Napatulala na lang si Aldrin at bigla na lang pumasok sa isipan niya ang buong pangyayari tungkol sa nararamdaman niya kay Nancy at wala siyang ibang paraan upang kalimutan na lang si Nancy at....
*prrrrrtttttttt*
At bigla na lang nawala ang kanyang pagkatulala...
"Okay lang ba Aldrin?", tanong ni Dannica habang hawak ang pito.
"Oo okay lang naman ako, sakit sa tenga", sagot naman ni Aldrin.
"Parang hindi ehh", sabi ni Dannica.
"Ayos nga lang kulit", naiinis na sagot ni Aldrin.
After a few seconds, naisipan nilang mag truth or dare. Nauna si Darren at pinili niya ay truth, ang tanong sa kanya ng grupo ay ano ang kaniyang happy moment at nag kwento na siya....
"Ano, ang masayang moment ko ay yung makasama ko yung crush ko sa araw araw na halos pinapatay na ko dahil sa tuwa at kilig sa tuwing magkasama kami then one time, I confessed my feelings sa kanya, at di nag work so she rejects me. Hindi naging masakit saken yun dahil madali lang sakin ang mag accept ng truth at maka move on", kwento ni Darren.
Nang natapos na siyang magkwento, next is Marian at truth din ang kanyang pinili, napag isipan ng grupo ay kung meron na siyang nagiging mas close sa kanilang grupo....
"Naging ka close ko lang dito sa grupo except kay Jasmine ay si Aldrin and it was the time after he confessed his feelings for Jasmine", kwento ni Marian.
Nagsituwaan ang grupo na iba sa kanila ay bigla na lang kinilig at maya maya, si Julyan naman ang sunod pero ang pinili niya ay truth din. Ang tinanong ng grupo sa kanya ay kung naranasan niya na bang ma bully simula dati hanggang sa kasulukuyan...
"Meron akong isang bagay na naranasan sa pambu bully hanggang sa kasulukuyan at yun ay ang walang hanggang pang aaway at pang aasar saken nang isa kong classmate na ang pangalan ay Blue. Isa siyang lalake na sobrang angas at walang sinumang nakakapalag sa kanya, kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin siya kaya sa kaangasan niya kasama na doon ang kanyang dalawang kasama", kwento ni Julyan.
"Ano ba yan par? Hindi man lang ako kinilabutan, sa tingin ko kaya ko siya ah?", paangas na sabi ni Michael kay Julyan.
"Iba siya sa iba par, halos lahat nga sa school namin takot sa kanya", sabi naman ni Julyan.
"Parang gusto kong subukan ah? Tara papalagan namin yun para sayo par", medyo galit na sabi ni Michael sabay tayo.
"Oh tama na yan par nagagalit ka na", sabi ni Darren kay Michael habang inaawat niya ito.
At umupo na sila, then after a few minutes ay sumunod naman si Aldrin, pinili niya ay Dare, ang napag isipan ng grupo na ipagawa sa kaniya ay kundi sabihin niya ang lahat ng gusto nyang sabihin kay Jasmine.
Bigla siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at tumabi kay Jasmine...
"Alam mo ba, sa tinagal ng panahon, hindi ko pa rin magawang sumuko. Sa lahat ng bagay lalo na sa nararamdaman ko para sayo, alam kong hindi mo na ako matatanggap pero ako, naniniwala naman ako na balang araw, mamahalin mo rin ako", kwento ni Aldrin kay Jasmine.
Nagulat ang grupo sa lakas ng loob na meron siya at nagpalakpakan sila, after a few minutes at natapos na sila sa kanilang laro.
The next day, sa bahay ni Aldrin habang nagkekwentuhan sila ni Marian. Napaisip si Aldrin na kung ikwento niya ang kanyang nararamdaman para kay Nancy at bigla siyang nanahimik...
"Ayos ka lang ba Aldrin?", tanong ni Marian.
"Oo naman, may iniisip lang", sagot ni Aldrin.
"Parang kwento na naman yan ah?", tanong ni Marian.
"Ge na sabihin mo na yang iniisip mo", dagdag ni Marian.
"May tanong muna ako sayo", sabi ni Aldrin.
"Oh sige ano yun?", tanong ni Marian.
"Masama bang magkagusto sa isang babae na may boyfriend na?", tanong ni Aldrin.
"Bakit? Na in-love ka ba dun?", tanong ni Marian.
"Hindi, yung kaibigan ko kase may nagustuhang babae na may boyfriend na", kwento ni Aldrin.
"Depende sa mararamdaman ng babaeng may boyfriend na, bakit?", tanong ni Marian.
"Nagpapatulong kase saken, hindi ko alam kung paano, sensya na", sagot ni Aldrin.
"Ayos lang, walang problema", sabi naman ni Marian.
"Basta pag may kailangan ka lang, tutulungan naman kita ehh ikaw pa ba?", dagdag ni Marian.
"Salamat but same as with you, magtulungan tayong dalawa", sabi naman ni Aldrin.
"Okay salamat din, sige na mauna na ako", sabi ni Marian at tumayo na para umalis.
"Sige bye", patuwang sabi ni Aldrin.
Then after a few minutes, na realized na lang ni Aldrin na mukhang malabong magkagusto sa kanya si Nancy at naisipan niya na layuan na lang ito at iwasan para sa ganung sitwasyon ay makalimutan niya na ang kanyang nararamdaman para kay Nancy.
At makalipas ng ilang araw, palagi ng magkasama si Aldrin at Marian ng walang kaalam alam ang grupo, madalas nilang pagtambayang dalawa ang swing sa playground at palagi na rin silang magkatawagan.
One time, napadaan si Rose sa playground at nakita niya sila Aldrin at Marian na magkausap at nilapitan niya ang dalawa habang nagtatawanan....
"Yiieeee magkasama yung dalawa", asar ni Rose sa dalawa.
"Parang sira, nagkekwentuhan lang naman kami", sabi ni Marian.
"Di man lang kami na inform?", tanong ni Rose.
"Wala lang to hahah kaya ayun", sagot ni Aldrin.
After a few minutes....
"May sagot na kayo sa issue guysue?", tanong ni Rose.
"Wala pa, hayaan mo na lang yun par", sagot ni Aldrin.
"Kaya nga, wala naman tayong magagawa sa kanila", sagot ni Marian.
"Sige mauna na ako, babuushh!", dagdag ni Marian.
"Sabay na kami ni kyah Aldrin", pasigaw ni Rose.
At umuwi na ang tatlo sa kanilang pamamahay.
Makalipas ng ilang linggo, the relationship of Aldrin and Marian as a friend is going bigger and deeper hanggang dumaan sa point na nahulog na si Aldrin kay Marian.
YOU ARE READING
Invalid Reasons (A Love Confession)
RomanceThis story made of sweet lies and untruthful meaning...