Matched
06: I Want You Back"So ano 'Teh? Magtititigan na lang ba 'tayo hanggang sa matunaw ang isa sa atin?" Lumakas ang tibok nang puso ko nang umpisahan ni Layne ang halos sampo'ng minuto nami'ng katahimikan! At hanggang ngayon ay hindi pa din kami nakakatulog at nakakapasok sa sari sarili nami'ng kuwarto.
"Don't freak out, Layne okay? I'll tell you naman." Sabi ko, nakaka-takot kasi'ng magalit ito'ng si Layne, para'ng manghahampas nang sinturon sa puwet!
"Eh pano ako hindi ma-fifreak out eh kita ko si Aiken na hinalikan ka sa noo? At tsaka ano 'yong 'I love you', 'I love you' na 'yon? At tsaka 'yong sinabi mo'ng 'I'll try to love you too' huh?!" Galit talaga 'to'ng si Layne sa akin! Huhuhu.
"A-ano kasi, Layne... gusto niya ako'ng tulunga'ng maka-move on kay Collin." Sabi ko sa kaniya.
"At ang pag-rerelasyon niyo'ng dalawa ang paraan? Puwede mo nama'ng iwasan si Collin 'di 'ba?" Inis niya'ng tanong sa akon at lumapit sa akin, naka-upo kasi ako sa sofa habang siya naka-tayo kanina habang naka-pamewang.
"Nagawa ko na nga 'di 'ba, Layne? Pero nag-fail kasi kahit ano'ng gawi'ng pag-iwas ko kay Collin, siya na mismo ang lumalapit sa atin, sa'yo, hindi naman kita kaya'ng layuan kasi kaibigan kita, mahal kita at kapatid ang turing ko sa'yo Layne... at ayaw ko'ng maging selfish para lang maka-move on." Naiiyak ko'ng tugon, inakbayan niya ako for the first time habang tina-tap 'yong likod ko.
"I'm sorry, CC, I didn't mean to yell at you, I'm just worried that you are in relationship with a guy that you just met yesterday and... you're using him." Sabi niya sa akin, mala-Anna and Hans ng Frozen pala kami ni Aiken kaso ang pinag-kaiba lang namin ay ako ang wala'ng nararamdaman kay Aiken at si Aiken ang may nararamdaman sa akin.
"Don't worry, Layne. Hindi ako masasaktan at mapapahamak, and siya ang nag-offer sa akin na maging boyfriend ko, tsaka I will be alright, he's a good man, he'll take care of me." Sabi ko sa kaniya at niyakap siya, ito lang ang paraan para mabawasan ang inis at galit nito'ng kaibigan ko.
"Hay nako, sige na nga pero! Kapag nalaman ko'ng hindi nakaka-buti 'yang relasyon niyo'ng dalawa ni Aiken para sa pagaaral mo, itigil niyo na 'yang ginagawa niyo ah." Kundisyon niya sa akin.
"Hindi nama—." Hindi ko na natapos nang pigilan niya ako sa pagsasalita.
"DO we have a deal, CC?" Seryoso'ng tanong niya sa akin, kaya naman mabilis ako'ng tumango sa kaniya, tumayo naman siya at ngumiti sa akin, "Good, tara na matulog na tayo." Sabi niya pa at inalalayan ako'ng tumayo at naglakad na kami papasok sa sari-sarili nami'ng kuwarto.
"GOOD NIGHT! LAYNE!" Sigaw ko sa katabi'ng kuwarto ko.
"GOOD NIGHT! CC!" Balik na sigaw ni Layne sa akin kaya naman bumungisngis ako at pinatay ang lampshade sa gilid ng kama ko at natulog nang mahimbing.
[ K i n a b u k a s a n ]
*Beep* *Beep*
Napatayo ako sa sofa nang may bumusina'ng kotse sa labas, tinignan ako ni Layne na nagsusuklay nangmay pagtataka, hala! 'Di ko nasabi'ng susunduin at ihahatid kami'ng dalawa ni Aiken ngayon.
"S-si Aiken, ihahatid niya daw tayo ngayon." Sabi ko sa kaniya nang may pangangamba, baka kasi magalit siya sa akin eh!
"Hays, magagamit pala natin 'yang si jowabels mo eh, tara na, baka ma-late na tayo!" Sabi niya at nauna na'ng binitbit ang bag at lumabas, kaya ganon din ang ginawa ko.
"Good morning, Wifey, good morning Layne." Ngiti'ng bati niya sa amin, nginitian ko siya at binuksan niya ang pinto ng kotse, ganon din ang ginawa ni Layne at pumasok sa kotse si Layne sa passenger seat, kaya naman 'don ako sa tabi ni Aiken.
BINABASA MO ANG
Matched
Teen FictionColeen Castillo na kilala rin bilang CC The Matchmaker. Halos lahat ng estudyante sa campus ay kilala na siya dahil sa kanyang "Ability" na makapag-match ng dalawang tao. Pero ang problema, hindi niya kaya'ng maipareha ang sarili kay Collin James, a...