Kabanata 5
Weird
Hindi ko alam kung bakit ganoon din ka lakas ang kabog ng aking dibdib noong sinabi niya iyon.I am not assuming pero bakit feeling ko,ako yung sinabihan niya.
Diba sa kuya ko lang ito nararamdaman?Yung pagkabog ng aking dibdib tuwing nagpapakita siya ng mga sweetness kahit simple lang.Pero bakit kanina?Hindi ko maexplain kung ano ba talaga.Para akong nahyhypnotize sa kulay-abong mga mata ni Sean.Yung para kang hinihigop palapit sa kaniya tuwing tititig siya.Ewan ko ba naguguluhan na ako.
Pagkatapos sa kaniyang confession ay agad nagbell para sa second period.Pinadissmiss kami ni Ms.Ramos at nag-iwan siya ng isang paper para daw sa assessment test.Wala pa kaming second period dahil wala pa daw ang magiging teacher namin sa Gen.Math dahil hindi pa ito nakauwi galing Thailand..Kaya dumeritso na ako sa cafeteria.Doon na lamang ako magisip-isip kase kapag sa classroom ako mas lalo akong maguguluhan sa nararamdam ko.Magkatabi kami ng upuan ni Sean kaya ako na lang muna ang iiwas.Shit anyare sakin..
Andito ako ngayon sa cafeteria hinintay si kuya Clyde.May mga iilang estudyante din ang nandito.Nakaupo ako sa isang sulok.May pandalawahang upuan lamang ito kaya dito ang napili kong spot.Umorder lang ako ng isang sandwich kase di pa naman ako gutom.Nagtipa muna ako sa cp ko para magwattpad.Nang may biglang umupo sa tabi ko.Inangat ko ang aking ulo.Akala ko si kuya na pero shit si Sean ang bumungad sa akin.
Namilog ang aking mata at bigla akong nabilaukan dahil nasa bibig ko ang sandwich.
"Ooumm...T-tu-big!!"sabi ko sa kaniya.
Kita ko sa dalawa kong mata ang pagkatataranta at pag-alala niya sa akin.Dali-dali niyang tinawag ang isang babae para pakunin ng tubig sa water despenser.
"WATER!!!!PLEASE!!!!."sigaw niya sa babae.Agad namang itong sumunod.
Nilapitan niya ako at inaalo.Hinimas-himas niya ang aking likod.Binigay agad ng babae ang tubig.Dali-dali niya itong pinainom sa akin.Hinawakan niya ang baso at giniya ako sa pag-inom.Nilagok ko kaagad ang tubig.At salamat sa Diyos ay agad na man akong nahimasmasan.
Seryuso ang kaniyang mukha na may halong pag-alala.Nakatitig pa din siya sa akin.Lumunok ako.Hindi ko alam kong bakit nakikipagtitigan din ako sa kaniya.
Mga segundo pa bago ko nilihis ang aking tingin."Are you feeling better now?"tanong niya at bumalik na sa upuan na nasa harapan ko.
"A-ah Oo"sagot ko.
Shit malapit na ako dun ah.Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng cafeteria.Pinagtitigan na pala kami ng mga estudyante dito.Nakakunot ang mukha nila at matalim kong makatitig sa banda ko.Ang iba naman ay nagbulung-bulungan.Hindi ko na lamang sila pinansin.Binalik ko ang aking paningin sa hawak kong baso.Alam kong nakatitig sa akin si Sean ngunit dahil sa takot hindi ko siya sinulyapan man lang.
"You sure?"Tanong niya ulit ni para bang hindi kumbinsado sa naging sagot ko.
Hinay-hinay kong inangat ang aking ulo sa kaniya.
"Y-Yeah o-ok n-na a-ako.T-thanks for helping m-me."I stuttering again.Fuck.
"No need to say thank you Thiara."aniya sabay ngiti sa akin.
Whaahhhhhhh...Bakit ako nabubulol?Hindi naman ako bungi para maging ganito.Shit!!Lamunin mo na ako lupa.Waahhhhhhhhh...Kakainis... Nararamdaman ko din ang ganitong feeling kapag andiyan si kuya.Bakit pati kay Sean??
Tumango na lamang siya at hindi na nagsalita pa.Kahit nakayuko ako alam kong nakatitig pa din siya sa akin.Kuya asan ka na ba?Kunin mo na ako dito?