CHAPTER VXIII

87 5 0
                                    

FLASHBACK

Peti paano kung pagbalik ko wala ka dito?

Hindi mangyayari yun dapu kasi nandito lang ako hindi ako aalis sa lugar nato hanggat hindi ka bumabalik

Isang yakap nga para may baon ako pagalis

Sus yakap lang pala eh.. oh yakap na yakap mo na ako Dapu

I want to lay down by the fire with youwhere souls are glowing ever warmer too

anong ginagawa mo?

kinakantahan ka,para maalala ko ako parati sa kantang to. your love surrounds me like a lullaby

Singing softly , you are mine oh mine

para ka namang di na babalik sa tono ng boses mo Dapu eh

Shhhh Moon has never gloomed this color hearts have never been this close I have never been more certain I will love you till were old maybe the night holds a little hope for us maybe we might want to settle down just be near stay together here

uuuy bat ka umiiyak Dapu parang sira naman to eh

Mamimiss kita Peti eh, wag mo akong kakalimutan ha? Hihintayin mo ako ha?

Promise cross my heart Dapu wag lang madie hindi kita makakalimutan at hihintayin kita basta babalik ka ha?

Oo Peti babalik ako, babalikan kita

---- End of Flashback

Kasalukuyang nasa private room si Vice kasama ng kanyang Nanay at mga kapatid ngunit wala pa rin itong malay.

Anak gumising ka na naman oh? Wag mo naman paalalahanin si Nanay ng ganto mangiyak ngiyak na sambit ni Nanay Rosario sa anak na wala pang malay.

Nanay nagkakamalay na si Tutoy sambit ng nakatatandang kapatid ni Vice ng mapansing gumagalaw galaw ang kamay nito at pinipilit na ibukas ang mata.

Tuy? Tawaging mo ang nurse dali Tuy?Salamat sa Diyos saad ni Nanay Rosario habang hinahalikan ang kamay ni Vice.

Maya maya ay nagsisigaw na si Vice.

AHHH !!!! ang sakit!! ang sakit !!ang sakit ng ulo ko!!!! sigaw ni Vice na siya namang pinag-alala ni Nanay Rosario.

Nurse!!!!Nurse!! pagtawag ni Nanay Rosario sa Nurse maya maya naman ay dumating na ang Nurse.

Agad namang may itinurok sa dextrose ni Vice na biglang ikinalma ni Vice

Anong nangyayari sa kanya? Bakit siya sumisigaw? pag-aalala ni Nanay Rosario

May history po ba siyang Temporary Amnesia? paguusisa ng Nurse.

Agad na paisip si Nanay Rosario at bigla niyang naalala yung pagdala nila kay Vice sa states dahil sa Brain Cancer niya.

Opo..Naoperahan po siya sa states dahil sa Brain Cancer makakaapekto po ba yun? alalang tanong ni Nanay Rosario.

Wag po kayong mag-alala normal po yan kanya ngayon kasi unti unti ng bumabalik ang alaala niya kaya no need to worry kapag sumasakit ang ulo niya pag naulit po ito ipatawag niyo lang po ako agad nasa Nurse Room lang po ako, sige po pagpapaliwanag ng Nurse sa kanila pagkatapos ay lumakad na din paalis.

Lord maraming maraming salamat po bulong ni Nanay Rosario sa sarili.

Agad silang napalingon ng may mga tao sa may pinto yun yung nakausap nila kanina sa may OR at ER.

ay kayo pala pasok kayo saad ni Nanay Rosario.

Kumusta na siya?pagtatanong ni Mommy Che.

Ok na nagising na pero pinatulog uli kasi nagsisisigaw kanina agad na sagot ni Nanay Rosario.

Bakit daw? pagtatanong ni Mommy Che na halata sa mata niya ang subrang pag-iyak dahil sa pamamaga ng mata nito.

Bumabalik na daw yung alaala niya matapos yung temporary Amnesia niya saad ni Nanay Rosario.

Siya pala naging kasama ng Anak ko ng madisgrasya sila sambit ni Mommy Che na umiiyak na uli.

Pero aksidente naman yun eh di ko rin siya masisisi kasi pareho silang nasaktan..dagdag pa ni Mommy Che.

Nagulat si Nanay Rosario at Mommy Che ng sa kalagitnaan ng paguusap nila.

Biglang nagsalita si Vice.

Peti?..Peti?!!!..Petiiiii!!!! sigaw ni Vice habang nakapikit ito.

Dapu? bulong ni Mommy Che sa sarili.

Agad namang nilapitan ni Nanay Rosario si Vice.

Anak.. anak nanaginip ka.. nanaginip ka saad ni Nanay Rosario habang ginigising si Vice.

Dahan dahan naman lumapit si Mommy Che kay Vice. At muling napaluha.

Dapu comatose si Peti at hindi pa alam kong kailan magigising sambit ni Mommy Che kay Vice.

Agad na napalingon kay Mommy Che si Nanay Rosario.

Paano mo nalaman yung Dapu?pagtatanong ni Nanay Rosario.

Naikwento sakin ng anak ko dati na may kaibigan siya Peti ang tawag nito sa kanya at Dapu naman ang tawag ng anak ko sa kanya pagpapaliwanag ni Mommy Che.

Nasan po siya?Nasan po si Peti? Gusto ko po syang makita Nasan po siya? sambit ni Vice na nagpupumilit tumayo.

Shhh magpahinga ka muna Vice paggumaling ka makikita mo na siya.. ani ni Mommy Che habang patuloy ang pagluha nito.

AHHHHH!!!! ang sakit!!Ang sakit!! Jackiiieee!!! Petiiii!! sigaw ulit ni Vice.

Ikinagulat ito ni Mommy Che.

Nak tawagin mo ulit yung nurse dali sabihin mo nagsisigaw na namn kapatid mo paguutos ni Nanay Rosario sa isang anak nito na agad naman tinakbo ng kapatid nito.

Habang si Mommy Che ay natutulala pa din at patuloy ang pagluha.

Jackieeeeeeeee!!!!!! sigaw uli ni Vice..

Maya maya ay dumating na din uli ang nurse. At muling may itinurok sa dextrose ni Vice.

Nanay wag po kayong mag-alala po ha? Kasi kapag tuluyan ng maalala niya ang lahat mawawala din yung pagsisisigaw niya. Ngayon po talagang subrang sakit pa sa ulo niyan kasi unti unting bumabalik ang mga alala niya sambit ng nurse kay Nanay Rosario.

Napatango nalang si Nanay Rosario habang si Mommy Che ay agad nalang niyakap si Nanay Rosario.

You're still the ONE ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon