I

16 0 0
                                    

————

presko pa sa bagong hiwa na karne,
sariwa pa sa bagong pitas na mani,
mga tanong na sa akin ay iyong iminungkahi,
mga tanong na bumubuo sa araw ko't gabi.

“maaari ba kitang ligawan, binibini”

kay sarap sa pandinig,
tila'y isang himig,
ang iyong unang tanong sa 'kin,
tanong na nais akong maangkin.

“kumain kana ba?”
“saan ka pupunta? mag iingat ka”
“maayos lang ba ang iyong pakiramdam?”

mga tanong na pumagitna sa ating relasyon,
mga lirikong nagbibigay sa puso ng tensyon,
dama ko na sa 'kin nakatuon ang iyong atensyon,
tonong puno ng pag-aalala,
ngunit huwag mabahala,
sekreto kong hinihiling na sana'y ikaw na nga.

“maaari mo ba akong pakasalan?”

isang tanong na kailan ma'y 'di ko makakalimutan,
tanong na nagbigay sa'kin ng labis na kasiyahan,
sa harap ng altar, tayo ay nagsumpaan,
pag-iibigang 'di mapapantayan.

“happy 68th anniversary, mahal”

ngunit dumating ang araw na 'di ko akalaing dadaan,
sa lahat ng iyong tanong, ito ang labis na ako'y nasaktan,
tila isang saksak sa puso't isipan.

dulot ng iyong sakit,
pinatikim ako ng kapeng walang kasing pait,
dahil ba'y edad ay tumatanda?
kaya mo sa akin natanong ang mga salitang...

“Sino ka?” 
mahal, hindi ko 'to kaya.

————

thank you for reading, angels! 💛

TULA NG PINOY (Random)Where stories live. Discover now