=======chapter 2=======
Crazy
Pagkapasok ko nang classroom ay ibinaba ko na ang bag ko sa aking upuan. Ang aga-aga sumilip ako sa classroom ni bebe ko. Hindi pa gising si papa sun ay nandito na kaagad ako at pati narin ang bebe ko.
Ito na halos palagi ang ginagawa ko. Kaya nga nagulat ako kahapon na wala sya eh.
Nandun si crush... Nakaupo at nagbabasa na naman. Tumigil na ako sa pagsilip at isinandal ko ang katawan ko sa pader.
Hayy ang pogi nya talaga! Sana naman mapansin nya na ako ng walang galit at inis sa mukha nya.
Sumilip ako ulit para sana kuhanan sya ng picture. Pero pag tingin ko sa upuan nya ay wala na sya.
"hala nasan na un? " bulong ko.
Tinignan ko ang buong classroom nila. May hangin na umihip sa likod ko. Nakalimutan ko ung jacket ko. Tsk tsk. Dalawa kasi ung pintuan ng bawat classroom dito at pinagtaka ko ay bukas ung kabila.
Lumabas ata si bebe ko. Sumimangot ako at hinampas ung pader na katabi ko.
Sayang naman. Kakaane naman si tadhana eh. Kelan ba? Kelan ba nya ako mapapansin. Lumingon ako sa gilid para bumalik na sa classroom.
"aray!" umalingawngaw ang boses ko sa corridor ng school. Tumama kasi ung ulo ko sa pader! Tumingin ako sa baba at nakitang may sapatos ung pader.
Ah kelan pa sila nagdesign ng sapatos sa pader?
Sapatos! Nanlaki ang mata ko at mabilis na tinignan ang pader na nasa unahan ko este sa bebe ko este kay axel na nasa unahan ko.
"a-ahh hahahahah... Ikaw pala yan! " pilit akong ngumite. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko,my dash tadhana wag namang biglaan. Seryoso itong nakatingin sa akin at nakataas ang kilay.
"ahhm ano kasi ano... Mag kacutting kasi kami mamaya gusto ko lang itanong kung-" nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig.
What the heck zia? Anong klaseng bibig ba yan? Sasabihin mo sa isang ssg na mag kacutting ka? Ikaw na ata ang pinaka luka na babaeng nagkakacutting.
Itatanong mo kung? Kung? Kung pupunta ba sya dun sa lagusan para sitahin ako? My gashhh.!
"crazy" at pumasok na sya sa loob ng classroom nila.
"o-oo luka talaga ako haha" napatigil ako. Wait what? Did he just tell me im crazy?!
Is that a compliment? Its a compliment. walang aangal! Endearment nya sa akin un! Wahhhhh... Bebe kooo at crazy kooo.. Im crazy for youuuuuuuu! Yieee.
Buong umaga ay nanatili ako sa classroom na nakangise. Nagtaka ang mga kaklase ko kasi perfect attendance ako ngaung umaga. Di ako nagcutting at walang ginawang kapalpakan.
Nagulat rin ung adviser namin kasi sa ilang beses nyang pabalik balik sa classroom lagi nya akong nakikita.
This is the miracle day.
Bago mag lunch ay nakita ko si jarred na nasa labas ng classroom namin. The bell rang at halos pinag-uusapan si jarred at ako ng mga kaklase ko at ng mga estudyanteng nadaan.
"i was worried...kala ko kung ano na ang nangyari sayo kasi di ka nakapunta sa tambayan kanina. Akala ko din absent ka pero tama nga ang hinala ko na nasa classroom ka. Its a miracle u know. So what happened? "
Tinaasan lang ako ng kilay ni jarred.
Tapos naalala ko ung kaninang umaga. Ung sa cutting namin?