VICE POV
Ikalimang araw na pala sampung araw nalang makikipagkita na ako uli kay Jackie. Miss na miss ko na din siya.
Pero ngayon ano na naman gagawin ko?
Ah okay bibilhan ko nalang siya ng necklace.
Kaya pumunta ako sa mall at naghanap ng jewelry shop. Naghahanap ako anong magandang kwentas.
At may nakita ako doon kwentas na may pendant na ' J&J'. Agad akong napangiti. Nang maisip ko na parehas pala kaming J ang simula ng pangalan
" Jackie&Jose" bulong ko sa sarili.
Agad ko iyong binili. At sinamahan ko na din ng red roses bumili ako ng limang piraso.
Matapos ay agad na bumyahe pauwi.
Nang madaanan ko ang Pedapu nandun na naman ang lalaki.Akmang hihinto sana ako.
" Pareeee hinihintay ka ni Conmander may lakad daw kayo" saad ni Greg sakin na sakay sakay ng isang motorsiklo.
Napatango nalang ako at mas piniling wag nalang huminto. Bago ako umalis muli kong nilingon ang lalaki sa dalampasigan. At agad ng nagpaharurut.
Nang maiparada ko ang motorsiklo ko agad akong pumunta sa Commander ko.
Nang di ko namamalayan dala dala ko pala ang dapat na ireregalo ko.
Nakalimutan ko yung ibigay." Sgt Viceral! Magbihis may pupuntahan tayo " ani ni Commander.
Agad akong napatayo ng tuwid sabay salute.
" Sir yes sir" agad na sagot ko.
Matapos yun ay agad akong pumasok sa quarters ko. Tinago ko muna yung dapat na ireregalo ko. Mamaya nalang gabi ko ibibigay.
Nagbihis ako ng full uniform. Ilang minuto ay sabay na kaming bumaba ni Commander.
Papunta pala kami ng 76IB Battalion Bravo Company. Alam ko isang meeting na naman to.
At dumaan nga kami sa Pedapu. Tila ba di ko napansing humina yung takbo ko.
Nandun pa din yung lalaki. Nakatayo at nakaharap sa dagat." Sgt Viceral we're in hurry anong problema?"
" Sgt Viceral "
Bigla akong nagising ng marinig ko na ang lakas ng boses ni Commander.
" Wa... Wala sir " agad na sagot ko.
" Then let's go " madiin na sambit ni Commander.
Agad ko naman siyang sinunud agad akong nagpaharurut ng takbo.
At matapos ang dalawang oras na byahe ay narating na din namin ang 76IB battalion.
Naiwan ako sa labas dahil puro mga General lang ang pwedeng pumasok sa meeting room.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Alas 8 na ng gabi natapos ang meeting nila. Parang sobrang seryoso naman ata ng meeting nila.Nang matanaw ko na si Commander.
Agad akong tumayo at nabigay saludo.
"Dadating next week ang mga taga tourism kasama ng mga Candidate ng Miss Earth 2021 at pupuntahan nila ang lahat ng mga tanawin dito sa Pilipinas.. That's why we need to be alert there's might be a possible that terrorist will use this event for their good" pagpapaliwanag ni Commander.
" sir yes sir " sagot ko sabay baba ng kamay ko sabay sampa sa motorsiklo ko at pinaandar ito para makauwi na.
" and i forgot kasama sa pupunta din nila ang Pedapu " dagdag ni Commander na siya naman kinamangha ko. Agad na napangiti ako. Ang gara na ng Pedapu magsisimula na uling dayuhin siya.
Napatango nalang ako bilang sagot ko kay Commander.
Habang pauwi di pa din mawala sa isip ko ang lalaking nakikita ko sa Pedapu dalawang araw na.
Nang madaanan namin di ko parin mapigilang mapalingon dito. Wala na akong nakita. Pero tila ba may isang anino sa may Cottage. Binalewala ko nalang yun baka ilusyon ko lang yun.
Ilang minuto ay narating na namin ang kampo namin. Ipinarada ang motorsiklo at sumunod sa Commander namin.
Sinabi niya ang tungkol sa meaning sa ibang kasamahan namin. Ang iba nagtatawanan dahil daw makakakita na silang Miss Earth Candidates.
Ilang minuto ay nagdismissed na agad akong pumasok sa quarters ko at nagbihis.
Napansin ko ang box ng kwentas at ang mga rosas. Dala ang ngiti sa labi ko binitbit ko iyon pababa.
Di pa man akong tuluyang nakababa ay nagtaka ako nakasakay si Jackie sa motorsiklo niya at umalis.
Kaya agad akong nagtaka tiningnan ko ang orasan ko 11:30 na pala.
" Saan pupunta si Jackie sa disoras ng gabi?" Bulong ko sa sarili.
Nagdadalawang isip ako kung susundan ko ba siya o hindi. Pero nangibabaw sakin ang ideyang sundan siya. Baka kung mapano gabi na.
Kaya patakbo akong bumalik sa quarters ko at kinuha ang susi ng motorsiklo ko. At agad na bumaba habang dala dala ko ang dapat na ireregalo ko.
Tinanggalan ko ng coat ang motor ko sabay tapon sa kabilang dako.
Agad akong nagpaandar at sinundan si Jackie.At hindi nga ako nagkamali. Nandun nga si Jackie. Nakita ko sa malayo na pinaparada ang motorsiklo niya.
Nang makababa siya agad akong sumunod at pinarada na din ang motorsiklo na medyo malayu sa pedapu. Pinili kong maglakad.
Pero nagtataka ako may kausap si Jackie. Yung lalaki, yung lalaking nakikita ko.
Nagtago ako sa may malaking puno na pinaparadahan ni Jackie sa motorsiklo niya.
Ilang oras silang naguusap. Nang biglang
.
.
.
.
.
.
.
.
Yakapin ni Jackie ang lalaki. Ang tagal ng yakap ni Jackie sa lalaki.Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko. Kung magiging masaya ba ako o magagalit.
Pero sino ba naman ako? Di ko naman siya Jowa.Pero putcha ang sakit. Napasuntok ako ilang beses sa puno na pinagtataguan ko.
Nang di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. At nagising na pinupunasan ang luha ko.
Di ko kaya. Subrang sakit. Para akong dinurog. May saysay pa ba ang ginagawa ko? Dapat ba itigil ko na ito?
Bago ko pa sobrang masaktan ang sarili ko mas pinili ko nalang umalis. Naglakad papunta sa motorsiklo ko.
Subrang bigat ng nararamdaman ko. Gustong gusto kong sumigaw.
Gusto kong manuntok.Bakit ? Bakit sakin lahat ng sakit?
Wala ba akong karapatang sumaya?Agad akong sumampa sa motorsiklo ko at agad na nagpaharurut ng takbo. Yung tila lumilipad na ako.
Tila tulala akong pinaparada ang motorsiklo ko at agad na pumunta sa quarters ko.
At dun di ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko.
Pinagsusuntok ko ang punching bag sa kwarto ko.
" tama na Lord... Tamaaaaaaa naaaa!!!"
Nagsisigaw ako. Bumalik lahat ng sakit ng naramdaman ko. Bumalik yung sugat, yung hapdi.
" Jackiieeeeeeee anong meron siya na wala ako?!!!!!"
Nang mapagod ako napaupo nalang ako sa sulok na sinasapo ang ulo ko habang patuloy ang pagpatak ng aking luha.