" no Moo.. Magpapatahi tayo.. Gusto ko lahat ng susuotin mo sa kasal natin.. Sayo .. At hindi hiniram.. "
" eh--"
" No but's and if Moo.. Special yun.. I love you so much ..."
End of flashback
Nilapitan ko ang gown subrang ganda..
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Habang naaaliw akong tinititigan ang gown na susuotin ko bukas.
Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala si Mommy.
"Ang bilis ng panahon noh nak? Iiwan mo na kami" saad ni Mommy
agad naman akong napalingon sa kanya.
"Dati pinapangarap mo pa to.. pero ito na nak bukas mangyayari na ang pinapangarap mo"
Nilapitan ko si Mommy.
"Mommy ikakasal lang ako hindi ako mawawala, hindi mawawala ang maganda mong anak" pabirong sambit ko sabay yakap sa kanya.
Mahigpit akong niyakap ni Mommy.
Subrang higpit.
Hanggang sa napansin kong sumisinghot na siya.
"Mommy?Bat ka umiiyak Mommy?" agad na pagatatanong ko sa kanya.
Umiling iling lang siya habang ako pinupunasan ang mga luha niya.
"Wala , tears of joy to anak, tears of joy" sambit niya.
"Mommy mananatili akong anak mo kahit kasal na ako.. lagi lang akong nandito" saad ko kay mommy habang tinititigan siya.
Hindi na ako sinagot ni Mommy pero niyakap niya ako ng mahigpit.