Matched
03: 'Ko"Ano 'yon Coleen? Ehem, beke nemen, kwento ehem!" Pagpaparinig ni Layne! Nanigas lahat nang kalamnan ko, hindi pa ito ang tama'ng panahon para sabihin sa kanila! Lalo na't andito si Aik!
"Naghihintay ako, Coleen." Pagpaparinig din ni Collin sa akin, tinignan ko lang siya nang masama.
"Bakit ba gusto mo'ng malaman?! Tsaka hindi importante 'yon!" Inis kunwari ko'ng sagot at tinaasan siya nang kilay, waaah! Hindi ako maka-tingin sa mata niya, eh kasi naman hinuhuli niya 'yong mata ko!
"Para sa akin, importante 'yong ipagtatapat mo sa akin, kaya dali na, madilim na oh, medyo malayo pa kami dito ng pinsan ko, sabihin mo na kasi, Coleen." Utos niya sa akin.
"Eh sa ayoko eh!" Medyo napa-lakas ang boses ko kaya naman nagulat sila, napa-kamot na lang ako kasi sumabay 'yong mga aso'ng tumatahol.
"Tsk, baka nga tama 'yong hinala ko na... hmmm, Coleen? Siguro naman alam mo na 'yong naiisip ko?" Pangaasar nito'ng butiki'ng maputi'ng 'to! Oh, my shet! Baka sabihin niya at malaman ni Layne!
"Tama'ng hinala ka rin eh noh? Abnormal ka ba'ng butiki'ng maputi ka?! hah?!" Arrggg, hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko! Kasama ko ang dalawang tao'ng kilala ko at kakikilala ko pa lang! Buti ba kung kami lang ni Collin at baka maisigaw ko pa sa kaniya na gusto ko siya simula pa lang nang magkakilala kami, at kaya ko siya iniiwasan kasi gusto ko nang lumayo kasi alam ko'ng gusto niya si Layne tsaka kilala ko naman si Layne, mabait siya at kaya niya'ng alagaan si Collin, kaya may tiwala ako sa kaniya kapag naging sila na ni Collin in the future!
"So, ano nga 'yong ipagtatapat mo sa akin? You look serious kanina sa canteen, so seryoso'ng bagay ang sasabihin mo, kaya sige na, Coleen, sabihin mo na." Pangkukumbinsi pa niya, napakamot nanaman ako nang batok! Hirap ma hirap na ako dito! Sasabihin ko ba?
Nilingon ko si Layne at binigyan nang tingin na tulungan niya ako kasi hirap na hirap na kasi ako! Agad niya nama'ng na-gets at nagsalita.
"Hay nako, h'wag pilitin si Coleen, may other time pa naman 'di ba para pagusapan 'yan? Kaya kayo CJ, mauna na kayo, baka mapano pa kayo sa daan pauwi, kaya sige na, bye! Kita na lang bukas sa school." Sabi ni Layne habang hinihila ako papasok nang gate.
"Bye, CC!" Narinig ko pa'ng bati ni Aik.
"Bye, Aik!" At tuluyan na kami'ng naka-pasok, pero isasara ko nasana 'yong gate nang bigla'ng sumilip si Collin kaya halos tumalon 'yong puso ko, oh, my shet naman oh! Ang guwapo niya talaga, tsaka ang bango niya, at ila'ng metro na lang ay maglalapit na 'yong mukha namin! Oh, my shet!
"'Di mo nanaman ako binati, aalis na nga kami oh." Ngiti'ng sabi niya sa akin, pero tinarayan ko lang siya at hinawakan ang pisngi niya'ng wala'ng taba at mahina'ng inilayo sa harap ko.
"Tsk, goodbye Collin, hindi ka sana malapa nang aso sa daan, wala ka sana'ng maka-engkuwentro'ng magnanakaw, wala ka san-." Hindi ko na natapos dahil sa ginawa niya!
"Tama na daldal, pero... na-miss ko 'yan, Coleen, sobra... sana bumalik na tayo sa dati." Niyakap ako ni Collin nang mahigpit at napa-oh, my shet na lang ako sa isip ko! Is this real? Yakap ako ni Collin! Ang bango niya sobra! Pero nalungkot ako sa tono nang boses niya sa pananalita niya, ramdam ko ang lungkot niya, totoo kaya'ng namiss niya ako? Ayoko nama'ng mag-assume nang bigla, kasi baka mamaya nag-jojoke lang 'yang si Collin sa akin, pero with matching yakap?
"Ehem, tagal magkayakap 'Te? Tara na, pasok na tayo at may ikukuwento ka pa sa akin." Bigla na lang ako'ng napa-hiwalay sa pagkakayakap nang hilahin ako ni Layne palayo sa pagkakayakap kay Collin at aaminin ko'ng na-disappoint ko! Promise! Kasi naman si Layne eh!
BINABASA MO ANG
Matched
Teen FictionColeen Castillo na kilala rin bilang CC The Matchmaker. Halos lahat ng estudyante sa campus ay kilala na siya dahil sa kanyang "Ability" na makapag-match ng dalawang tao. Pero ang problema, hindi niya kaya'ng maipareha ang sarili kay Collin James, a...