Love story

0 0 0
                                    

"Oh dahan² lang anak, baka mabinat yang sugat mo. Ma impeksyon pa yan. Gusto mong maoperahan ulit?". Di ko na lang pinansin si mama, naiinis pa rin ako.

Isa't kalahating buwan. Grabe.! Nakalimutan na ba ako ni Dereck? Di man lang dumalaw.! Boyfriend ko ba talaga yun? Inis akong napahiga sa kama ng biglang may mahagip ang aking mga mata. "From: Dereck❤"; lihim akong napangiti sa ginawa nya.

"Hi Mahal ko. Musta mahal ko? Kumakain ka ba ng maayos? Ayos lang ba kayo ni tita? Mahal? Palagi mong tatandaan na MAHAL.NA. MAHAL.KITA. Sorry pala mahal ha? Sorry kung wala ako sa tabi mo nung inooperahan ka. Sorry kung wala ako sa tabi mo ngayon. Sorry kung di na kita makakasama. Mahal, lumaban ako. Lumaban ako sa sakit ko. Pero Wala ih, masyadong strong si brain tumor. Talo ako mahal. Sorry, may brain tumor ako mahal, stage 4. Sorry." Habang binabasa ko ang kanyang sulat ay sya ring pagtulo ng aking mga luha.

Kaya pala... Ang tanga ko, diko man lang napansin na may sakit sya. "Mamaya ka na matulog mahal". "Ang oa mo, 8:20 pm pa lang oh". "Tagal mong mag reply:(". "HOY".!! Napahagulgol na lamang ako habang inaalala yung mga pangungulit ko sa kanya. Pinupuyat ko sya habang iniinda nya ang sakit ng mag isa. Agad akong lumabas at nakita ko ang mga magulang ni Dereck, may dala silang bulaklak. Napaupo na lamang ako habang umiiyak.

"Hindi pwede to.!". "Joke lang to diba?". "Anak, pupunta tayo ng sementeryo" sabi ni mama habang inaalalayan ako sa pag tayo.

Dala ko ang maliit na box na bigay sa'kin ni Dereck. Diko pa nabubuksan. Iyak lang ako ng iyak sa byahe. Papunta kami ngayon sa puntod ni Dereck, naka suot ako ng plain white dress. Habang sina mama, tita at tito ay itim. Naroon din ang aming mga kaibigan, nakaitim at nakapalibot sa may puntod mismo. Bawat hakbang ay syang pagka durog ng aking puso, diko matanggap. Masakit, sobrang sakit. Ng makalapit na ako, binigyan nila ako ng space para matinganan ang mismong puntod ng aking mahal. Ng makita ko ang lapeda, biglang lumaki ang aking mga mata." ARIS DELFUENTE, WILL YOU MARRY ME"? Iyon mismo ang nakalagay sa puntod, bago paman ako makatalikod ay may yumakap na sa'kin. Naka puti, grabe. Nananaginip ba ako? Si Dereck, naka puti rin sya.

"Dala mo ba yung box mahal?" Tulala lang akong tumango bilang tugon sa kanyang tanong. Lumuhod sya sa aking harapan sabay sabing

"ARIS, MAHAL KO? WILL YOU MARRY ME?" Naghiyawan yung mga kaibigan namin, at iniabot ni tita kay dereck yung bulaklak. So planado lahat ng to?

"Aris?" Natauhan ako't walang sabi sabing isinuot ang singsing. Grabee ang saya ko. Planado pala lahat ng to.

"Ang sama mo.! Alam mo bang iyak ako ng iyak?" Sabay hampas sa kanyang dibdib.

"Sorry mahal ko, gusto ko kase wala kang idea about dito. Mahal kita".

"Love you Mahal ko gagawa pa tayo ng marami anak." Sabi Dereck ni sakin.

"Lol Love you too Mahal wag mo na uulitim un ah." sabi ko tumango naman siya at kiniss ako...

THE END

Anything One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon