CHAPTER 2

4.6K 93 4
                                        

Nakasakay si Zachary sa sasakyan niya habang nakatingin sa babaeng nakangiting papasok sa isang grocery store.












Kahit marami siyang ginagawang trabaho sa kumpanya niya ay hindi niya maiwasang hindi sundan ang unang babae na nakaagaw ng atensyon niya.












Malakas siyang napabuntong hininga at lumabas sa sasakyan niya bago tinahak ang parehong daan na dinaanan ng babae.












"Excuse me, Sir."












Naudlot ang pagpasok niya sa loob ng grocery store ng harangan siya ng guard na naroon.












"Yes?" He said without emotion in his face and using a cold voice.












"'Yung baril niyo po, Sir."












Nangunot ang noo niya at naramdaman niya na nakatingin na sa direksyon niya ang mga namimili. Walang buhay na kinuha niya ang pitaka at inilabas ang lisensiya ng baril niya.













"Is this enough?" He said and the guard just nodded, so he continue walking again.












Kumuha siya ng tray at inilabas ang cellphone niya para tignan kung nasaan ang babae. Nang makita ang red dot ay mabilis niya itong pinuntahan hanggang sa makita niya ang babae na may hawak na dalawang product at katabi nito ang cart.












Walang alinlangan siyang lumapit rito at ng mapansin siguro nitong nakatayo siya sa tabi nito ay lumingon ito sa kanya.













"Oh!"












Ngumisi siya ng makita ang pagkagulat sa mukha nito hanggang sa ngumiti ito.













"It's you again" ani ng babae.














"Well, It's nice to meet you again" he said.














Mas lumaki ang ngiti nito hanggang sa parang nahihiya itong magtanong.











"Uhm. Don't be offend but, is this really your destination?" Nakangiwing tanong nito kaya tinignan niya ang hawak nito at hindi niya naiwasang hindi mapalunok.













Pinasadahan niya rin ng tingin ang paligid niya at dahil sa kahihiyan ay naglumikot ang paningin niya.













"Uhmm" tumingin siya sa babae at nakangiti ito na parang natutuwa sa reaksyon niya.













"Don't you dare try to laugh. I'm here because..." Hindi niya maituloy ang sasabihin niya dahil naghahanap siya ng pwedeng idahilan, sabayan pa ang ngiti ng babaeng kaharap niya, "because I'm buying what my sister need. You know, girl stuff" palusot niya at tumango-tango naman ito pero nanatiling nakangiti.














"Okay, even if I'm feeling uncomfortable because a handsome guy like you is going to buy girl things for his sister" napangiti siya sa tinuran ng babae at lumapit rito saka ito binulungan sa tainga.














"Handsome?" May naglalarong ngiti sa labi niya nang tila maestatwa sa kinatatayuan ang babae. "What's your name?" He added while looking at her eyes.













LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon