CHAPTER 18

2.3K 61 2
                                    

Tulad ng dati ay busy si Ainaeco sa mga bagong clients niya kaya maging ang pagkain ng tanghalian ay nakalimutan na niya.















"Turn around please" aniya sa isang client niya dahil ngayong araw susukatan ang mga dadalo sa kasal ng isang client na nagpareserve sa kanya para sa gowns and tuxedo.













Hindi niya iniinda ang pagod kahit na naiinitan siya sa dami ng lalaki na sinusukatan niya ngayon. Naiilang siya dahil nakatingin ang mga ito sa kanya at hindi siya sanay tuwing maraming mata ang nakatingin sa kanya. Hanggang sa narinig niya ang katok sa pinto ng fitting room kung saan niya sinusukatan ang mga lalaki.













"Come in" sigaw niya habang nililista ang sukat ng sinusukatan niya.















Bumukas ito at mukhang wala itong balak pumasok sa loob. "Ma'am Ai, nandito po si Sir Zach at hinahanap po kayo."













She smile when she heard his name while getting the size of the man in front of her. "Tell him that I'm here" she said.















Wala siyang narinig na sumagot hanggang sa dumako ang tingin niya panandalian sa pinto at pinapapasok na ang nobyo niya ng isa sa mga staff niya.













Nakakunot ang noo nito pero siya ay patuloy pa rin sa pagsusukat. Nakita niyang naglakad ito patungo sa kanya at nang sandaling malapit na ito sa kanya ay humarap siya rito at mabilis itong hinalikan sa labi saka muling bumalik sa pagsusukat.













"It's already lunch, you should eat."















Napangiti siya sa tinuran nito kaya sinagot niya ito habang nagsusukat. "Let's eat together. Just wait me at my office, okay?"













Humarap na siya rito at muling dinampian ito ng halik pero this time ay sa pisngi naman nito. Nagbuntong hininga naman ito bago sumunod sa kanya. Dalawa nalang naman ang susukatan niya.















"Is that your boyfriend?"















Napalingon siya sa nagsalita at napangiti siya ng groom iyon.













"Yes" tipid niyang sagot habang nakangiti.













Kung kanina ay pagod na pagod siya tila nawala iyon ng dumating si Zachary at nakita niya.















Nanatili siyang nakangiti hanggang sa matapos ang pagsusukat niya. Nanatili sa leeg niya ang tape measure na ginamit niya pangsukat at nang makapasok siya sa opisina niya ay nakita niyang nakahiga sa pahabang sopa si Zachary at nakapikit.















Mukhang pagod din ang isang 'to. Anang isang bahagi ng isip niya kaya isinabit niya ang tape measure na nasa leeg niya sa sabitan at lumapit sa p'westo nito.















Nag-indian sit siya at napangiti ng makita ang maamo nitong mukha. Inangat niya ang isang kamay at hinaplos ang ulo nito.















"Ang manly kapag tulog" aniya na sinamahan pa ng mahinang pagtawa.















Bumaba ang kamay niya sa kilay nito na makapal pero pantay at maganda ang pagkakahugis, pababa sa pilikmata nitong mahahaba hanggang sa bumaba pa ang kamay niya sa ilong nitong matangos patungo sa pinakapinale na destinasyon, ang labi nitong ilang ulit nagpapasarap sa kanya.















LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon