Gulong-gulo
Nakahiga ako sa malambot na kama.Malalim ang aking iniisip.Hawak-hawak ko ang aking labi na kung saan hinalikan ng kuya ko.Nagulat ako sa kaniyang ginawa, kahit mabilis lang yun.Mga ilang segundo tinitigan niya lang ako at walang sabi-sabing naglakad pababa.
Tulala ako hindi ko alam kung bakit parang may iba akong naramdaman sa kanya.Para bang may ibig sabihin ang kaniyang halik sakin.Gulong-gulo ang utak ko.Hindi ito pwede magkapatid kami at inisip ko na lang na "kapatid kiss" niya lang yun.Na walang kahit anong kahulugan.Siguro na miss niya lang ako sa dating closeness namin na imbes yakapin ay halik ang ginawad niya sakin.
Pagpasok ko palang sa kwarto ko ay agad akong humiga sa malambot na kama.Iniisip ko ang nangyari.Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko.Hindi ko pa inayos ang mga gamit ko dahil wala ako sa mood mag-ayos.Hindi ko pa nga kinompara ang dating kwarto ko sa bago kong kwarto dahil okupado ang utak ko.Shit!!
~Knoccckkk knoccckkk~
Naamlipungatan ako sa katok sa labas ng aking kwarto.Kaya agad akong bumangon.Naglakad ako para buksan ang pintuan.Nanginginig akong hinawakan ang doorknob baka si kuya ang kumatok dahil wala namang nagsalita.Hinay-hinay kong binuksan ito,bumungad sakin ang masayang ngiti ni mommy.Kaya nakahinga ako ng maluwag..
"Kakain na tayo nak,kumatok lang ako kase baka tulog ka"aniya na nakangiti sabay tingin sa loob ng kwarto.
"Sge mhie,bababa na lang po ako"
sabi ko sabay ngiti sa kanya.Tumango naman si mommy."Nak,pasensya ka na ha..Are you comfortable in your new room?tanong niya sa akin na hawak ang isa kong kamay.
"Yes naman mhie,Komportable naman po ako"ani ko.
Niyakap ako ni mommy ng mahigpit di ko namalayan na humihikbi na pala siya.
"Alam kong hindi ito ang nakasanayan niyong buhay nak, kayo ng kuya mo.Gustuhin man namin ng daddy niyo na ibalik ang dati nating buhay ay hindi na talaga kaya.Kaya ito kami ngayon nagsisikap para mabigyan namin kayo ng pangangailangan ninyo araw-araw.Nak,mag-aral kayo ng mabuti para maabot ninyo ang mga pangarap niyo ha.Yan lang ang aming mabibigay ng daddy niyo sa inyo kaya kami nagsikap para matugunan namin.Nak,mahal na mahal namin ng daddy mo kayo ng kuya Clyde mo.Masaya na ako tuwing magkakasama-sama tayo"aniya na umiiyak na sa aking balikat.
Pinadaosdos ko ang aking kamay sa likod niya para patahanin.Hinahagod ko ang kaniyang likod upang siya ay patahanin na.Ako ang nang kumalas sa aming pagyayakapan.
Tiningnan ko siya sa mga mata niya.Hiniwakan ko ang kaniyang mukha sa aking palad.Ningitian ko siya.
"Mhie,Ayos lang po basta magkasama tayo ok na po ako don.Mahal na mahal ka po namin ni daddy pati ni k-kuya"sabi ko sa kanya na pinapahidan ang mga butil sa kanyang mga mata.
Alam kong nagsakripisyo ang aking magulang para maibigay nila ang aming pangangailangan araw-araw.Oo,mahirap man pero kailangan pa rin naming maging matatag.Pagsubok lamang ito at makakaahon din kami.
Tumigil na si mommy sa kakaiyak.Niyakap ko ulit siya.Siya na ang kumalas at ningitian ako ni mommy.Pinahid ni mommy ang butil ng luha sa aking mga mata.Nagtawanan kami.
"Ahhhhahaha"sabay naming tawa ni mommy.
Pinahid ko ang sarili kong luha na kahit alam kong wala naman talaga.Parang timang lang.
"Halika na baka lumamig na yung sabaw don."sabi niya na nakangiti sa akin.
Tumango na lamang ako.
Sabay kami ni mommy bumaba sa unang palapag ng bahay.Habang pababa na kami tumibok ng mabilis ang aking puso.Hindi ko maipaliwanag kung bakit.
Feeling ko ayaw ko muna magpakita kay kuya.Basta yung feeling na gusto ko lang sa kwarto na tumunganga na lang.Para ganun ba.Palapit ng palapit ay bumilis ang pintig ng aking puso.Shit makakaheart attack ata ako nito.
Nasa una na kaming palapag ng bahay.Nakita ko si daddy at kuya Clyde sa lamesa na naka-upo na.Hinintay na lang pala kaming dalawa ni mommy.Tumayo si daddy sa kaniyang kina-uupuan.
"Mabuti andito na kayo.Malapit na tong lumamig yung sabaw."sabi niya.
Ningitian lamang namin siya ni mommy.
Habang palapit na kami sa lamesa shocks ang lakas talaga ng tibok ng puso ko.Parang naririnig ko na ang beat ng puso ko.Naprapraning na ata ako.Umupo na kami ni mommy sa upuan.Magkatabi si daddy at kuya at kami naman ni mommy ay magkatabi din.Magkaharap kami ni kuya.
Hindi ko siya kayang tingnan.Yung galaw ko kapag isusubo kuna ang kubyertos ay nakaduko lamang ako.Tahimik lamang kaming kumakain.Ganito kasi palagi yung set-up namin kahit sa dati naming bahay.
Hanggang ngayon ang lakas padin ng pintig ng puso ko.Kung puwede ko lang patigilin ginawa kuna, sympre naman kung pinatigil ko na baka shuktay na ako.May pangarap pa ako ano.
"Next week nga pala ay enrollment na SINHS.Did you prepared your requirements?"sabi ni daddy sa gitna ng katahimikan.
"Yes,dad."sagot naman ni Kuya in a husky voice.
Shit bakit ganun hindi ko talaga kayang titigan siya.Relax Thiara.Kalma lang.
"How about you Thiara?"tanong ni daddy sakin na nakatitig.
Nakayuko pa din ako hindi ko talaga kayang tumitig sa kanila ng deritsuhan dahil alam ko na mahahagip din si Kuya sa mga mata ko.Sa mga kubyertos lamang ako nakatingin.Hindi ko talaga kaya.
"Y-yes d-dad."
Shit ang-ang kong sagot kay daddy na nakayuko pa din.Ano ba Thiara.Chill lang.Wag kang pahalata.
"Good.Ang mommy niyo lang ang sasama sa inyo sa school.May trabaho ako sa umaga ayaw kong malate dahil first day ko sa trabaho."aniya.
Tumango lamang ako na nakatitig pa din sa aking kubyertos.Balik naman sa tahimik yung atmosphere.Hindi ako makapagconcentrate sa pagkain dahil sa sobrang kaba, na isang mali ko lang ay mamatitigan ko talaga siya.Bakit siya natural pa ding kumilos wala lang ba yon sa kanya yung paghalik niya sakin.Para bang walang nagbago.
Aytts baka nga kapatid kiss lang yun.Naprapraning lang talaga ako.Bakit bigdeal yun sakin ha.Kapatid ko yan humahalik nga din yan nung baby pa ako pero iba talaga yung nangyari kanina.Shit ano to family stroke.Tumigil ka na sa kahibangan mo Thiara alam mo namang kapatid mo yan.No Big deal.Focus sa pagkain.Kalma lang..Just relax.Hohh..
Pagkatapos naming kumain si mommy na lang ang naghugas ng mga pinagkainan namin sabi niya na magpahinga na lang ako dahil baka pagod pa ko.Una si kuya pumunta sa taas.Tinatansya ko pa kung ilang minuto na,na nandon na siya sa kwarto niya.Bago pa ako sumunod sa kanya.
Tiningnan ko muna ang nakasaradong pintuan ng kwarto ni kuya bago ako pumasok sa aking kwarto.Hapon na pala kaya napagdesisyunan kung ayusin ang aking mga gamit.Agad kong inayos sa isang closet ang aking mga dalang damit.
Kulay rosas ang pintura ng kwarto ko at hindi masilaw sa mata.Maayos ang pagkagawa kahit kahoy lamang ito.May mini study table din a malapit sa may bintana.Kulay rosas din ang kulay ng kurtina na sinabit sa bintana.Walang sariling cr ito kaya sa baba talaga ako maliligo.Sa dati kase naming bahay ay may sarili akong cr.Malaki ang espasyo ng dati kong kwarto kaysa sa bago kong kwarto ngayon.Hindi ko na ito inalintana ang importante ay makakatulog ako ng maayos.
Pagod akong humiga sa kama.Pinatong ko ang ulo ko sa dalawa kong kamay.Pinikit ko ang mga mata ko.Iniisip ko lang talaga na wala naman yung malisya.Hindi pa din iyon nawala sa aking isipan.Naramdaman ko na lang nakaidlip na pala ako.
Ipagpatuloy
