CHAPTER 3: Ang Bahay sa Burol

10 0 0
                                    


            Ang sarap ng simoy ng hangin. Sa tuktok ng isang mataas na puno ay tanaw ko ang buong kabundukan at sa kabilang dako ay ang malawak na karagatan. Kay gandang pag masdan ng bughaw na kulay na repleksyon ng langit. Gusto kong lumangoy, sumisid, magpalutang lutang sa malamig na dagat, at inumin lahat ng tubig na naroroon. Ngunit sa dulo nito, natanaw ko ang namumuong maiitim na ulap, mukang mag sisimula na naman ito ng isang sama ng panahon. Ayoko talaga ng ganito. Masasayang na naman ang isang magandang araw. Hindi ba pwedeng wala nalang ganito. Gusto ko pa sanang manatili nalang dito, para akong isang makapangyarihang nilalang na kita ko ang lahat ng bagay.

Mula sa dagat ay ramdam ko ang isang malakas na paparating na hangin. Parang may sarili itong buhay at sa direksyon ko talaga patungo. Isang mabilis na paghampas ng hangin na parang bagyo sa lakas. Kailangan kumapit ng maigi upang di malaglag. Ilang sandali pa ay heto na naman sya. Isang mabilisang hampas. Ngunit hindi parin ako nag patinag, mukang nainis na ang hangin kaya't sunud sunod na ang hampas nito sa akin. Matibay ang kinakapitan kong puno ngunit sa tindi ng galit sa akin ng hangin ay mukhang mapuputol na ito. Hindi ko na kinaya kayat napa bitaw ako.

Animoy walang katapusang mataas na pag kahulog ang nangyari at humampas ang katawan ko sa mga sanga. Nabugbog ng husto ang katawan ko na parang hindi na ko mabubuhay. At sa tindi ng pag kabagsak, nawalan ako ng malay.

Nagising ako sa isang napakalawak na latian, walang kahit na anong makikita maliban sa patag na lupang parang walang katapusan. Walang kahit na anung makikita ni halaman o kahit isang puno man. Parang isa itong napakalawak na bukirin na walang mga hayop, tao o kahit na anung nabubuhay maliban sa mga damong nag bibigay ng berdeng kulay sa paligid nito.

Masakit parin ang buong katawan ko. Hindi ko na maigalaw ang mga binti ko, kayat sinubukan kong gumapang. Malabo parin ang paningin ko ngunit may kung ano akong natatanaw sa malayo, tao ba ito? Sya na kaya ang makakatulong sa akin? Hayop ba ito? May pagkain ba roon? Malapit na ba ako sa Sentro? Gusto kong Makita kung anu iyon! Gusto ko ng tubig! Pinilit kong gumapang papunta roon ngunit hinihila ako ng lupa pababa hanggang sa hindi na ako makabangon. Hindi ko na kaya. Hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko. Huli na talaga ito. Sumusuko na ako, kaya't nag paalam na ako sa mundo at namahinga.

Madilim na ang paligid. Pag dilat ko. Nakatayo na ako at matikas ang tindig. Kaharap ko ang isang bahay. Bahay sa itaas ng burol. Ang nag iisang burol sa malawak na latian. Hindi ko alam kung papaano. Paano ako nakatayo? Paano ako nakarating dito? Hindi bale na. Kung anu pa man ang dahilan, ang mahalaga ay may bahay na akong matutuluyan.

Isang simpleng bahay. Isang simplengbahay na walang kahit na anong pag kakakilanlan, walang kulay, walang palamuti,walang pinagisipang disenyo. Isang bahay na may apat na sulok, isang pinto sagitna at dalawang kwadradong bintana sa harap ng bahay. Pag kakataon ko na ito paramakapag pahinga ng maayos. Kung gaano man katagal o panandaliaan lamang aybahala na. Hindi na malamig na lupa, hindi na makakating mga damo, hindi namaalikabok na hangin ang makakasama ko sa araw na ito. Habang iniisip ko angmga ito ay unti unting bumukas ang pinto, dinig ko ang langitngit ng mga lumangbisagra nito. Hindi naman ako agad nag madaling pumasok sa loob, hinintay komunang may lumabas na tao, dahil baka may nakatira pa rito, susubukan kong magpaalam kung maaaring makituloy. Ilang sandal pa ng pag hihintay ngunit walangliumalabas na tao, kayat nag desisyon na akong lumapit sa pinto. Tahimik angpaligid, isang nakakabinging katahimikan, napakanipis ng dumaraang hangin.Narinig ko ang isang malalim na pag hinga mula sa loob. Kumpirmado meron ngangtao. sinilip ko kung sino ang nasa loob, unti unti kong binaling ang ulo ko saloob ng bahay at namasdan ko ang isang lumang tumba-tumbang umuugoy mag isa.

. . . to be continued . . .

The House on the HillWhere stories live. Discover now