Chapter 33

134K 8K 2.8K
                                    

Chapter 33: Break

I've had the best sleep. It was all good until I realized I wasn't in my room anymore. Malaki ang kwarto ko sa dating bahay ngunit ang isang ito ay medyo maihahalintulad sa silid ko kina Tita Ophelia. Maging ang mga gamit dito ay mukhang hindi mamahalin. Andito pa rin ang tukador ko.

Where the hell am I?

Kanina pa ako nakasandal sa dulo ng kama at pilit na iniintindi kung ano ang nangyayari. Isa lang naman ang makakagawa nito sa akin, siya lang din naman ang huli kong kasama kagabi. Ang tanong ay saan niya ako dinala?

Nakarinig ako ng ingay sa labas.

Lumunok ako bago bumaba na sa kama. Sinuot ko ang nakahandang kulay puting malambot na tsinelas. Huminto ako sa harapan ng pinto. Nagdalawang-isip ako kung bubuksan ko ba.

What if I was abducted?

Why would even do that?

I gulped and shook my head.

I was about to hold the doorknob when someone suddenly opened the door. Tuluyang nagising ang diwa ko nang tumama sa mukha ko ang pinto. Pabagsak ang pagbukas no'n kaya malakas ang tama.

"Ah!" I complained.

Brix just looked at me like nothing happened.

"Practice to knock, Mr. Cardinal!" I hissed.

"Wala ka bang balak na magbihis muna?" tanong niya.

Saka ko lang napagtanto na naka-underwear lang pala ako. Nanlaki ang mga mata ko at dahil sa sobrang gulat ay pabagsak na sinarado ko uli ang pinto. Hindi ko alam kung natamaan ko siya. Sana.

"Shit," I murmured.

Some details of what happened last night started to remind me that I should be embarrassed right now. Nagmakaawa lang naman ako kay Brix na gawin namin 'yon. Nagmukha akong uhaw sa kanya kagabi!

"Gaga ka, Astra!" Umiling-iling ako.

Pero alam kong sinapian lang ako nung kagatin ako ni Brix sa leeg. Just like his kiss, his bite must have an enchantment, too. Like... everything he does will affect me in any way.

"It's pretty normal," I mumbled.

Nandito pa rin ang closet na galing sa dati kong tinirihan kaya kumuha ako ng maisusuot doon. Pumili ako ng jagger pants at kulay puting pang-itaas. Kumuha ako ng pantali sa buhok at pina-bun ang buhok ko.

I let out a heavy sigh as I skedaddled my room. Naabutan ko si Brix na pinapalitan ng cover ang mga sofa. Naka-simpleng white t-shirt pa rin itong nakatupi sa kanyang balikat at ang pang-ibaba naman ay sweat pants.

"Nasaan tayo?" tanong ko.

Pinagpagan ni Brix ang kanyang mga kamay bago humarap sa akin. Sandali niyang ginala ang tingin sa simpleng bahay. Gusto ko tuloy isipin na maging siya ay hindi rin alam kung nasaan kami.

"Mansion," he responded, casually. Pumaywang ito habang tamad na nakatingin sa akin. "Hindi dapat ako ang gumagawa ng mga ito. Pwede bang tumulong ka naman?"

Kumurap-kurap ako. "Mansion? Ito?" I motioned my hand around.

What's so mansion about this cheap house?

"It still is part of the mansion. It's just located in the backyard." Pabagsak na umupo ito sa sofa at pinatong ang isang binti sa isa pa. "I can't risk by putting you in the main. Maraming mamahaling vase at painting doon. Things that are worth more than your life."

"Do you really think I am that clumsy?!" Ako naman ngayon ang pumamaywang sa harapan niya. "Saka... mukhang malayo 'to sa main gate. Why don't you just put me in the main? I promise not to break anything! Cross my blood!"

Linked SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon