THUNDER
"She's alone now, bro. You can start the game if you want to. Well, just take it slowly at baka mabigla sya't magduda", naka-smirk na sabi ni Luke sakin at tinungga ang scotch nito.
Nakatayo kami di kalayuan ng mini stage malapit sa may pool ng mansyon ng mga Zamora. Kasama ko sina Luke na nasa harap ko ngayon, si Blaze na seryosong nakikinig sa pinagsasabi ni Ervin at dalawa naming magiging business partner daw soon na kakilala lang namin sa ngayon, sina Adam at Steve. Syempre, kahit di namin close ang birthday girl, close naman ang mga magulang namin at magulang nito kaya nga andito kami, invited. Business world nga naman.
"Nakakapanibago ka talaga", napapailing na sabi ko dito at tumungga din ng scotch. 40% Alcoholic 'tong scotch kaya di gaano karami ang ininom ko. Light lang dahil andito pa ang mga kapatid kong parang pusang gumagala-gala kung sang parte sa mansyon na ito na ihahatid ko pa patungong Golden Heights bago ako pupuntang condo ko. Hindi kasi pinayagan ang mga itong magdala ng kotse. Tinawagan pa talaga ito nina mama na binabawalan silang gumamit nang dahil sa nangyari ng mga ito just 5 months ago sa Paris, muntikan na silang madisgrasya. Nasa States naman kasi yung mga magulang namin sa ngayon, nagbabakasyon.
Ang pagkakaalam ko din kaibigan nina Hurricane at Stormy ang birthday girl lamang, sa Paris naman nag-aaral ang mga kapatid ko habang ang kaibigan nito ay andito lang sa Pinas. Balak ko nga din sa labas ng bansa ma-aral pero hindi ako pinayagan dahil dapat andito lang ako sa Pinas for the ownership soon sa kompanya ng Papa ko. Fashion designing naman ang kinuha ng mga ito at last week lang nang makarating sila dito sa Pilipinas para daw magbakasyon, sa susunod na buwan naman ito babalik ng Paris dahil buwan ng pasukan na naman din nila. Fall season.
"I'm just helping my cousin, you know that at para narin sa'yo nang maka-move-on kana kay Veronica", nakahalukipkip na nitong saad. Habang nilaro-laro yung natitirang scotch sa kopita nito.
Nakakapanibago lang kasi hindi naman ganito kaseryoso ang Luke na nakilala ko. Minsan na nga lang nya ako tinatawag na kulog which is good because i hate that call sign that he made for me since noong gradeschool pa talaga kami. Di na din sya gaanong nagbibiro tulad ng dati, minsan na lang.
"So, ano na? Puntahan mo na! At baka maunahan ka pa isa sa mga lalaking 'yon na kanina pa ata tingin ng tingin kay Elena", turo nito sa tatlong lalaki na nag-uusap-usap habang sumusulyap naman kung san si Elena na parang walang alam habang kumukuha ng pagkain. Some girls are really slow o sadyang walang pake lang talaga.
Nung pinakita ni Luke yung facebook profile nya sakin, nabigla ako nang mapagtanto kong sya pala ang Elena Cortez na pinagsasabi ni Luke. Yung babaeng ang sarap asarin. Yung babaeng kung san naaalala ko sa kanya si Vee. Nung una ay parang nagdadalawa pa ako kung itutuloy ko pa talaga pero nang sinabi ni Luke na wala ng bawian at isinali pa yung pagmomove-on ko kay Veronica ay nagpag-isip-isipan ko ding kailangan ko 'to para narin makalimutan sya at mabaling sa iba yung atensyon ko. At isa pa, parang nafa-fascinate ako kay Elena. Parang gusto kong mas makilala ko pa sya.
Nang makaupo na ito sa dati nitong inuupuan ay inilagay ko na sa tabing round table yung kopita kong may laman pang scotch. Naramdaman kong may tumapik sa'kin. Si Luke. Tinignan ko naman yung mga kaibigan kong sina Ervin at Blaze pati yung sina Adam at Steve na wala namang alam.
"Are you sure you'll do it?", tanong ni Blaze. Alam na alam na talaga nito. Nakikinig nga din siguro sya samin ni Luke hindi lang sa pinag-uusapan nina Ervin, Adam at Steve. Bakit parang nababahala pa ito? Akala ko naman sang-ayon na ang isang 'to. He's not even reluctant when he agreed to the bet! Noong isang araw pa sya parang nababahala simula nung napag-usapan namin yung bet sa Bar mga dalawang linggo na ang nakaraan.
BINABASA MO ANG
His Game (His Series #3)
Romancea story of an innocent girl who just love, trust and gave everything to a guy but at the end she feels like a loser and felt betrayed because of his game. Former Title: Betting Ms. Innocent (KimMyungsooXKrystalJung)