Chapter 6-Friends

16 2 3
                                    

LEWIS' POV

"Pre, may balita na ba kayo kung nasan sya?" Tanung ko sa barkada. Tambay kami ngayun dito kina Cupid. Halos 1 buwan na akong walang balita sa kanya. Kahit si Alessandra walang alam kung nasan sya. Pati Mama nya di rin alam.
"Wala pa din pre e."
"Pre maghanap kana lang ng iba dyan. Madami pa naman. Malay mo hanggang dito na lang talaga kayo"
"Hindi Sean. Hindi ko sya kayang isuko kasi hindi ko pa naman sya naipaglalaban. Kung hanggang dito na lang kami hahanap ako ng paraan para maging posible pa ang saming dalwa" Natahimik naman ang buong tropa sa sinabi ko.

Hindi ko pa kayang isuko sya kasi alam ko sa sarili ko na wala pa kong nagagawa para sa kanya.

"Mga pre uwi na ko. Hahanapin ko pa sya." Paalam ko sa kanila. Dumiretso ako sa shop ni Bree. Nagbabakasakaling baka bumalik na sya. Gagawin ko lahat bumalik lang sya sakin. Hindi ako magsasawa. 

*kring kring*

Alessandra calling...

"Hello?"
"Nasa bahay nya sya ngayun kung gusto mo pang maayos."
"Salamat! :)" Minsan talaga nagtataka ako kay Sandi kung bakit pinagbibigyan nya ako sa kabila ng ginawa ko sa bestfriend nya. Minsan tuloy naiisip ko baka naiinlove na sakin si Sandi. Hahahaha. Joke lang. Nagbihis na ko ng pang gwapo para lalo akong pumogi sa paningin nya ^___^

KATNISS' POV

*tok tok tok*

Kadadating ko lang dito sa bahay. Bukod kasi sa bahay namin nila Mama may sarili pa akong bahay. Wala naman akong ineexpect na bisita a.

Pagbukas ko ng pinto. Nagulat ako. Sasarhan ko na sana sya ulit kaso naisip ko yung sinabi ko sa Palawan tsaka si Alfredo.
"Oh Lewis, bakit ka nandito?" Mukhang nagulat sya sa nireact ko towards sa kanya.
"Ah. Eh. Ano kasi. Kasii."

"Hahaha. Anu kaba naman Lewis. Bat di ka makapagsalita? Pasok ka pala muna."

"Bree kasi ano. Gusto ko sanang magusap tayo ng maayos. Para magkalinawan na din."

"Anu ba. Ayos na yun. Tapos na e. Basta wag mo na lang gagawin ulit yun ha? :)"

"Ha? Sigurado ka? Ieexplain ko sayo ng buong buo. Walang labis walang kulang."

"Mukhang di ka makakatulog pag di mo nasabi a. Sige na nga. Sabihin mo na."

"Kaya ko lang naman nagawa yun kasi nakikipaghiwalay na sya sakin noon. E sa sobrang pagmamahal ko sa kanya lahat gagawin ko wag lang nya akong iwan. Kaya naisip nya yung paibigin ka sakin tas iwanan ka paghulog na hulog kana. Inggit na inggit kasi sya sayo. Nasayo na kasi ang lahat. Yung parang Admirer mo sya pero hindi nya matanggap na inaadmire ka nya. Hanggang sa umabot na sa point na nahuhulog na din ako sayo. Ikaw kasi yung tipo ng taong hindi mahirap mahalin. Nagsisisi na din ako na nadamay ka sa katangahan ko noon. Kaya ako na mismo ang nakipaghiwalay sa kanya nung gabing narinig mo kami pero ayaw nyang makipaghiwalay sa akin noon."

Ah. Ganon pala. Bwisit talaga yan si Clary. Wala ng magandang naidulot e.

"Now I understand. Ayos na :) Pasensya na kung pinatagal pa natin ng ganito ha. Osya. Friends ulet? :)"

"Friends! :D"

Only Hope (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon