ELENA
"At exactly 5:30PM mo daw ihatid yung deliveries ng cupcakes sa SMRC, Elle. Bilin ni Mngr. Garcia. ", bungad agad ni Ma'am Sheila pagkadating ko ng Bakeshop. Si Ma'am Sheila na parang assistant na din ni Mngr. Garcia dito sa Purple Z. Isa itong Cake and Pastry Bakeshop na laging dinadaluhan ng mga mamimili sa buong Aguinaldo Avenue, minsan ay isang server o cashier crew ang posisyon ko dito minsan din nagiging delivery girl pagwala si Mang Jepoy na syang delivery boy ng Purple Z. Minsan din naman pag pwede si Brenda na katulad kong server ay sya yung nagiging delivery girl pero may pasok pa ata sya. Tulad ko kasi si Brenda, sumakabilang buhay na ang mga magulang nya nang dahil sa sunog pati bunso nyang kapatid kaya nag-iisa na lamang din ito. Kami nga lang ang nagkakaintindihan nun minsan dito sa Shop eh. Mas matanda nga lang ako sa kanya ng dalawang taon.
Tsaka marami palang branch naman itong Purple Z sa buong bansa at meron din naman sa ibang bansa tulad ng Singapore, Japan, Italy, London at New York. Matagal-tagal nadin akong nagtatrabaho dito nang dahil sa tulong ni Mich nung nakilala ko sya sa University noong freshmen year namin at yun naging magkaibigan na rin kami.
Tinignan ko yung wall clock ng bakeshop. 4:30PM.
"Okay, Ma'am Sheila. May mahigit isang oras pa naman ako", nginitian ko lang 'to. First time ko kasing makakapasok sa SMRC! Pag nagpapadeliver kasi sila minsan si Mang Jepoy ang naghahatid. Actually, pangarap kong makapasok dun! Isa kasi ito sa mga sikat na Musical Records. SMRC stands for Stereo Musical Records Company. Mahilig din kasi akong gumawa ng mga kanta pero not like a pro ha. Kahiligan ko lang talaga pag may vacant time ako at may naiisip agad akong theme sa kanta. Mahilig kasi akong gumawa ng poetry nung high school years ko, sumasali din naman ako sa mga slammed noon which is to present your originally made poetry pero nung pagkatuntong ko nitong kolehiyo nadiskubre ko na aside in making poetry pwede din pala akong makagawa ng kanta because of that passion kaya yun, mas nagugustuhan ko na rin ang gumagawa ng kanta but, i just wrote my composed lyrics sa one and only composition notebook ko at si Mich ang lagi kong pinapabasa na lagi naman akong sinasabihan na; May future ka talaga, friend! kasabay ng palakpak. Minsan na nga nyang nagawan ng tono eh at narinig kong maganda ang boses nya kaya nang di nya napansin na pinapanuod ko pala sya habang kumakanta pagkatapos ay sinabihan ko rin ng; May future ka talaga, friend! with matching palakpak.
5:00PM naman talaga yung on shift ko ngayong araw. Inagahan ko lang ang pagpunta dito sa Shop dahil nasasakal na ako sa pagpapapansin ni Carlo sakin na sa pagkakaalam ko may girlfriend naman yun. Nabigla nga ako nang malaman nya ang ibang iskedyul ko, di ko nga alam eh baka sinundan pa ako nun. Grabe pa naman daw ang stalker tendencies ng lalaking yun sabi nung ka co-major ko. Siya pala yung secret admirer ko daw na sabi ni Mich sakin. Parang tuloy feel ko inoobserbahan ako ng girlfriend nya. Para kasing may laging nakatingin pag nagbubuntot si Carlo sakin. At isa pa kaya napaaga ako eh talagang iniwan akong mag-isa ni Mich sa University! Bigla bigla lang nawala! Naalala ko tuloy yung nangyari kanina.
"Mich, marunong ka bang kumanta?", nilingon ko 'to na parang ang lalim kasi ng iniisip eh. Di nga ako sinasagot sa mga tanong. Pang-ilang tanong ko na yan sa kanya at para talagang nasa kabilang panig ng mundo ang isip nya. Balak ko kasing sabihin sa kanya yung bago kong nagawang kanta. Siya sana ipapakanta ko. Hihiram lang ako ng gitara sa Music Club sa Uni para gawan ko ng tono. May alam naman ako sa pag gigitara but not like a pro, tama na yung basics at simple plucking.
Di parin ako pinapansin ni Mich kaya siniko ko na 'to.
"Huh?",para naman 'tong natauhan.
BINABASA MO ANG
His Game (His Series #3)
Romancea story of an innocent girl who just love, trust and gave everything to a guy but at the end she feels like a loser and felt betrayed because of his game. Former Title: Betting Ms. Innocent (KimMyungsooXKrystalJung)