ELENA
" Hoy Elena! Nakikinig ka ba? "
Nabalik naman ako sa ulirat nang magsalita si Michelle at napatingin dito. Halata sa mukha na naiinis na ito. Aw sorry, Mich.
" Sorry, ano nga ulit? ", malumanay natanong ko dito. Eh kasi naman eh! Para ata akong kinulam nung gwapong nilalang na yun! Simula kasi nung last week na nangyari, yung mukha nya di na nawawala sa isip ko. Ugh. Pakamatay na ako pero syempre joke lang.
" Hay, nagsasalita lang pala ako dito pero di ka nakikinig. Tsktsk. Anyare na sa'yo oy? ", kaninang inis nito ay ngayon napalitan ng kuryosidad.
" W-wala naman ", pagsisinungaling ko tsaka ininum yung pineapple juice na inorder ni Michelle para saming dalawa.
Working hours ko pala ngayon sa Bakeshop nila eh kaso andito si Mich dahil may sasabihin daw sya. Pero di ko nga narinig dahil lumilipad na naman 'tong utak ko sa kung saan at sino. >_<
" Asus! In love ka no? ", tanong nito sa mapaglarong boses na para ding kinikilig.
Muntik ko na talagang maibuga yung ininum ko. Mich naman kasi eh! In love agad?
" A-anong in love ka dyan! Di no! ", parang defensive na sabi ko dito tsaka lumingon sa labas ng Bakeshop. Inamin ko bang defensive? Okay.
" Oh em. In denial stage, Elena. Haha ", pang-aasar nito tsaka nag-tsk.
" Sino naman kaya yang malas na lalaking yan na nagpatibok sa puso mong salawahan? ", dagdag pa nito tsaka mahinang tumawa. Paliguan ko kaya 'to ng pineapple juice? Ano-ano ng pinagsasabi eh! Pero syempre di ko naman gagawin at never kong gagawin, masisanti pa ako. Mahirap na.
" Di nga sabi! Grabe ka naman! In love agad? Tch. Ano na nga yung sasabihin mo? ", pang-iiba ko sa pag-uusapan.
" Ah yes! It's about my birthday party. Baka nakalimutan mo? ", sabi nito habang pinagsalikop ang mga kamay at itinukod sa lamesa ang siko tsaka naman tinungtong ang baba nito.
Ay oo nga pala! Birthday nya nga. Sa Saturday na ata. First time ko atang dumalo sa birthday nya. Eh kasi naman nung mga past birthdays nya di maiwasang di ako makakadalo dahil minsan e kung hindi ako nagkakasakit, dadatnan naman ako o nagkaka-dysmennorhia. Kaya hopefully this Saturday eh okay na talaga para makadalo ako. At isa pa ay di ako sanay sa mga ganyang selebrasyon na e yung kasama ay mga mayayaman.
" Hopefully talaga eh makakadalo ka na. Nakakatampo na talaga pag di ka parin makakapunta. ", parang batang turan nito tsaka uminom ng pineapple juice.
" Makakapunta na nga. ", pagpapanatag ko ng loob dito.
" Siguraduhin mo lang ha. Magtatampo na talaga ako sa'yo. Kahit minsan kasi di ka man lang nakadalo sa kaarawan ko. Naisip ko tuloy na ayaw mo lang talaga. ", paninigurado nito tsaka ibinalik ang tanaw sa labas.
" Oo na nga. Pupunta na talaga ako. Pero may problema lang kasi eh. ",
Wala akong isusuot. Lumingon naman 'to sakin na naguguluhan.
" Anong problema? Wag mo sabihing hadlang na naman yan para di ka makadalo sa birthday ko? ", tanong nito na may halong pagtatampo sa boses.
BINABASA MO ANG
His Game (His Series #3)
Romansa story of an innocent girl who just love, trust and gave everything to a guy but at the end she feels like a loser and felt betrayed because of his game. Former Title: Betting Ms. Innocent (KimMyungsooXKrystalJung)