CHAPTER 15

2.3K 58 3
                                    

Naalimpungatan si Zachary ng panay ang tunog ng cellphone niya kaya kahit na nakapikit ay kinapa niya ang bedside table.











He was now on his condo.













Nang makapa ang cellphone niya ay binuksan niya ang isang mata niya at nakitang ang nakatatandang kapatid niya iyon. Kahit na inaantok ay sinagot niya ang tawag at itinapat ang cellphone sa tainga niya.













"Hello" bati niya sa tamad na boses.











"Bumangon ka na daw sabi ni Lola" malumanay na sabi ng kapatid niya kaya napadapa siya ng higa ng wala sa oras.













"bırak uyuyayım" Let me sleep. Turan niya sa salitang turkish at narinig naman niya ang pagbuntong hininga ng kapatid.













"Hayır. Uyanmalısın. Büyükannen söyleyecek bir şeyleri var" No. You need to wake up. Grandma has something to say. Saad din ng kapatid niya sa salitang turkish kaya kahit antok pa ay bumango siya sa kama niya.















"Okay. Okay... Kailangan ko pa bang pumunta ja'n?" Tanong niya habang nakaupo sa kama niya.











"No need. Nandito na kami sa tapat ng condo mo"













Tuluyang bumukas ang mga mata niya sa sinabi nito. "Asla" No way. mahinang sagot na malamang ay narinig naman nito.











"Yes way, Erkek kardeş" Brother. Ani kapatid niya habang mahinang tumatawa sa kabilang linya.













Aalis na sana siya sa kama nang biglang may pumulupot sa beywang niya. Paglingon niya ay napamura siya ng maalalang sa condo niya pala natulog si Ainaeco. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niya, ang lumabas o ang gisingin si Ainaeco para pagbihisin.













Nauwi kasi sa mainit na tagpo sa condo niya ng mag-aya itong iuwi siya sa tinutuluyan niya.













"Shit!" pagmumura niya bago marahang lumapit sa mukha nito para gisingin.













"Baby, wake up" mahinang paggising niya rito pero umungol lang ito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.















"Hindi pwede 'to" bulong niya habang inaalis ang braso nito sa beywang niya pero huli na dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Ziiro.













"Ziiro..." pagsasabihan niya palang sana ito na 'wag maingay pero bigla itong sumigaw.



















"Lolaaa! Mommyyy!" malakas na sigaw nito kaya napapikit siya ng mariin hanggang sa marinig niya ang boses ng kapatid at Lola niya.













"Apo..."













Napadilat siya at tumingin dito. Dumako ang tingin nito sa kanya at bumaba kay Ainaeco na tila unti-unti ng nagising.















LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon