Matched 11

37 30 6
                                    

Matched
11: Okay

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung paano ko tutugunan si Layne, nagalit kasi agad siya na'ng hindi ako tinatanong kung pumayag ako kay Collin na tulungan siya.

"Ehem." Nilingon ko si Layne nang umimik siya, naka-tayo siya sa harap ko habang ako naman ay naka-upo sa sofa, hindi niya talaga ako pinansin kanina'ng buo'ng klase matapos ko'ng sabihin 'yong tungkol sa pinag-usapan namin ni Collin.

"L-Layne... I need your help talaga, t-three times kasi ang ibabayad ni Collin sa akin... and babayaran niya ang pagkain ko sa recess or break time." Komisyon ko kay Layne, alam ko'ng nagmumukha ako'ng pera pero kailangan ko lang talaga, and first time lang 'tong nangyari.

"Coleen, sinabi ko na sa'yo 'di ba? Wala ako'ng feelings para kay Collin... and nagaalala ako sa mararamdaman mo! Isipin mo kasi 'yong sarili mo! Hindi 'yong puro kasiyahan ng iba!" Tumaas ang tono ng boses niya! Galit pa rin siya, nabigla na lang ako nang mag-lakad siya paalis kaya naman tumayo ako at hinabol siya sabay hawak nang braso niya.

"Layne naman, sorry... iniisip ko naman 'yong sarili ko at... ikakasaya ko'ng sa'yo mapunta si Collin kesa sa iba... atleast kilala at kaibigan ko." Naka-ngiti'ng sabi ko ngunit naiiyak na ako, kung hindi mapupunta sa akin si Collin, edi sa kaibigan ko'ng kilala ko'ng kaya siya'ng alagaan at subuka'ng mahalin.

"Pero Coleen! Hindi 'yon, 'yon eh! Pakiramdam ko kasi, trinaydor ko ang sarili ko'ng kaibigan at inahas ko si Collin sa'yo!" Naiyak ako nang sabihin niya 'yon, pati din siya pero pinunasan niya 'yon at muli'ng nagsalita, "Pero para sa'yo... pagiisipan ko." Sabi niya pa at tinanggal ang pagkaka-hawak ko sa kamay niya at pumasok na siya sa kuwarto niya, ako naman ay natulala sa kinatatayuan ko.

Tama ba 'to?

Umiiyak naman ako'ng pumasok sa kuwarto at ini-lock 'yong pinto kasi wala di'ng saysay 'yon kasi alam ko'ng hindi ako papansinin ni Layne sa ngayon... ngayon lang nangyari 'to sa amin ni Layne, kasi kagaya nang kagabi, kapag nagagalit siya idadaan niya na lang sa biro ang lahat sa huli para magka-bati kami'ng dalawa, pero ngayon ay napaka-seryoso n'ya.

Kaya wala na lang ako'ng nagawa at natulog na kahit wala'ng kain, tumataba na din kasi ako kaya kailangan ko nang break sa pagkain.

( k i n a b u k a s a n )

Tapos na ako'ng maligo kagaya ni Layne at kulang na lang ay umalis na kami pero nauna na siya'ng lumabas nang hindi ako pinapansin, kaya sinundan ko na lang siya palabas ng apartment.

Natanaw ko mula sa kabila'ng kanto ang kotse ng Daddy ni Aik, ihahatid niya ulit kami, at hindi ko siya na-replyan sa mga texts niya kagabi na hindi ko nabasa at nito'ng umaga ko lang nakita, panigurado'ng magtatanong siya tungkol dito, at kagaya nga nang kahapon ay huminto ito sa harap namin.

"Goodmorning, Wifey and Layne, sakay na kayo." Yaya ni Aik sa amin, tinignan ko naman si Layne na para wala'ng balak na sumakay ng kotse.

"Goodmorning, Husby... pero hindi na muna kami sasabay sa'yo, may d-dadaanan pa kasi kami ni Layne eh, pero salamat sa effort, ingat ka." Naka-ngiti ko'ng sabi sa kaniya, bigla naman siya'ng nalungkot kaya naman lumapit na lang ako sa kaniya at binulungan, "Sorry."

Pero wala na lang siya'ng itinugon at hinalikan na lang ako! Sa forehead at nginitian ako.

"Sige, Wifey, Layne, una na ako, ingat kayo ah, bye!" Masaya'ng tugon niya sa amin, tumango at ngumiti naman si Layne sa kaniya bago umalis ang kotse'ng gamit ni Aik, napa-kamot na lang ako sa ulo nang magsimula na di'ng maglakad si Layne.

MatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon