Kabanata 6
Magkasabay kami ni Kuya Clyde patungong SINHS.Alas sais pa lang nung gumising ako para makapag-ayos na ng daily routine.Hindi na ako hinatid ni kuya sa classroom ko dahil alam ko na naman ito.Naghiwalay kami sa field at dumiretso na ako sa classroom.
Iilan pa ang mga kaklase namin nung pumasok ako.Wala pa din si Ms.Ramos.Lumakad na ako sa aking upuan at pinagtitinginan naman ako ng aking mga kaklase.Hindi ko lamang sila pinansin.Umupo agad ako sa aking upuan.Tiningnan ko ang aking katabi at wala pa si Sean.Palagi naman yung late eh hindi na nakakagulat.Sean na naman Thiara.
Binuklat ko ang aking libro sa PerDev.Nagbasa-basa muna ako para magreview sa assessment test namin ngayon.Pinilig ko ang aking ulo sa bintana at hindi ko inasahan na masulyapan ko ang field.
Nakita ko si Sean na may kasamang tatlong mga lalaki.Naglakad sila sa field na parang mga gangster.Lakas talaga ng dating niya kahit saan.Para silang F4 kung pagmasdan sa malayo.Ang mga babae naman ay nagtatampisaw na sa kilig.Deritso lamang ang kanilang hakbang.Naka complete uniform silang apat na mas lalong nagpadagdag sa dating nila.Nasa balikat ni Sean ang kaniyang nikeng bag.Kahit malayo tanaw ko dito ang earings ni Sean na kumikintab sa kaniyang kanang tenga.Ang gwapo niya talaga.
Hindi ko tinanggal ang aking paningin sa kanila.Nawala na sila sa aking paningin ng biglang may tumawag sa aking pangalan.Naamlimpungat ako.
"Hi!,Thiara right?"sabi ng kaklase ko.
Ito yung nerd na bookacholic.Malaki ang eye glass na nakalagay sa kaniyang mata.Nakabuhag-buhag ang kaniyang makulot na buhok at halos wala ng space ang kaniyang mukha dahil sa tigyawat.
Pinalandasan ko siya mula ulo hanggang paa bago ako nag-salita.
"Yeah,Im Thiara."ani ko nakangiti sa kaniya.
"And you are?"tanong ko sa kaniya na hinihintay ang magiging sagot niya.
"By the way Im Rosyana."aniya sa malambot na boses.
Tipid niya akong ningitian.Tumango na lamang ako.
"Can I seat beside you?If it is okay to you?"permiso niya sa akin na para bang nahihiya.
"Oh sure.Okay lang."
Sabi ko sa kaniya na nilahad ang aking kamay sa upuan ni Sean para doon na lamang siya.
"Thanks."
At umupo na nga si Rosyana.
Tumango na lamang ako bilang tugon.Maganda naman siya.Natatabunan lang kaso ang beauty niya kaya hindi ito nakikita.Kulang lang sa pagbeau-beauty care sa mukha niya.Kung titigan mo talaga siya sa malapitan maganda naman siya.At isa pa may pagka sky blue ang kaniyang mga mata kahit natatabunan ito sa kaniyang eye glass.
Makinis din ang kaniyang balat at mapusyaw ang kaniyang kaputian.
At makikita mo na the way she's speak ay mahiyain talaga siya."Gusto ko lang sana makipagkaibigan sayo."malambot niya sabi na siyang paglingon ko sa kaniya.
"Wala kaseng nakikipagfriend sa akin dahil isa lang akong nerd.Kaya naging loner na ako.Ayw kasi nila sa akin,kase masama daw akong tao."Kuwento niya sa akin at nakinig lamang ako.
Nagpatuloy lamang siya sa kaniyang sinabi.
"Ang gusto ko lang naman ay makaramdam ng taong may tiwala sa akin at yung tipong tunay ang turing sa akin bilang kaibigan."
Lumingon siya sa akin at ngumiti.Ningitian ko din siya.Kita ko sa kaniyang mga nakatagong mata ang pagtulo ng kaniyang luha na siyang nakaramdam ako ng awa para kay Rosyana.
"Pasensya kana kong naiyak ako ganito lang kasi ako kapag nagoopen-up."
Tinanggal niya ang kaniyang eye glass at pinahiran niya ang kaniyang luha.
