OPLAN LIGAW DAY 6

76 8 0
                                    

VICE POV

Heto parin ako sa kwarto ko parang ayaw kong lumabas pano buong gabi ata akong umiiyak. Wala eh subrang baba talaga ng luha ko. Ako kasi yung taong iiyak ko ng iiyak hanggang sa mawala yung sakit.

Tiningnan ko ang phone ko ng mapansin kong may text si Jackie.

from Jackie

- Vice bumalik na siya.. Bumalik na si Dapu samahan mo ako bukas ha?Birthday niya punta ka ha?:)

Grabe nanadya ba to si Jackie sinabihan ko na naman siya about sa nararamdaman ko sa kanya tapos itetext pa niya ako?

Di ko nalang pinansin yun, agad na nalang uli binaba yung phone ko.

"Pareee tanghali na uy gising na" katok ni Greg sa pintuan ng quarters ko. Di ko siya pinansin hanggang sa ang lakas na parang nakakabulabog na yung pagkatok niya sakin kaya lumabas nalang ako.

"bakit ba?" iritableng sambit ko.

Agad nandilat ang mata niya ng makita niya ako.

"pare anyare sa mata mo?" pagtatanong niya na akma pang hahawakan ang mata ko na siya naming agad kong pinigilan.

" wala to pare" agad na sagot ko

" umiyak ka noh?alam ko yang mga matang yan pare umiyak ka, umiyak ka" pangaasar niya o talagang makulit lang talaga siya.

" shhh oo na umiyak ako " sagot ko sa mahinang boses.

"wala bakla pala umiiyak" pang-aasar niya.

Medyo nainis ako dun ah, lahat ba ng lalaking umiiyak bakla na? di ba pwedeng nasaktan lang?

"Pare kahit kailan hindi naging kabawasan sa pagkalalaki ang pagiyak pare pareho tayong may puso so we are all capable to feel the hurt and cry to ease the pain" may diin kong sagot saka pumasok ulit sa quarters ko.

Bakit ganon parang subrang sakit naman ata ng nararamdaman ko ngayon parang gusto ko araw araw umiyak.

Humiga ako, biglang natuon ang atensiyon ko sa salamin sa may gilid.

Agad ko itong kinuha.

Hinarap sa muka ko,

" Anong kulang sayo. bakit walang taong kaya kang mahalin? Bakit parati ka nalang nasasaktan?"

Matapos yung muli ay tumulo na uli yung luha ko. Ayoko na. Ang sakit na. Ang hirap ng umiyak. Tama na tong araw na to.

Maya maya nagtaka ako may babaeng sumisigaw. Di ko yun pinansin hinayaan ko lang

Hanggang sa napansin kong lumalapit ang boses niya. At pamilyar sakin ang boses.

"Jackieee?" bulong ko sa sarili ng marinig ko na kinakausap ni Greg si Jackie.

"Nandito po ba si Vice?Gusto ko siyang kausapin eh" sambit ni Jackie agad naman akong lumabas ng quarters ko.

Pautal utal pang sumagot si Greg kaya sinesenyasan ko siya at medyo lumapit ako sa kanya na hindi naman ako nakikita ni Jackie.

"Sabihin mo wala dito" bulong ko kay Greg

"Ah.. si Vice? wala wala ...wala dito umalis" sagot ni Greg kay Jackie.

"Eh nasa baba yung motor niya eh San po siya pumunta?" pagtatanong ni Jackie.

"Sabihin mo may lakad iniwan ang motor may oplan oplan ligaw" pagbulong ko kay Greg.

Agad naman napakamot sa ulo si Greg habang sumasagot kay Jackie.

" Ah..uhmmm yung motor kasi iniwan niya.. may oplan siya.. oplan.oplan ligaw ata yun basta"

"ligaw po?" tila pa nagtaka si Jackie

"oo ligaw.. ligaw" agad na sagot ni Greg.

Buti nalang at napaniwala ni Greg si Jackie kahit pautal utal tong sumasagot.

Nang mapansin kong wala na si Jackie agad kong binulyawan si Greg.

"Pare naman bat mo sinabi yun?" agad na sambit ko sabay kamot ng ulo ko.

"Sabi mo eh ligaw.. oplan ligaw" agad na sagot niya.

Napatitig ako sa kanya na di ko alam kong matatawa o magagalit ba ako.

"Pare sabi ko Oplan ligaw' hindi li'gaw yung ililigaw.. naliligaw.. yun yun" pagpapaliwanag ko sa kanya pero sadya atang ang mabagal na nagprocess yung utak neto ni Greg iniisip pa din niya ang sinasabi ko.

"bahala ka na nga dyan" saad ko sabay hakbang palayu sa kanya.

"Pare si Jackie noh?" agad na saad niya na siyang rason bakit ako napahinto at lumingon sa kanya.

"anong si Jackie?" pagtatanong ko sa kanya.

"Si Jackie yung iniyakan mo noh? bakit mo iniiwasan?" saad niya na.

Agad naman akong napaupo sa may kahoy na upuan malapit sakin. Kinakain na naman ako ng emosyon ko.

Tumango ako sa kanya bilang sagot ko sa kanya habang siya dahan dahan niya naman akong nilalapitan.

"Wala pare eh nainlove ako kahit alam ko noon pa na masasaktan ako tinuloy ko pa rin" saad ko na pinipigilan ang aking luha na tumulo.

"Alam ko naman na may hinihintay siya. Hindi niya ako kayang mahalin kasi mas matimbang yung taong hinihintay niya.. and ito na nga bumalik na siya.. Sino ba ako para pigilan si Jackie sa kasiyahan niya.. tagal niyang hinintay yung lalaking yun eh" dagdag ko ng napansin kong tumutulo na pala yung luha ko.

Hinawakan ni Greg ang likod ko tinatapik tapik.

"Ah hirap niyan pare... hindi mo matitibag yang pagmamahal ni Jackie lalo na sabi mo matagal niyang hinintay yung tao baka sign na yun na tigilan mo na siya kalimutan, magmove on.." saad sakin ni Greg.

"Minsan kasi pinagtatagpo lang tayo sa taong sasaktan lang tayo.. para magbigay ng lesson baka yung lesson sayo neto eh wag magisip na parang meron dahil wala naman talaga" dagdag niya.

Pero bakit sabi niya mutual feelings kami, parehas kami ng nararamdaman? Mas mahal ba talaga niya si Dapu niya kesa sakin? Iniwan na siya ng tao eh.

"Tatapusin ko na to pwedeng pafavor?" agad na tanong ko kay Greg.

"ano yun pare?" sagot niya sakin.

" Pwede bang ibili mo si Jackie ng bouquet ng Pink Roses and Cake ?" saad ko sa kanya.

"pero pare sasaktan mo lang sarili mo kung ipagpapatuloy mo yung panliligaw mo"

" Hindi ito na yung huli, ito na tatapusin ko na, magpapalaya na ako" saad ko sa mahinahong boses.

"O sige payag na ako "

"Pwede din bang ikaw na din magbigay nung cake at flowers pare?"

Tumango siya bilang sagot niya.

Tinapik ko sa balikat nya si Greg.

" Salamat pare ha" saad ko.

Maya maya agad ng nagbihis si Greg at binigay ko ang susi ng motorsiklo ko para magamit niya binigyan ko na din ng perang ipangbibili.

"Ito nga pala yung letter para sa cake ha"

"CONGRATULATIONS PETI AND DAPU HAPPY BIRTHDAY DAPU"

Tumango lang si Greg at agad na naglakad palayu. Matapos yun ay agad uli akong napaupo. Di ko alam pero ang lakas ng tama ko kay Jackie. Pero kailangan ko siyang palayain kahit masakit. Mahal ko siya pero paano naman yung pagmamahal ko kong di niya naman ako mahal, iba naman ang mahal niya.

You're still the ONE ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon