CHAPTER 1

6K 96 0
                                    

Zachary was busy walking like he owns the airlines. He was now heading to the exit. He only used a public plane than using his private plane made by the friend of his friend.












Habang naglalakad ay hindi niya pinapansin ang mga kababaihang napapatingin sa direksyon niya. Dire-diretso lang siyang naglalakad habang suot ang shades na lagi niyang suot tuwing may lakad siya.













Tahimik lang ang paglalakad niya hanggang sa isang babae ang bumangga sa kanya at ng makitang na-out of balance ito ay agad niyang ipinulupot ang braso niya sa beywang nito.













Tila nag-slow motion ang paligid niya ng magtagpo ang mga mata nilang dalawa. Ni hindi rin sumagi sa isip niya na tumibok ang puso niya sa sandaling nagtagpo ang mga mata nila kahit na nahaharangan ng suot-suot niyang shades ang mga mata niya.












Napakaganda ng mga mata nito na para bang nang-eenganyong titigan niya pa ng matagal.












"I'm sorry" giit ng babae at agad na lumayo sa kanya ngunit tila natulala siya dahil sa taglay nitong ganda.













"Sir?" Muling saad nito kaya tumikhim siya bago tinanggal ang shades niya.














"Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo" anito at muling binalik ang shades sa mga mata niya saka nagpatuloy sa paglalakad.














Paglabas niya ay nangunot ang noo niya ng hindi niya makita ang sasakyan niyang pinadala kay Joshua.












Nagpaikot-ikot ang tingin niya hanggang sa isang pigura ng lalaki ang nakita niya hindi kalayuan sa kinatatayuan niya at may dala-dala pang kulay pulang tela na iwinawagayway nito sa ere.












Napaarko ang kilay niya dahil kilalang-kilala niya kung sino ang taong iyon.













Naglakad siya patungo sa p'westo ng kaibigan at ng makarating doon ay nakangisi ito habang nakapatong ang isang braso sa nakabukas na pinto ng sasakyan niya.













"Really, Joshua? Alam mo ba kung gaano kamahal ‘yang sasakyan ko ‘tapos hinahayaan mong makapasok lang ng basta-basta ang mga alikabok?" May pagkainis na sabi niya rito at lalo lang itong ngumisi bago sinarado ang pinto ng kotse niya.












"There. Sarado na" napailing nalang siya sa ka-weird-uhan ng kaibigan kaya nagtungo siya sa likod ng sasakyan at inilagay doon ang hawak-hawak niyang maleta.














Pagkalagay ng maleta niya roon ay nagtungo siya sa driver seat at hindi na siya nagtaka pa ng makitang nakaupo na sa passenger seat si Joshua.













"I heard na tinanggihan mo pa rin si Mr. Yama sa inaalok niya sa ‘yo" saad niya habang binubuksan ang engine ng sasakyan hanggang sa mapaandar niya iyon.












"Well, I don't need to change my trainer. Kilala mo naman ako, ayoko ng papalit-palit" ani kaibigan niya at napatango-tango naman siya.














"Yes, ayaw mo ng papalit-palit ng trainer pero kapag sa babae isang araw lang sila sa ‘yo" nakangising saad niya at narinig naman niya ang pagtawa nito.













LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon