Legality 3

7 2 0
                                    

The flashback

.........................⭐️......................

13 years ago........

It was Marianiel's Junior year.

"Marian, attend my birthday celebration next week, pleeeeaaase!?." Sabi ng dati niyang kaklase na si Princess.

Nasa isang café sila naka upo ngayon. Ang pagkikita nila ay hindi planado.

"You're inviting me? Baka sosyalan don?" Nahihiyang sabi ni Marianiel.

"No its not 'sosyal' its just a small celebration for chosen people only. Pamilya at kaibagan lang ang nandon kaya pumunta kana, pleaaasssee!" Si Princess. Mapilit niyang imbita kaya nahiya nang tumanggi si Marianiel.

"Okay fine, pero ano bang motif ng celebration mo? What to wear pala?"

"Yeey! Okay so ang motif ko ay rustic so you can wear any rustic theme dress. Okay?" masiglang sabi nito na paran nag sa-shining shimmering splendid pa ang mga mata nito.

Baliw na talaga ako!

Napatango naman si Marianiel.

"And oh by the way before I forgot, please tell the old squad to come also. Sa resort lang naman namin gaganapin." Habilin nito bago tumayo at nagpaalam na aalis na dahil maghahanda pa ito.

Napabuntong hininga naman si Marianiel habang kakamot- kamit na nag lakad papuntang mall para mamili ng susuotin para sa nalalapit na birthday ng kaibigan.

Habang naglalakad papasok ng mall ay hinnap niya muna sa internet ang mga damit na pang rustic na motif ang dating. Sa paglalakad niya ay hindi niya napansin na makabubggi siya ng lalaking busy rin sa kakatingin sa mga bitbit nitong pinamili. Huli na bago sila makaiwas dahil nagbangaan na ang kanilang katawan dahilan para pareho nilang nabitawan ang mga dala.

Mabilis silang kumilos dalawa para humingi ng despensa sa nabangga at tulingan itong pulutin ang gamit nilang nalaglag ngunit napatigil sila ng magpatong ang kamay nilang pareho ng akmang pupulutin nila ang biniling gamit.

"Pasensya--"

"Sorry hind---"

Pareho silang napatigil sa pagsasalita ng magtagpo ang mga mata nila. Tila bumagal ang lahat sa oras na iyon. Naramdaman ni Marianiel ang pag-iinit ng kaniyang pisngi kaya siya ang unang nagbawi ng tingin.

Napatikhim siya sabay hawi ng kaniyang buhok, "Pasensiya na di kita nakita." Nahihiyang sabi niya.

"No its okay, di rin naman kita nakita." Sabi ng lalaki na tila hindi pa rin nilulubayan ng tingin ang mukha ng dalaga.

Para sa lalaki, ang pagtatagpong naganap ang ang pagbagal ng oras sa kanilang paligid ay sadiyang nakakaloko. Akala niya sa palabas at mga libro lang nangyayati ang ganong bagay.

Gustuhin man niyang alisin ang kaniyang mga mata sa pagtitig sa mukha ng babae ngunit di niya magawa, tila may kung anong hatid na hipmotismo sa kaniya ang maamo at magandang mukha nito. Pasimpleng kinapa ng lalaki ang kaniyang dibdib at mas lalo siyang nagitla ng maramdaman niya kung gaano kabilis ang tibok nito.

Damn..what is happening to me? Tanong niya sa isip.

Natihilan siya ng biglang tumayo ang babae at nagmamadaling magpaalam sa kaniya na may pupuntahan pa ito tsaka humingi ulit ng dispensa bago dali daling naglakad papalayo.

Di niya maintindihan ang sarili kung bakit parang nanghihinayang siya na umalis na ang babae.

Something's definitely wrong with me and I gotta figure this out. Shit!

Her LegalityWhere stories live. Discover now