Bawal ang dulong part ng UD sa bata. LOL! Magbasa ng mabuti.
"Ummm...Tita faye--"tawag ni yesha habang lumalapit dito.
"Sinasabi ko na nga ba eh!! Nandirito ang mga sutil na batang yan" agad na pinutol ng mama ni yen ang sasabihin ni yesha.
Nakatingin lang ito ng masama sa buong barkada.
"Uhhh..tita, sa loob na lang po natin to pag-usapan." sabi ni yesha.
"Gusto kong maka-usap ang mga batang yan!!" sigaw ng mama ni yen.
"sige po tita. Pero mas maigi po kung bibigyan po muna natin sila ng oras para ayusin ang mga sarili nila." pormal na sabi ni yesha sa nakaktanda. Hindi niya maiwasan ang hindi maging pormal kapag ganitong mga kilalang tao na ang mga kaharap niya. Lalo na't mas nakakatanda ito sakanya at isa itong nag-aalalang magulang.
Tinuwid niya ang laylayan ng nalukot niyang damit at saka tumingin ng seryoso sa barkada.
"Mag-uusap tayo." madiin niyang sabi sa mga ito.
"Mamseeey!!!!--" Pagdadramang tawag ni Yen sa kanyang ina.
"Wag mo kong ma-mamsey mamsey, Fenfen!!!!" sabi nito sa anak.
Napayuko na lang si yen sa sinabi ng kanyang ina.
"Alam kong ikaw na naman ang puno't dulo nito" dagdag niya. "Hala't ayusin niyo ang mga sarili niyo, magtutuos tayo!" sabi nito at saka pumasok sa loob ng bahay.
"Magpapadala ako ng mga damit sa maid. Harapin niyo ng maayos si tita." sabi ni yesha at saka pumasok sa loob.
"Wag ko daw ma-mamsey mamsey pero tinawag akong fenfen. Labo -____-+++" sabi ni Yen.
"Patay na tayo nito! >/////<" sabi ni fiibs.
"Ilang ulit na nila tayong pinarusahan, di pa din naman tayo nagdadala. Di ka pa nasanay diyan." Sabi ni Gaile.
"Hihi! Sabagay^^" sabi ni fiibs.
"Kami na naman ang mananagot nito." sabi ni third.
"Kaya nga. >////<"Malokong sabi ni Yen.
-____-+++---- itsura ng mga boys.
"Ma'am isavelle ito na po yung pinakuha ni ma'am na mga damit." sabi nung isang maid.
Tatlong maid ang may dala dala na patong patong na damit.
"Ah. Sige, ipahawak niyo na lang diyan sa mga katabi niyo." sabi ni sab sa tatlong maid.
Ibinigay ng mga maid ang mga damit kay Justin, Julian at Troy.
"Makakaalis na po kami." sabi nung maid at saka umalis.
Kinuha na nila ang mga bagong damit at inayos ang mga sarili. Mahahalatang bagong ligo ang mga ito dahil sa mga basa nilang buhok.
Pagkatapos ay hinarap na nila ang taong magpapataw ng parusa sakanila.
Makikita itong magkasalubong ang dalawang kilay na nag-aabang sakanila sa living room.
"Ma, hindi bagay ~__~+++" sabi ni Yen sa ina patungkol sa itsura nito.
"Heh! Manahimik ka diyan bata ka. Puro ka na lang kalokohan!" sabi nito sa anak.
Napa roll eyes na lang si yen at saka umismid sa sinabi ng ina.
"Kanino pa ba ko magmamana." Bulong nito sa sarili.
"Naku kayong mga bata kayo!! Halos atakihin na si luis kanina sa puso!!! Anong naisipan niyo at sinabi niyong nasusunog ang school kanina--" pinutol ni yen ang sasabihin ng ina.
BINABASA MO ANG
Can Friendship Turn To Romance? (CFTR Ongoing Series)
Teen FictionIs Friendship more important than Love? Or will Love wins over Friendship? A Story when friendship blooms into romance. Kwentong barkadahan (Revised Edition). Ang luma at gasgas na storyang tumatak sa isip ng bawat tao. Sabay sabay nating buklatin k...