MIRIKATE'S POV
....Naglakad-lakad kami nina Yanagi at Fuu at nagpunta sa kung saan-saang lugar sa Takigakure (Ano bang ine-expect ko, TOUR nga diba?) At talagang nakakamangha itong si Yanagi: kinareeer niya talaga ang pagiging FRIEND kay Fuu. Mas naging madaldal pa siya, tingin ko, X2 na. . . ....."Eto ang lugar kung saan ako natuto ng aking unang Jutsu(technique), at yun naman---" panay ang daldal at panunuro ni Fuu habang manghang-mangha naman itong si Yanagi. Hay naku,magkauri yata 'to sila?o ewan. . . Si Yanagi lang ang nag-eenjoy sa TOUR na ito,habang ako,parang GUWARDYA nilang dalawa(not mentioning the spy guards sa paligid na padala ni Shibuki). . . .
...."Ano na namang ginagawa ng taong yan?--" "Sus,at may kasama pa--" "Sigurado,mamalasin na naman ako ngayong araw na' to--" "Ang sinumpang batang 'yan--" "Kawawa ang mga kasama nya--". . . .
....Ito ang ilan sa mga naririnig kong bulung-bulungan na mula sa iba't ibang taong nadadaanan namin. Pero parang wala lang sa kanya ang lahat. Manhid ba siya? O sadyang WALA SIYANG PAKIALAM, kahit naririnig nya ang lahat?
...."Wag mo silang intindihin. Hindi nila naiintindihan ang isang tulad ni Fuu.--" wika ni Yunoko sa aking isip. Yup, alam ko na ang mga boses nila at, kinakausap nila ako minsan. Dahil kung anong nararamdaman ko, nararamdaman din nila, at kahit si Yanagi ay ganun din. "Alam ko yun. Pero ganun ba ang reaksyon niya sa mga pinagsasabi laban sa kanya?"
...."Tingin ko,nasanay na siya sa trato ng buong bayan sa kanya. Kasi parang wala lang sa kanya ang lahat eh."
...."Nakakalungkot naman. Ito pala ang buhay ng isang Jinchuriiki 'no?"
...."Siyang tunay Master. . . ." At pinagmasdan ko na lang siya habang sinusulit ang isang masayang pangyayari sa buhay niya. Napag-alaman ko rin mula sa mismong kwento(Shippuden series), na kahit ganun ang trato sa kanya, sinisikap niyang gawin ang isang bagay na makapagpapaligaya sa kanya:ang magkaroon ng maraming KAIBIGAN. . . .
....May nakita akong isang nagtitinda ng pagkain,at bigla akong ginutom. Naisipan kong bumili para sa'kin at sa kanila. Nagpaalam ako at bumili sa isang mamang tindero.
...."Anong, kailangan mo iho?" tanong ng mama "Manong, tatlo nga ho nyan. Tapos tatlo rin hong maiinom. Eto ho ang bayad. "
....At habang naghihintay, kinausap ako bigla ng mama, "Bago ba kayo dito?" "Oho,bakit ho?" pabalik kong tanong.
...."'Wag ka nang lalapit sa babaeng 'yan. Sinumpa 'yan,may sa demonyo. Mamalasin ka lang 'pag---"
...."Pati ba naman dito, may RACISM at BULLYING?!" Di ko na napigilan ang sarili ko. Napabagsak ako ng kamao sa maliit na lamesa ng tindero na siyang ikinagulat niya. Nagalit na ako.
...."Uhh, Sir, eto na hong-"
.... "SAKSAK MO SA BAGA MO YANG PANINDA MO! ISALI MO PA ANG SUKLI NYAN! MAS MAMALASIN KAYO KUN GANYAN ANG TRATO NYO SA ISANG INOSENTENG TAO! ! ! !" at umalis na ako ng may poot sa mukha. . . .FUU'S POV
....Hala!May POV din ako dito? Seryoso? O sya,sige na. Pero di na ako magpapakilala. Alam kong kilala nyo na ako(SIKAT yata 'to no?hehehe) Anyways,back to the story na tayo. . . ....."Pati ba naman dito, may RACISM at BULLYING?!"
...."Uhh, Sir, eto na hong-"
.... "SAKSAK MO SA BAGA MO YANG PANINDA MO! ISALI MO PA ANG SUKLI NYAN! MAS MAMALASIN KAYO KUN GANYAN ANG TRATO NYO SA ISANG INOSENTENG TAO! ! ! !" galit na sigaw ni Miko sabay alis sa lugar. Anong nangyari dun? Tsaka RACISM? BULLYING? Ano un? Di bale na nga. . . .
....Nang makabalik siya sa amin, inusisa agad siya ni Yanagi, "Anyare Ma-ah este Miko?" Pero di na siya sumagot at naupo na lang na may galit sa mukha. . . .
....Naisip ko na baka dahil ito sa mga pinagsasabi ng mga tao tungkol sa aking "pagkatao". Pero may kaunting tuwa akong naramdaman sa puso ko dahil sa ginawa niyang iyon. Na para bang "may pakialam SIYA sa AKIN". . . .
....Teka, wait, ano ba itong pinag-iisip ko? Erase2x, wag mag-assume, baka masaktan lang sa huli. Imposible ang iniisip mo uie. . . .
....Di nagtagal, naupo kami sa isang lugar na medyo tahimik pero open. Umalis si Yanagi saglit para daw maghanap ng maaring gawing pantawid-gutom(kasi nga, dahil sa nangyari kanina, di na nakakuha ng pagkain si Mirikate). Bahagya kaming natahimik, at binasag niya ang aming katahimikan, "Bakit parang wala na lang yun sa'yo yung--. . . ."
...."Nasanay na ako sa trato nila sakin dito. . . . "
...."Pero, hindi na makatao ang trato nila sa'yo. Tinuturing ka nila bilang isang masamang-"
...."Alam ko yun. Pero 'wag kang mag-alala, darating din ang araw na magbabago ang lahat. Babaguhin ko ang mga puso nila. . . ."
...."At sana'y kapiling pa rin kita 'pag dumating ang araw na yun. . . ."
[....Natapos din sa wakas! Naghintay ba kayo? Sorry kung pinaghintay ko kayo ng matagal. Just keep reading ha! ! ! ! ]
Kenji
BINABASA MO ANG
Am I in NARUTOWORLD?(The Story of Mirikate) [ON HOLD]
FanficIsang simpleng buhay lang:ito ang nais ni Mirikate.isang buhay na masaya at malayo sa gulo.Nang biglang magbago ang lahat:sa isang iglap lang.at yun ay dahil sa kanyang nakaraang bumulaga sa pagkatao niya.Matanggap niya kaya lahat ng nakaraan niya...