Vote. Comment and Share. ❤
____________________________
The Wedding
I looked through my reflection in the mirror. Naiiyak ako na kinakabahan. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Masiyadong naghahalo-halo. This is my special day! I am lucky to have this day happened in my life.
"You looked like a goddess my dear!" Maluhaluhang sabi ni Ate Anjie. Ang kapatid ng lalaking minamahal ko. Si Angelo.
"Thank you for being here Ate. I'm glad na nakarating ka ngayon." pigil luhang sabi ko. Juskoooo! Baka masira ang make up ko nito.
" Of course! Hindi ko pwede ma-miss ang kasal niyo ni Angelo ngayon!"
Ngumiti lang ako sa kaniya. Today is my most awaited day, ang kasal namin ni Angelo. Feel ko ang swerte ko kasi ikakasal ako sa lalaking gwapo, mabait, malaki.... ang puso, at syempre mahal ako.
Being with him for almost 13 years is not an easy run. We've been through so many odds but luckily we've survived it all. Sa gwapo niyang yun, maraming gustong umangkin, kaso sabi ni bebe Angewoo, hihihi ako lang gusto niya angkinin. Shems!! Kinikilig ako.
Erase! Erase! Erase! Nako bawal madumi utak sa simbahan! Imbes na mag-isip ng kung ano ay tinitigan ko na lang ang mukha ko sa salamin. Para akong nakikipag face to face kay Liza Soberano! Ehhemm.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko at iniluwa si Mama na lumuluha. OA masiyado.
"My beautiful daughter! It really is happening! Your getting married. I hope you won't forget about me." madramang aniya.
"Anong 'I hope you won't forget about me' ang sinasabi mo ma? Hindi naman ako aalis ah? Ikakasal palang." Nakanguso kong sabi.
"Siyempre kapag mag-asawa na kayo ng mahal kong son-in-law ay mababawasan ang time mo sakin. Lalo na at bubuo na kayo ng sarili niyong pamilya. Baka nga araw-araw honeymoon!" nanunukso ang mga mata niyang nakatingin sa akin sa salamin. Biglang uminit ang mukha ko.
Honeymoon? Honeymoon? Araw-araw? Sheemmmsss!! Ito na ba talaga to??? Makashave nga! Charot!
"Mama naman eh! Wag ka nga!" Pabebe kong ani, kaya kinurot na ako sa tagiliran. Ang shaket!
"Hmmpt! Maghanda ka na at paparating na ang bridal car mo!" Halos magtatalon niyang sabi.
-
--------
Gusto kong sumigaw, masiyado akong kinakabahan. Shemss! Todo na to!! Hawak ni mama ang mga kamay ko habang nagpapahid siya ng luha niya.
" Kung nandito lang ang papa mo anak. I'm sure matutuwa siya." lumuluha pa din siya. Napakunot ang noo ko.
"Ma, anong pinagsasabi mo? Nandito naman si papa ah? May kinuha lang sa kotse."
Nag peace sign lang siya bilang sagot. Mayamaya pa ay dumating na si Papa, at nag iyakan nanaman kaming tatlo.
Lumapit sa amin ang coordinator at sinabihan kami na maghanda na dahil magsisimula na ang seremoniya.