CHAPTER 2: Ang Latian

10 0 0
                                    


Dalawang araw na kaming nag lalakbay, medyo marami din kami sa grupo at hindi baba sa apatnapu ang bilang naming lahat. Mahigit labing lima ang kababaihan at dalawampu naman ang kalalakihan, hindi bababa sa sampu ang bilang ng mga bata edad apat hanggang labing anim at dalawang sanggol. Lahat kami ay makikipag sapalaran sa Sentro at haharapin ang buhay na dadatnan nmin doon. Isang grupo ng apat na kalalakihan at dalawang kababaihan ang tila namumuno sa aming pangkat, sila ang nag sasabi sa lahat kung saan maaring mag hanap ng makakain, kung kailan babalik sa pag lalakad at kung kailan hihinto upang mag pahinga. Minsan nag pupulong ang mga kalalakihan upang mangaso at mang huli ng mga hayop na maaring kainin.

Nag sisismula ng dumilim at nag pasya ang mga nangunguna na mag palipas muna ng gabi sa pinaka malapit na tabing ilog. Malamig ang simoy ng hangin, at hindi kinakaya ng mga apoy na ginawa namin na mapainitan kaming lahat dahil sa lamig ng temperatura. Alam kong matatapos din ito kaya pinilit ko nalang makatulog sa paanan ng isang puno.

Unti unti ng lumiliwanang, at bago pa kami masikatan ng araw, nag simula na kaming muli sa pag lalakad, habang nag lalakad ay matatanaw na ang isang napakalawak at tuyong-tuyo na latian, walang kahit na anong makikita maliban sa patag at baku-bakong lupa na parang walang katapusan. Walang kahit na anung makikita ni halaman o kahit isang puno man. Parang isa itong napakalawak na bukirin na walang mga hayop, tao o kahit na anung nabubuhay maliban sa mga damong nag bibigay ng berdeng kulay sa paligid nito. Ayon sa mga taong nangunguna sa aming grupo, matatagpuan na ang Sentro sa kabilang dulo ng latian ngunit walang kasiguraduhan kung gano katagal itong lalakbayin at kung may matatagpuan bang pagkain sa gitna ng daan. Biglang napaisip ang marami, ayaw nilang makipag sapalaran sa latian na walang anumang nabubuhay, maaaring ito nga ang tamang daan ngunit wala naman nakakaalam kung makakarating ka sa Sentro ng buhay, maari kang mamatay sa gutom o sa matinding pagkauhaw at Kapag mataas ang tirik ng araw na sobra na ang init baka hindi na sila mabuhay. Doon na nag simulang mahati ang pangkat. Ang iba ay Mag papatuloy sa pag lalakad at tumbukin na lamang ang dulo ng daan kung saan posibleng may maliit na nayon at doon na lamang mamuhay. Ang iba naman, kasama ang mga taong namumuno sa pangkat ay nag pasyang tawirin ang latian. Matapos makapag paalamanan sa mga nabuong pag kakaibigan nag simula ng mag hiwalay ang landas ng dalawang grupo. Ako namang naiwang tulala na minamasdan ang mga kaganapan ay hindi alam kung saan tutungo. Sinundan ko ang mga taong ito sa kadahilanang wala akong direksyon at sila ang aking inaasahang makakapag turo sakin ng daan sa pag babago. Pero sa pag kakataong ito, nahati ang pangkat. Isang grupong Mas pinili ang daan kung saan mananatili silang buhay, at isang grupong makikipag sapalaran sa kawalan. Habang paulit ulit kong nililingon ang dalawang grupong unti unti nang lumalayo, isang babae mula sa mga nangunguna ang lumapit sa akin. Tinanong nya ako kung ano na ang gagawin ko ngayon, hindi ako nakaimik. Sinabi nalang nya na "Mag hihintay ka ba sa kapalaran mo? O hahanapin mo ito?" Matapos non, tumalikod na ang babae at bumalik na sa grupo upang tawirin ang latian. Tumingala ako sa langit, ipinikit ang mga mata at lumanghap ng malamig na hangin. Naramdaman ko ang malakas na hanging nag mumula sa latian, pakiramdam koy malayo ang nilakbay ng hangin na ito at mula sila sa kabilang dako ng latian. Gusto kong marating ang pinanggalingan nila. Pag dilat ko, nakaharap na ako sa latian. Naramdaman ko ang sikip ng aking dibdib, parang pinipiga ang puso ko, Parang gustong humugot nito papalabas ng katawan ko at hinihila sa dereksyon ng latian. Sinimulan kong mag lakad patungo sa grupoing nasa harapan ko, naramdaman ko ang luwag sa dibdib ko, at habang papalapit sa grupo ay unti-unting gumiginhawa ang aking pakiramdam. Dahil sa hindi ako makapag isip, nag kusa na ang katawan kong mag desisyon para sa akin. Habang nag lalakad ay natanaw ko ang babaing lumapit sa akin kanina, lumingon sya sa akin at ngumiti, bumaling naman ako ng tingin, ayokong isipan nyang sya ang dahilan ng pag sama ko sa kanilang grupo.

Ilang oras na ang lumilipas ngunit parang hindi kami umaalis sa aming nilalakaran. Tanaw ko parin ang aming pinagmulan at parang walang hanggang katapusan ang dulo ng latian. Matindi na ang sikat ng araw at pagod na ang lahat ngunit kahanga hangang walang humihinto sa pag lalakad. Alam kong pagod na ako ngunit kusang nag lalakad ang aking mga paa, hindi ko na ito nararamdaman maging ang mga kasama koy wala naring pakiramdam. Hindi pa man dumidilim ay nag pasya na ang mga nangunguna na mag pahinga na kaming lahat. Umpisahan na raw naming mag pahinga ng husto dahil hindi na namin hihintaying pang lumiwanag ang langit at mag sisimula na kami muli sa pag lalakbay kinabukasan. Isang malaking apoy ang ginawa nila para mainitan kaming lahat sa gitna ng malamig na latian. Nag kanya kanya na kami ng pag lalatag ng mahihigaan at namahinga.

Habang nahihimbing ay ginising ako ng isang malakas na hangin, parang madadala ako sa lakas. Parang gusto ako nitong ibangon mula sa aking pag kakahiga kayat tumayo ako, wala paring kahit na ano sa paligid, mga tao lang sa palibot ng upos na gatong na mahimbing ang pag kakatulog ang nakikita ko. Maliwanag ang paligid dahil sa sinag ng buwan ngunit madilim ang lahat ng sulok ng latian. Muling umihip ang malakas na hangin papunta sa ibang dereksyon ng latian, parang bumubulong ang hangin sa aking mga tainga na sundan ko sila. Parang sinasabi nila sa akin na dito ako dapat pumunta. Ngunit may mga kasama akong kailangan kong sundan. Ayokong mag lakbay ng mag isa. Kaya mananatili ako sa kanila. Bumalik na ako sa pamamahinga, ipinikit ang aking mga mata at gumawa ulit ng magandang tulog.

Nagising ako sa yugyog ng isang lalaki, madaling araw na pala, nag sisimula ng mag ayos ang lahat para ipag patuloy ang pag lalakbay. Dahil wala pang araw, liwanang parin ng buwan ang aming magiging gabay sa daan. Habang nag lalakad ang lahat, nakaramdam na naman ako ng paninikip ng dibdib. Hindi ko ito pinansin, ngunit habang nag papatuloy ako sa pag lalakd ay lalong tumitindi ang sakit. Nakahawak na ako sa aking dibdib sa tindi ng sakit, parang gusto ko na ngang huminto sa pag lalakad at magpahinga, pero pinilit ko parin dahil ayokong matagalan ang grupo ng dahil lamang sa akin, at mukang wala naman talagang balak na huminto ang iba dahil lang sa estrangherong mabagal mag lakad. Isa itong pagsubok at lahat ng mahina ay maiiwan, ayokong maging isa sa mahihinang iyon kaya nag patuloy ako. Umihip ang malakas na hangin at patungo na naman ito sa ibang dereksyon ng latian, huminto ako sandali at pinakiramdaman ang hangin, ilang sandali pa ng paghinga ay unti unting nawawala ang sakit, mukang gusto talaga akong dalhin doon ng hangin ngunit hindi maaari. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa aking lukuran, kaya lumingon ako, nakita kong nakatingin na sa akin ang babae kahapon, ilang sandalli kaming nag ka titigan, animoy binabasa nya ang aking mga mata. Binuksan nya ang kanyang mga labi, walang tinig na lumabas dito pero nabasa ako ang gusto nyang sabihin: "Sundan mo." Walang anu-ano ay humakbang ako patungo sa kabilang dereksyon ng latian ng walang pag aalinlangan, hindi na ako nag isip, nag lakad ako lihis sa kanilang daan at papalayo. Lumingon ako para sa huling sulyap, Habang patuloy na nag lalakad ang karamihan, nakatayo paring nakatingin sa akin ang babae, ilang sandali pa ay tumuloy na din ito sa pag lalakad. Isa itong pamamaalam. Nuon ko lang napansin na maluwag na pala ang akin pag hinga. Tama! Ito nga ang gusto ng kapalaran para sa akin, ang tahakin ko ang daang ito, naging istrumento lamang ang mga taong iyon para dalhin ako dito. Ngayon, mag isa na lamang ako, balik ako sa pag iisa sa buhay, ngunit iba ito, hindi ito pangkaraniwan, lalo pa ngayon na ako lang ang taong nag lalakad sa gitna ng latiang ito, walang ano o sinuman sa palagid ko, ako lang ang nag iisang buhay na patay rito. Walang dereksyon kundi ang hangin, at san naman kaya ako dadalhin nito.

Isa itong hindi pangkaraniwang karanasan, kahanga-hangang hindi parin sumusuko ang katawan ko. Tingin koy dalawa o tatlong araw nalang ang itatagal ko kung hindi pa ako makakahanap ng pagkain o inumin. Wala na akong kahit na anong makakain, kahit isang patak ng tubig ay ubos narin. Kailangan ko lang malampasan ang matinding init ng tanghaling ito at maari na akong magpahinga. Patuloy ang pag lalakad ng mga paa ko kahit ayoko na, hindi ko na ito kaya, mamamatay na ako. Hindi ko maramdaman ang mga binti ko, pataas na ito ng pataas hanggang sa mga hita ko, gusto kong bumagsak at sumalampak sa lupa. Tuyo na ang dila ko at hindi na rin ako pinag papawisan dahil ubos na ang tubig ko sa katawan. Hanggang sa nagsimula nang manlabo ang aking paningin, hindi na ako makaaninag ng mga imahe at puro puti nalang ang nakikita ko.

Sa gitna ng matinding pagod untiunting bumibilis ang lakad ko, hindi ko alam kung papaano at hindi ko na itokontrolado. Hindi ako makahinto. Parang mapuputol na ang mga paa ko. Sasabog naang mga hita ko. Malapit na akong mamatay! Napasigaw na ako! Sumubsob ako atnag pagulong gulong sa lupa.

The House on the HillWhere stories live. Discover now