Chapter 6

146K 9.6K 4.8K
                                    

Chapter 6: First Victim

Hinintay kong makaalis ang sasakyan ni Brix bago ako pumasok sa gate. Wala pa namang alas otso ng gabi kaya hindi pa kinandado ni Tita Ophelia ang mga pinto. Mula sa bintana ay nakikita ko pang bukas ang mga ilaw. Malamang na naglalaro pa ng xbox si Eliyah at malamang din na hinihintay niya ako para gawin ang mga assignment niya.

Huminto ako sandali para ayusin ang sarili. Marami mang nangyari ngayon pero hindi ko dapat ito ipahalata. Knowing Tita Ophelia, when she feels something strange, she won't stop until she gets the answer. No. I feel so tired and being confronted for things I myself can't even comprehend is the least I need right now.

Napaatras ako sa gulat nang sumulpot sa harapan ko si Tati. Kumunot ang noo ko nang tahulan ako nito nang tahulan. Sinubukan ko siyang hawakan pero umatras ito at mas naging agresibo. Parang hindi niya ako kilala.

"Tats, si Astra 'to." Tinangka ko pang lapitan ito pero bigla itong tumakbo sa isang sulok, patuloy pa rin sa pagkahol sa 'kin.

He doesn't know me anymore. Malamang na gawa ito ng pagiging bampira ko. I feel so attacked that it makes me sicker. Masasabi kong sa asong ito ako naging pinakamalapit. Ako ang nagpapaligo, nagpapakain at naglalabas sa kanya. Ngayon ay hindi na niya ako makilala.

"Ano ba 'yan?!" Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa 'kin si Tita Ophelia, nakasuot na ang white face mask niya kaya hindi ko makita ang mga guhit niyang kilay. As usual ay naka pulang bestida na naman ito. "Well, well. Buti bumalik ka pa, Astralla?" Humalukipkip ito.

Tumakbo si Tati papunta sa likod ni Tita.

Lumunok ako bago sumagot.

"Tita... na-miss ko na si Mama," bigla kong sabi.

Wala na akong mairason na magsasalba sa 'kin. Kahit ganito si Tita ay mahal niya ang kanyang kapatid. Pagdating kay Mama ay tumutuwid ang kanyang mga kilay at tumitikom ang matalak nitong bibig. Hindi ko madalas banggitin si Mama dahil maging ako ay nalulungkot pero wala na akong pagpipilian.

Sorry, Ma...

Bumaba ang tingin niya sa suot ko at mas naging magulo ang kanyang tingin.

"Na-miss mo ang Mama mo kaya bumili ka ng bagong dress?"

Mahina akong napamura nang hindi napagtanto kung ano ang suot ko. Hindi ako nakasagot.

"Eliyah! Kunin mo na nga muna itong si Tati!" sigaw ni Tita Ophelia sa loob.

Tamad na lumitaw sa eksena si Eliyah at kinarga si Tati. Napatingin ito sa akin at agad na ngumiti. "Andyan ka na pala, Astra. Nasa table sa sala ang mga gamit ko. Pagkatapos mong gawin, pakiayos na lang sa bag ko. Huwag mong kakalimutan."

"I'm tired, Eliyah. Hindi mo ba kayang gawin ang assignment mo?" pagdaing ko.

"Bakit ko pa gagawin kung andyan ka naman." Saka na ito tumalikod at bumalik na sa loob.

Muling napunta kay Tita ang tingin ko.

"Saka ano naman ngayon kung na-miss mo siya? Saan ka galing?" Muli nitong pinasadahan ng tingin ang dress ko. "Saan mo nakuha ang pambili mo ng magarang damit na 'yan? Kay Dahlia ba? Nasaan ang kape ko?"

"Pinuntahan ko po sa sementeryo si Mama." Nangilid ang mga luha ko. Gawa-gawa man ang kwentong ito pero totoo ang nararamdaman ko.

Kung nandito lang sana si Mama, hindi ganito kabigat ang nararamdaman ko. I know she wouldn't believe whatever story I have to tell right now, but surely, she would listen and comfort me. Damn. Being alone never struck me this hard.

"Pumunta ka sa sementeryo nang naka-dress?"

"Tita... hindi ko na kaya. Miss na miss ko na si Mama."

"E-ewan ko sa 'yo, Astra." Nakita ko ang paglunok nito na halatang apektado sa sinasabi ko. "Pumasok ka na. Maghugas ka muna ng plato bago mo gawin ang assignment ni Eliyah." Saka na ako nito tinalikuran at pumasok na sa loob.

Linked SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon