundong ibabaw. Mag kikita na kami ng mga mahal ko sa buhay. Nag paikot-ikot ako sa loob at humampas sa maraming bagay, pakiramdam koy parang papel na nilulukot, hanggang sa nawalan ako ng malay. Pag dilat ko, haharap ako sa langit, inaasahan kong puro ulap ang madadatnan kong lugar. Pero hindi! Nasa parehong bayan parin ako, pero hindi ko na ito kilala. Anung lugar ito? Anung nangyari sa amin. Iiyak na ba ko? Sinu kami, anung klaseng mga tao na kame? Parang wala na kaming pag kakilanlan. Parang hindi na kami mga tao. Parang mga kalat nalang kami sa paligid. Para kaming mga basurang ihinagis sa kung saan. Tulala akong nakaupo sa buhangin na wala pa sa wisyo. Masakit ang ulo ko. Para akong pinalo ng matigas na tubo sa ulo. At unti-unti. Lumilinaw ang lahat. Puro eksena ng paghihinagpis ang bumungad sa akin, pero ngayon ko palang ito naririnig. Kanina ko pa sila pinag mamasdan pero ngayon ko palang sila nakikita. Pinag masdan ko ang paligid. Nawasak ang mga bahay, nasira ang maraming bagay. Walang nagawa ang lahat. Nag kalat ang mga tao. Yung iba wala nang buhay. Nakakalungkot. Sinubukan kong tumayo ngunit mahirap, masakit ang buong katawan ko, hindi ko na maigalaw ang kaliwang braso ko, may malaking sugat ako sa kanang binti at hirap ko na ring maigalaw pero pinilit kong bumangon at tumayo. Iika-ika akong nag lakad ngunit hindi ko alam kung saan ako papunta, basta mag lalakad lang ako nang mag lalakad. Tuloy tuloy lang ako at ayokong huminto. Parang babagsak na ako pero dumeretso parin ako. Unti-unti ng umiikot ang paligid ko at kinakapos na ko ng hininga, hindi ko na rin nararamdaman ang mga paa ko, Hanggang sa bumagsak na nga ako sa buhangin.
Umaga na. Ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko, pero kailangan mag tiis, kailangan ko ng bumangon at pumalaot, manghuhuli pa ako ng mga isda. Pero teka lang, wala ako sa bahay ko, nasa ibang lugar ata ako. Saan bang lugar to? Ilang sandaling pananahimik, napagtanto ko ang lahat. Nagising ako sa isang pagamutan. Maingay, maraming tao. Bumalik sa alaala ako ang mga nangyari kahapon. Bigla akong nanlumo, nakakaawa silang lahat, ramdam ko ang hirap na dinadala nila, ang sakit ng mawalan ng mga minamahal, pero paano ako? Walang nakakaramdam ng sakit na dinadala ko. Walang may pakiaalam sa akin. Doon ko napag alaman na hindi lang pala kami ang nakaranas ng trahedya. Malaking bahagi ng aming bayan ang nasalanta at apat pang kalapit na mga bayan na malapit din sa dagat.
Ilang araw pa sa ospital at nag pasya na kong umalis. Hindi ko alam kung saan papunta ngunit gusto ko ng lumayo. Ayoko na ng dati kong buhay, biniyayaan ako ng panibagong pagkakataon kaya gusto kong maging bagong tao. Hindi na ako isang mangingisda na may malungkot na buhay sa dagat, parte na iyon ng dati kong pagkatao pero hindi na ako iyon mula ngayon. Ibang tao na iyon kaya wala na akong dahilan para alalahanin pa lahat. Hindi ko pa alam sa ngayon kung anong magiging klaseng tao ako. Gusto ko lang muna maging masaya sa pag diskubre ng bago kong pagkakakilanlan. Nasasabik akong Makita kung ano ako sa mga susunod na panahon.
Sumamaako sa mga taong nakilala ko lang sa daan, papunta sila sa tinatawag na SentroAng pinaka malaking bayan na matatagpuan sa kabilang ibayo .kaya doon na langdin ako tutungo at pag dating doon, sisimulan ko ng hanapin ang bago kong pagkatao. Gaya ng iba kong kasama na mag sisimula din doon ng panibagong buhay.
YOU ARE READING
The House on the Hill
AventuraAlam mo ba yung pakiramdam na may maayos na bahay kang tinutuluyan at welcome na welcome ka sa loob. Pero sinasabi sayo ng mundo na, "Hindi ka pwede dyan!" "hindi ka bagay dyan!". Pinipilit mong mag paka tibay ng loob dahil alam mong para doon ka ta...