hey, angels! just wanted to share na sa lahat ng nagawa kong tula o stories, eto ang pinakapaborito ko. I hope you'll like it too!
----
KAPANSANAN
Patak ng luha
Bumuhos man ang ulan,
Mga luha man ay maging dahilan ng bagyo,
Hikbi man ay hindi mapigilan,
Mga likidong tumutulo mula sa mga matang di makakita ng kahit isang bulto.Walang liwanag ang sumilip,
Kahit hangin man ay malakas umihip,
Dilim, sa itim lang nakatingin,
Liwanag ay ang hirap hanapin,
At ang nasa itaas ay nagawang kwestyonin,
Panginoon, bakit pa sa ganitong sitwasyon?Nangangapa sa ilalim ng dilaw,
Ramdam ang init sa balat ay umaapaw,
Hindi naranasan ang masilaw,
Uhaw,
Uhaw sa kulay ng mundo at sinag ng araw.Huni ng musika
Tunog ng kampana ay umalingaw-ngaw,
Sa puno'y may mga ibong kumakanta,
Naubos ang tinig dahil sa sigaw,
Nota ng alon ay hindi pumapalya,"Sana'y marinig ko iyan."
Hiling ng isang nilalang,
Na ang makarinig ay hindi pinagbigyan,
Kahit isang musika man lang,
Na parang bang pinagkaitan,
Bakit sa pandinig pa kinulang?Nakikita ang saya,
Naririnig ay wala,
Nakikita ang ngiti,
Naririnig ay pighati,
Nakikita ang liwanag,
Nota ng musika, kelan ba maririnig ang pagtawag?Tsinelas na binalot ng pinta
Kumikintab na animoy alitaptap,
Walang nagawa't nakatingala lamang sa ulap,
Bawat hakbang, sa taenga kay sarap,
Ang lumingon sa likuran ay dama ang hirap.Hakbang- hakbang pa.
Lakad- lakad pa.
Paano nga ba humakbang kung wala namang paa?
Lalakad kung wala namang paa, paano nga ba?Sapatos na sobrang ganda,
Ang sarap sa mga mata, ngunit sa paa'y di madama.
Kay sarap subukan, ngunit hindi alam kung saan, saan - magkakasya.Tsinelas ay aanhin?
Sapatos, medyas, bat pa bibilhin?
Iba't ibang kulay, sobrang mamahalin.
Ngunit ang bumili, di na susubukin.Tono ng bawat letra
A. Ba. Ka.
Bakit nga ba naiiba,
Da. Ga. Ha. La.
Madali lang, ang madalas na akala,
Ma. Na. Pa. Ra.
Saulo ang bawat liriko,
Sa. Ta. Wa. Ya.
Ang maawit ito'y makapagpapasaya,Ngunit hindi,
Hindi alam kung saan nakakubli,
Mga lirikong saulong- sa ulo,
Ngunit ang boses ay nakatago.Bakit pa sinulat ang isang musika,
sarap pakinggang ang bawat dikta,
Memoryado nga ang bawat letra,
Ngunit bibig ay hindi man lang maibuka.Hindi, wala at mali.
Hindi, hindi perpekto.
Dahil wala, walang perpekto sa mundo.
At hindi mali, maling kinulang ng piraso.Oo, bulag ka nga.
Oo, bingi ka.
pilay? Oo, ikaw.
At Oo, pipi ka.Ngunit ang mahalaga ay buhay ka.
Hindi importante ang halakhak ng buto ng milyon-milyon.
Dahil ang mahalaga ay ang pagmamahal na mula sa ating panginoon.Hindi importante ang kutya ng iba.
Ang mahalaga ay kung ano at kung sino ka.Tandaan mo.
Hangga't buo ang iyong puso.
Hindi makakabawas ang kutya ng iba sa pagkatao mo.
Kahit pa na kulang ka ng piraso.----
thank you for reading, angels!
YOU ARE READING
TULA NG PINOY (Random)
RandomAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang uri ng tula at maiikling kwento na hango sa realidad. Some of poems and short stories have been posted on my facebook account which is secreeet. Kung sakali ay pamilyar na sa inyo ang iba sa aking mga akd...